CHAPTER 15

1.1K 11 2
                                    

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 15
:TRUTH

                   //-AGATHA'S POV-//

FASTFORWARD---4 MONTHS

Its been 4 months.

At bakas na bakas na ang paglaki ng tiyan ko.

Unti unti ko na ring nararamdaman ang bigat na mula dito dahil sa batang dinadala ko.

gusto ko ng makatakas sa sitwasyon na ito, ang kabang bumabalot sa sarili ko.

Ang kakaibang kabog ng dibdib ko sa tuwing kasama siya.

Sa bawat hawak niya.

At sa bawat haplos niya.

Sa bawat titig niya.

Sa bawat ngiti niya, dalang dala ako at unti unting nahuhulog.

At kahit na anong pilit na gawin kong pigilan iyon, mas nagiging malala.

Dahil hindi ko maaaring utusan ang puso ko na mahulog sa kaniya.

Malakas akong bumuga ng hangin at bahagyang hinaplos ang tiyan ko.

Andami ng nangyari,andami ko ng pinagdaanan na kasama ang batang nasa tiyan ko.

Kaya mas nagiging delikado na parang hindi ko kakayanin anuman ang kontrata na nasa pagitan namin.

Kagat labi akong napatitig sa kawalan, hindi ko matanggal sa isip ko ang mga nangyari.

Kung paano ba ako dahan dahan na nahuhulog sa kaniya.

F*ck i never expect this.

"Maam, kanina pa po naghihintay si sir sa labas" isang salitang binitawan ni Manang.

Ngumisi akong tumango at humarap mula sa malaking salamin.

Dahan dahan kong tinitigan ang mukha ko mula roon.

Ano kaya nararamdaman niya?
Pareho naba kami? Oh ako lang ang marupok na nahuhulog sa kaniya.

Tumingin ako mula sa ibabaw ng kama at walang anumalyang kinuha ang cellphone ko mula dito.

Napairap ako sa hangin ng 21 missed calls ang galing sa unknown number na ikinakunot noo ko

"Hello sino toh?" bungad ko ng sagutin iyon.

"Agatha! Ang nanay mo ito" sabi ng isang babae na mula sa kabilang linya na ikinaawang ng labi ko.

"N-nay?"

"Anak, buhay kapa? Pero hindi ka nagpaparamdam. Nasaan kana ba ngayon ha? Ano? Nakipagtanan kana ba" sunod sunod nitong tanong.

"Nay, hindi pa ako patay ok. May trabaho lang akong ginag~" hindi ko nagawang ituloy iyon ng marinig ang pagbuga nito ng hangin.

At hindi kalaunan, may isang boses ang nagsalita at animo'y inagaw ang cellphone mula sa ina ko.

"Hoy Agatha. Its been four months pero pinabayaan mo na ang nanay mo. Ano ka!" Usal nito na ikinakunot noo ko.

"Fyi hindi ko pinabayaan si Nanay at sino kaba ha" tanong ko ng pagak itong tumawa.

"See? Wala kang alam. May sakit ang nanay mo at nasa ospital siya...kung gusto mo siyang makita itetext ko yung lugar sayo" sabi nito saka agad binaba iyon.

Hindi ko maiwasang mag alala.
F*ck its been four months pero tama sila, ni hindi ko manlang nagawang sabihin ang lahat kay Nanay.

Ang akala lang nila nagtratrabaho ako, pero paano ako haharap sa kaniya na heto...buntis ako, ng hindi ko naman boyfriend.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon