CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-
:CHAPTER 13
GUTOM?!
//-AGATHA'S POV-//
"Dont you f*cking ever talk to him again. Ayokong makikita at malalaman na nakikipagkita kapa sa lalaking 'yon! Get it?" asik na singhal nito, pero hindi ko magawang itikom ang bibig ko ng dahil sa pagkabigla.
Animo'y naninikip ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko, para akong kinukuryente, ng bigla nalang niya itong binitawan.
Kitang kita ko ang pagtaas ng noo niya ng walang emosyon niya akong tinitigan, napaawang ang labi kong bumuga ng hangin at yumuko.
Pinipilit na alisin ang tila kabang bumalot sa sarili ko pero hindi ko magawa, lalo na sa nagpapa ulit ulit ang mga salitang binitawan nya kay Kio.
"Are you listening to me!" singhal na tanong pa nito sa akin ng napakunot ang noo ko.
"X-xander! Kio is my e~" hindi ko nagawang ituloy ng biglang pagak niya akong tinawanan.
"Exactly! Ex boyfriend! Right? Tapos na. Ang ex hindi na binabalikan get it...can you please stop kung ano man yang nasa isip mo f*ck wag mong ituloy, we have a deal" asik nito at naunang pumasok sa kotse.
Pero hindi ako nagpatinag.
Parang kumakalabog ang dibdib ko at mariing napayukom ng kamao ng makita ang paghabol ni Kio.
"What are you waiting for Agatha?!" asik na tanong ni Xander ng tinitigan ko lang siya. Bakas sa mukha nito ang pag igting at panlilisik ng mata niya.
"Xander, g-gusto kong kausapin si Kio" garagal na boses kong usal ng nagngitngit ito sa galit.
"Agatha! Please talk to me...i know you love me ri~" hindi nagawang ituloy ni Kio ng humampas sa manobela si Xander.
"AGATHA! SUMAKAY KANA!" sigaw nito ng dahan dahan na umiling akong tumingin sa kaniya. Hanggang sa "AGATHA!! SASAKAY KABA O IIWAN KITA" sigaw pa nito ng mariin akong napalunok na sinarado ang pintuan ng kotse niya.
Umatras ako dun, ng mabilis na humarurot ang kotse nito. Ramdam ko ang galit niya ng maka alis ang kotse nito sa harapan ko.
"Please Agatha, bumalik kana sakin! Alam ko naman na mahal na mahal mo ako dib~" hindi natuloy ni Kio ng umiling akong napasinghap ng hangin.
"WE'RE done Kio. Matagal mo ng tinapos kung anong meron tayo. Ex is a ex, and i will never comeback to you. Panindigan mo kung anong pinili mo" asik ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko, hinawakan nito ang kamay ko ng walang pakundangan ko itong inalis at napabuga ako ng hangin.
"Ag-agatha pleasee...m-mahal na ma~"...hindi nito natuloy ng pagak ko siyang tinawanan.
"Mahal?! Nung ako ba yung nasa tabi mo pinili mo ba ako? Nung ako ba yung nasa harapan mo nagawa mo ba akong mahalin Kio? Diba hindi?!..Im f*cking tired as your rebound, ginawa mo akong tanga, pinaasa mo ako na akala ko seryoso yung relasyon natin. But the truth is, ginamit mo ako para bumalik siya! Para piliin ka niya. At nung pinili ka niya, what did you do? Parang isang bagay mo akong binasura" usal ko habang humahagulgol ng iyak ng napakagat labi ito.
Kitang kita ko ang senseridad sa mga mata nito ng hinaplos ko ang pisngi ko sa mga luhang umaagos.
"Im done choosing you Kio" sabi ko kasabay nito ang pagtalikod ko sa kaniya.
Yes, i love him
Kinabaliwan ko siya, pero masakit din pala na gawin kang rebound. Pero sa huli, parang isang ibon na nakalaya sa isang hawla dahil sa gaan ng pakiramdam na unti unting tinatanggap na ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
Romanceikaw, kakayanin mo bang alagaan at dalhin ang anak ng isang heartless CEO? na walang ibang ginawa kundi ang saktan ka habang pinagbubuntis mo ang anak niya
