CHAPTER 4

1.4K 19 1
                                    

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 4
:

                      -AGATHA'S POV

Bwes*t talaga! Napakabastos nya. Tsk, akalain mo ba naman na pagkamalan niyang unan yung pwet ko. Napakag*go. Ewan ko ba kung sinasadya nya o hindi para lang manatsing, pero grr..kadiri, imagine, papunta na tulog ko kagabi tapos biglang may pipisil sa pwet ko.

"Oh bat ganyan mukha mo? May away ba kayo ni sir Xander?" Tanong ng isang kasambahay ng mapait akong ngumisi.

"Tsk. Wala po Manang, naparami lang yata yung inom niya kaya nagkaroon lang ng maliit na away" sabi ko ng biglang may padabog na bumaba mula sa hagdan.

Bakas na bakas sa mukha niya ang inis.
Nanlilisik ang mata nito ng bumuga ng hangin na tinitigan ako.

Tignan mo tong kupal na toh.

"Bakit ganyan tingin mo? Ikaw pa galit eh ang gag* ng ginawa mo?" Asik ko sa kanya sa mayabang na boses ng inis siyang napahilamos sa mukha nya.

"Tsngina. Maliit na away? Pero tignan mo ginawa mo sa mukha mo, ano bang ginwa ko para lagyan mo ako ng black eye ha..Sinipa at nilaglag mo pa ako sa kama" sambit nito ng napataas ang kilay ko.

"Ah? So hindi mo alam mga ginawa mo kagabi ganun?"

"F*ck tanga kaba? Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sambit nito ng ibinagsak nya ang katawan nito sa sofa.

"Hindi ako tanga baka ikaw pwede pa. So pwes ipapa alala ko lang sayo Xander. Unang una, sinabi mo kwarto ko yun right?!..gag*! Pero anong ginawa mo? Lasing na lasing ka pero pumasok ka dun...tumabi ka sa akin at lintik ka! Pinisil pisil mo yung nananahimik na pwet ko at pinagkakamalan mong unan" sabi ko ng mangunot ang noo niya, malakas na lumagapak yung tawa nito sa harapan ko.

"Are you crazy? Nababaliw kana ba?! I was finding my pillow. Anong gagawin ko sa pwet mo? Kasalanan ko ba kung iba yung napisil ko" Asik niya pa ng umirap akong tinalikuran siya.

Ayoko na.
Baka masapak ko pa siya.

Kalma lang Agatha, kalma! Pinilit kong alisin ang galit na namumuo sa dibdib ko, pero tila mas lalong nag iinit iyon habang nakikita ko ang pagmumukha nya.

Suminghal akong umupo sa harapan ng hapagkainan, tsk.

"Papasok ako sa opisina. And its better to follow me and find a job!" Sambit nito habang nakatitig sa akin, tumango lang ako ng biglang napanguso.

"Diba sabi mo?ikaw na bahala sa akin right? At habang hindi ko pa nilalabas yung bata...you can do what ever i want?" Tanong ko ng tumango siya.

"Y-yes why?"

"Gutom ako" sabi ko ng manlisik ang mata nya.

"Anong pake ko?!..hawak ko ba yung mga pagkain para isubo sa bibig mo?!.." saad niya ng umiling akong ngumisi.

"Gutom ako pero gusto ko ikaw yung nagluto ng pagkain na kakainin ko" usal ko ng biglang malutong itong nagmura sa harapan ko.

"F*ck! Wag mo akong artehan!" Sabi nito at akmang tatalikod ng magsalita ako.

"Ayaw mo? Edi hindi ako kakain. Tsk, bahala ka ikaw rin. Wala akong gana, mahihimatay ako? Maapektuhan yung bata sa tiy~" hindi ko nagawang ituloy ng bumuga ito ng hangin sa harapan ko.

"Then what food do you want? Pagkain ng aso?bilisan mo habang timping timpi pa ako sayo" asik nito ng humalukipkip akong kinindatan siya.

"Oh galit ka?!...wag na nga, hayaan mo nalang na magutom ako...okay na malipasan ako ng gutom, sige wag na" sabi ko ng muli itong malutong na nagmura.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon