CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-:CHAPTER 7
FIGHT BETWEEN HER//-AGATHA'S POV-//
"Si Xander po?" takang tanong ko kay Manong.
"Ahh..hindi ba siya nagpaalam sayo? Maaga siyang umalis dahil may problema daw sa opisina" usal nito na bahagya kong ikinatango.
"K-kumain po ba sya bago umalis? Hindi nya po kasi ako ginising eh" sabi ko ng pagak itong natawa.
"Naku. Ikaw ha, may gusto kana ba kay sir Xander?" Tanong nito na may halong pang aasar.
"Po? W-wala po ah. Nagtatanong lang naman ako Manang" sabi ko ng tinawanan nya lang ako.
"Kakaiba kasi ang tono ng boses mo. Naku, boto naman ako sayo kapag ikaw ipapalit nya kay Maam Trixie kaysa naman kay Malditang sofia na parang linta kung makakapit kay sir" sabi nito ng nangunot ang noo ko.
"Eh manang sino naman po si Sofia?" Tanong ko pa.
"Isang anak ng kabusiness partner ni sir Xander. Tsk ang malditang bata nun. Dikit ng dikit kay sir" natatawang sabi nya na ikinatango ko.
Nang matapos kong kumain, tinanong ko na rin si Manang kung may nakahanda bang pagkain na para kay Xander.
"Bakit iha, pupuntahan mo ba sya?" Tanong nito na ikinatango ko.
"Opo, hahatidan ko po siya ng pagkain" sabi ko ng nag aasar itong nginitian ako.
Dahil walang pagkain na nakahanda, nagluto ako ng ulam na paborito niya, na sinabi ni Manang. Pinaghirapan ko iyon at ginawa ko talaga ang lahat para makuha ang tamang timpla at lasa ng kaldereta.
Napangisi akong napatango tango habang nagbibihis dahil sa sobrang saya, kahapon kasi mainit ang ulo niya sa akin, pero sana ngayon hindi na....tsk, sabi rin ni Manang na etong food ang supremacy nya lalo na paborito nya ito.
Tuwang tuwa ako na naghanap ng taxi na masasakyan papunta sa gusali kung saan ang pagmamay ari niya.
Napasinghap ako ng hangin, animo'y may kung anong daga sa dibdib ko dahil sa lakas ng pagkabog nito. Tinitigan ko yung baunan na dala ko sana magustuhan nya.
"Salamat po Manong" sabi ko sa taxi driver at saka ako bumaba.
Naglakad ako papasok, pero ramdam ko ang ilang tinginan ng mga empleyado.
"Sino yan?"
"Si Agatha..."
"Oo nga si Agatha, anong ginagawa nya dito?"
"Ewan ko...baka gustong makausap si sir Xander?"
Umugong ang mga bulungan nila na hindi ko nagawang pansinin dahil sa pagmamadaling paglalakad ko.
Nakayuko akong humahakbang ng manlaki bigla ang mata ko sa gulat at kaba....napaawang ang labi ko ng mahulog ang baunan na iyon at natapon ang dala ko.
"WHAT THE HELL!!" sigaw ng isang babaeng nasa harapan ko, ang kabang nararamdaman ko ay naging doble ng malakas na lumagapak sa mukha ko ang sampal nito.
Nanginginig ang kamay ko na napatitig sa babaeng ito, nanlilisik ang mga mata nya...matangkad, maarte at maputi siya...pero bakas dito na sobrang maldita niya.
"S-sorry! H-hindi ko sinasa~" hindi ko nagawang ituloy ng pasinghal siyang tumawa.
"HINDI MO SINASADYA O TANGA TANGA KA LANG TALAGA? AND WHAT THE HELL IS THAT? SOBRANG BAHO!!.." sigaw nito.
"Sorry...k-kase~" hindi ko naituloy ng hablutin nito ng marahas ang buhok ko.
"ALAM MO! ANG AYOKONG TAO YUNG TANGA AT WALANG KWENTA...PERO IKAW? PINAGSAMA MO! TANGA KANA NGA...WALA KA PANG KWENTA! ALAM MO BA KUNG GAANO KAMAHAL TONG DAMIT KO? HA?!..IKAW...BASURA KA" sigaw pa nito ng bigla nyang marahas na hinawakan ang panga ko.
Lumandas agad ang luha sa mga mata ko ng bigla ko nalang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko, dahil sa sakit.
"N-nasasaktan ako...w-wag ple~" hindi ko iyon masabi ng bigla nyang ingudngod yung mukha ko sa sahig.
"AYAN! KAININ MO!!..ANO! TANGA KA...ETO DESERVE MONG ILAMPASO YANG MUKHA MO SA SAHIG!" sigaw nito ng naiyukom ang kamao ko sa inis.
Malakas ko siyang naitulak dahilan para bumagsak ito sa mismong pinag tapunan ng nailuto kong ulam, nandidiri ang mukha nyang napahawak sa sahig...kung saan may bahid iyon ng ulam...
"O-oh my ghossttt!!..Eewww...!! Help me!!" Maarteng sigaw nito...halos umiyak na siya habang nandidiri dun, may mga empleyado ang tumulong sa kaniya ng biglang isang pagtulak ang ginawa nya....ako ang napaupo sa sahig, naramdaman ko ang pananakit bigla ng tiyan ko ng dahil sa lakas nun na ikinaawang ng labi ko.
"SOFIA!! WHAT THE F*CK DID YOU DO!" singhal ni Xander ng nanlaki ang mata nyang napatingin sa akin, ramdam ko ang panlilisik ng mata nito sa galit ng buhatin nya ako dahil sa pagkaawang ng labi ko sa hapdi na nararamdaman ko.
"KASALANAN NYA! LOOK WHAT SHE DID TO ME! GINAWA NYANG BASAHAN YUNG DAMIT KO! AND SHE DESERVE THAT" singhal nito.
____
//HOSPITAL//
"Doc, hows my baby?" Garagal na boses kong tanong sa doctor.
"Misis...the baby is okay. Nagkaroon lang ng reaction yung tiyan nyo dahil sa pagkabagsak mo...pero eto lang ha...take care of the baby dahil mahina ang kapit nito sa tiyan mo..." usal nito na bahagyang ikinatango ko.
"Doc, wala bang dapat na gawin??" Nag aalalang tanong ni Xander na nasa tabi ko.
"Wala na...basta alagaan nyo ang baby na nasa sinapupunan ng asawa mo" sabi ng doctor kay Xander.
Nang makalabas kami, tila nanghihina akong lumalakad ng bigla nalang naramdaman ang pag hablot nito sa braso ko. Nanlilisik at nag iigting ang panga nya ng pinanlakihan nya ako ng mata.
"ANO BANG PUMASOK SA KOKOTE MO HA! PARA MAKIPAG AWAY KAY SOFIA!! ANO BANG GINAGAWA MO SA 0PISINA KO" singhal nito ng napalunok ako.
"G-gusto lang kitang hatiràn ng p-pag~" hindi ko natuloy ng pagak nya akong tinawanan.
"PWES WALA AKONG SINABI NA HATIDAN MO AKO!!..LINTING LINTI NA AKO SAYO HA!! KUNG HINDI KA LANG BUNTIS...BAKA KUNG ANO NG NAGAWA KO SAYO! AT ETONG TATANDAAN MO! SA ORAS NA MAY MANGYARING MASAMA SA BATANG DINADALA MO NA ANAK KO! HINDING HINDI KITA TITIGILAN NA SIRAIN ANG BUHAY MO!! UMAYOS KA" panlilisik at madiing sabi nito ng napatango tango ako.
Nauna siyang lumakad ng bigla akong napabuga ng hangin ng dahil sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya.
BINABASA MO ANG
CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
Romanceikaw, kakayanin mo bang alagaan at dalhin ang anak ng isang heartless CEO? na walang ibang ginawa kundi ang saktan ka habang pinagbubuntis mo ang anak niya