I just chuckled at umiling. Kumunot pa ang kanyang noo. Nagtataka siya siguro kung bakit ako tumatawa. Nakakatawa naman talaga ang sinabi niya. Are you trying to fool me? Excuse me? Hindi ako same sa ibang babae dito sa nobela na 'to. Hindi mo ako maloloko, Storm.
“Anong nakakatawa?” tanong niya sa akin.
“Wala lang. Hindi kasi makapaniwala ang sinabi mo.” Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. “Ano bang iniisip mo? Kung makatingin ka ah parang papatay ka ng tao.”
“Papatay talaga.” Napalunok na lamang ako ng laway dahil sa kanyang sinabi. Mukha hindi niya napansin ang reaksyon ko kaya binigyan niya ako ng pekeng ngiti. “Joke lang.”
“Pero mukhang hindi joke iyun ah.” Hindi lang siya nagsalita at tumawa nalang ako ng peke para hindi maano ang mood.
•••
Nakatulala lang ako habang kinakain ang pagkain na nasa lamesa. What am I doing here? Napatingin ako sa dalawa. Palipat-lipat ang tingin ko kay Sky at Desiree.
Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyon na 'to. Basta isa lang ang nasa isip ako. Kung bakit ako pumayag kay Desiree na sabay kaming mag lunch.
I didn't expect na kasama pala si Sky wala naman kasing sinabi sa akin si Desiree.
“Umm... guys—” Hindi pa nga ako tapos magsalita ay bigla nalang ako napahinto dahil inunahan ako ni Sky. Ayy epal.
“I heard close kayong dalawa.” He gave us a warm smile that made my skin shiver. “Kailan pa?”
Alam kong sa likod ng ngiti na iyan ay may madilim na aura siyang tinatago. Dahan-dahan akong napatingin kay Desiree na seryosong nakatingin kay Sky.
Kailan pa naging intense sa tuwing magkakasama sila? Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan silang dalawa. What's wrong with this two?
“Why do you care, prince?” the girl asked.
Napanganga nalang ako dahilan para itakip ko ang bibig ko. Hindi ko aakalain masasaksihan ko 'to sa harapan ko. I didn't expect this to happened.
“Because...” Mapaglarong tumingin sa akin si Sky kaya nag act ako ng normal at nag pa as if na nag mamind ako ng aking sariling business—kahit wala naman negosyo. “I care for her.”
Tinaasan siya ng isang kilay ni Desiree dahilan para mapalunok ako ng laway. Napansin ko pang nakatingin sa akin si Sky na para bang pinaglalaruan niya ako. Sinenyasan ko naman siya na bawiin ang sinabi niya pero tumawa lang ang gago.
“Kailan pa? As I heard, wala kang pake sa iba dahil sarili mo lang ang iniisip mo.” Mas lalong naging intense ang paligid.
Kahit hindi napapansin ng iba ay pansin na pansin ko ang kuryente sa kanilang mga mata. Feeling ko talaga ay magsusuntukan sila eh.
“Umm guys...” Napalingon sila sa akin dahilan para mapalunok ako ng laway. “Kainin niyo na pagkain niyo, lalamig na iyan.”
Napatingin silang dalawa sa pagkain nila. Kanina pa ako takam na takam sa mga pagkakain niyo. Ang sarap kasi.
“Kung gusto mo sa'yo nalang,” ani ni Desiree dahilan para mamilog ang aking mata.
“Luh talaga?” Napangiti pa ito at tumango.
Kinuha ko naman ito at masayang kinain bahala na tataba ako. Feeling ko naman kasi hindi ako nag ga-gain ng weight dito sa nobelang 'to. Hindi ko nalang pinansin ang intense nilang pagpla-plastikan baka kasi ma stress pa ako. Maaga pa tuloy akong tatanda.
•••
Kinuha ko na ang tatlong libro at nagsimula ng maglakad. Napahinto lamang ako ng makita si Cedrick sa hindi kalayuan na may seryosong nakatingin na babae sa kanya na nakangiti. Maganda naman siya kaso na cre-creepyhan ako sa kanya. Napangiwi na lamang ako halata sa babae na baliw na baliw siya kay Cedrick.
Napalingon si Cedrick sa akin dahilan para mamilog ang aking mata at tumalikod. No! Wag mo ako tawagin! Wag ka lumapit sa akin!
“Verity!”
Halos gusto ko na talaga lumublub sa lupa dahil sa inasta niya. I can feel his presence na papalapit sa akin. Humarap ako sa kanya at iyung babae naman ay masamang nakatingin sa akin. Oh great!
Masaya pa lumapit sa akin si Cedrick. Hindi ba niya napapansin na parang gusto na akong patayin ng mga babae na iyun.
“Salamat ha, nang dahil sa'yo kukunin na ako ni kamatayan ngayon.” Mukhang naguguluhan pa ito pero binigyan ko nalang siya ng pekeng ngiti.
“Pardon?” Mas lalo pa akong nainis ng makitang mukhang hindi niya gets ang ibig ko sabihin.
“Kung wala ka naman kailangan, Knight Cedrick. I will take my leave now.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. Jusko naman!
Anak ng tinapa! Hindi niya ba nababasa ang atmosphere ng paligid?! Sinenyasan ko siya pero parang wala itong naintindihan kahit ni isa sa sinabi ko.
Seryoso ba siya?!
“Let me help you, my lady. Alam kong mabigat ang libro na iyan.”
Napatingin ako sa kung saan nakatayo ang babae pero wala na siya. Sinamaan ko naman ng tingin si Cedrick.
“Great, thanks to you. Makakatanggap ako ng death treats mamaya.” Tumawa naman ito kaya mas lalo lang ako nabadmood.
Sinadya niya talaga na lumapit sa akin para manganib na naman buhay ko. Nag e-enjoy talaga 'tong psychopath na 'to na mataranta ako na isave ang buhay ko.
“Don't worry, if that really happens.” Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. Napansin ko kaagad ito dahil nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. “Hindi na siya makakalapit sa'yo ulit.”
“Sus kaya mo iyun?” Tumawa ako para ipamukha sa kanya na hindi ako naniniwala sa kanya. “Weee?”
“I thought you already know who I am, Verity.” He just smiled playfully habang nakatingin sa harapan. Well, kilala ko talaga siya. Malakas si Cedrick, marami na siyang napatay na kalaban at ang cruel pa ng pagkamatay. Hindi siya nagdadalawang isip na patayin ito.
“Sa bagay, but would you really make an effort just to save me?” walang emosyon na tanong ko sa kanya.
Hindi ako nakatingin sa kanya. Tanging sa harapan lang ako nag fofocus pero ramdam ko ang pagkairita niya.
“What does that mean?”
“You know I'm just a nobody—”
“Come on, Verity. I know you already know our feelings for you... pero hindi mo dinedeny mo lang."

BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siy...