CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-
:CHAPTER 16
:PILLS
//-AGATHA'S POV-//
"Careful" marahang salita na mula kay Xander.
Isang kakaibang ngisi ang sumilay sa labi ko ng dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko.
F*ck.
I can never ever expect to fall for him.
Wala naman akong pake dati sa kaniya, sa mga galaw at hawak niya.
Pero ngayon? Sobrang lakas ng epekto nun sa akin.
Parang tumatagos sa kalamnan ko ang bawat ngiti niyang nakakadala.
Ang tila nakakakuryenteng mga haplos at hawak niya.
"I can h-handle my self" garagal na sabi ko ng pagak niya akong sininghalan.
"Gusto lang kitang ingatan! Look at yourself, ang laki na ng tiyan mo kaya mas kailangan mo ng pag iingat" usal nito ng napakagat labi na lang akong tumango.
Sabay kaming naupo sa isang upuan dito sa isang restaurant.
I didn't know.
Kung bakit nya ako dinala sa lugar na ito.
Pero kinakabahan ako, sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Sir ano pong order nyo?" tanong ng isang waiter mula kay Xander na ngumisi lang.
"Hmm..yung dati nalang" sabi nito na ikinakunot noo ko.
"Ahh sige sir...by the way it is maam Trixi~" hindi nito nagawang ituloy ng sulyapan ako nitong waitress.
Umawang ang labi niya sa gulat at panlalaki ng mata ng mapansin niyang hindi ako ang babaeng gusto niyang tukuyin.
Yung ex fiancee ni Xander.
So, dito ba sila madalas magdate.
"Awww! Who's this?" Tanong nito ng bumuga ng hangin si Xander.
Walang emosyon itong napayukom sa kaniyang kamao at tinitigan ito.
"Required ba na makichismis ka? Order lang ang kukunin mo right! F*ck leave" asik ni Xander.
"S-sorry sir" sabi nito at saka mabilis na tumalikod.
Tinitigan ko ang seryosong mukha ng lalaking nasa harapan ko, kitang kita ko ang pag igting ng panga niya.
"Dont stare me like that" asik nito ng nanlaki ang mata ko sa kaba.
"B-bakit mo ako dinala dito?" taka kong tanong ng ngumisi siya.
"I just want to date you! Masama ba?" Tanong nito na ikinaawang ng labi ko sa mga salitang binitawan nya.
"B-bakit??" garagal na boses ko ng bigla siyang humalukipkip na tinaasan ako ng kilay.
"Because i like you?" usal nito na tila hindi rin niya magawang paniwalaan ang mga salitang lumabas sa bibig nito.
Hindi ako makapagsalita, tila namamanhid ang buo kong katawan sa mga malalagkit niyang titig.
Unti unting tumango ako para alisin ang kaba sa dibdib ko.
Nang dumating na ang 0rder, parang hindi pa rin ako makaget over.
'Because i like you'
'Because i like you'
'Because i like you'
Tila nagpaulit ulit iyon sa utak ko, gusto niya ako?
Kung ganun hindi lang ako ang unti unting nahuhulog sa kaniya.. pati siya?! Madiin akong kumagat labi ng bigla niyang taasan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
Romanceikaw, kakayanin mo bang alagaan at dalhin ang anak ng isang heartless CEO? na walang ibang ginawa kundi ang saktan ka habang pinagbubuntis mo ang anak niya
