CHAPTER 17

939 12 0
                                    

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 17
:DEMONS

                    //-AGATHA'S POV-//

KINABUKASAN

Nakatitig lang ako sa kawalan, hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari kagabi.

He's over drunk.

Hindi ko nga alam kung patuloy ko pabang paniniwalaan ang mga sinabi niya.

Na gusto niya ako?!.

"Manang, b-bakit po kayo nandito?" taka kong tanong ng makita siya.

Kunot na kunot ang noo ko dahil bigla nalang itong sumulpot.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niyang kaagad na umalis na ikinaawang ng labi ko.

Anong meron dun?

Pagkatapos kong maghilamos, mabilis akong bumaba mula sa sala.

Nakita ko na kaagad ang walang emosyon na mukha ni Xander.

Nagkatitigan kami ng napailing iling akong napatitig sa isang kasambahay na nakita ko kanina.

"Manang, may problema po ba?" taka kong tanong.

Nakita ko ang pagyuko niya, tila takot na takot ang mukha nito.

"M-maam...w-wala po, tinignan ko lang po kung may labahin sa kwarto niyo" sabi nito na marahan kong ikinatango.

Bahagya pa akong humakbang ng maramdaman ang paghawak ni Xander sa kamay ko.

"Can you get me a coffee" usal nito ng kagat labi ko siyang tinignan.

Hindi ako nagsalita at walang anumalyang nagtungo mula sa kusina.

Wala akong masabi, walang anumang lumalabas sa bibig ko.

Basta ang alam ko, apektado ako sa mga nangyari kagabi.

Ang nakita kong paghahalikan nila ni Sofia.  Tapos sasabihin nyang gusto niya ako?

"Ahhh!" daing ko ng hindi ko namalayang napuno na pala yung tasa ng mainit na tubig.

Nanlaki ang mata ko sa kaba at napabuga ng hangin.

"H-heto na" sabi ko saka iyon pinatong sa maliit na lamesa.

"Can we talk?" malamig ang boses na sabi niya.

Natigilan ako, at tila namanhid ang buo kong katawan na kumagat labi.

"A-about what?" tanong ko ng pagak niya akong tinawanan.

"Iniiwasan mo ba ako Agatha?" tanong nito na ikinabigla ko.

"No!"

"Then why are you acting like that? May nagawa ba akong~" hindi nito natuloy ng suminghap ako ng hangin.

"Xander, its my personal life..." sabi ko saka akmang tatalikuran siya ng bigla nitong hapitin ang bewang ko.

"Tsk! Come on Agatha...are you angry with me?" Tanong nito sa umiigting na panga ng tinulak ko siya.

Pero aaminin kong mas malakas itong napahawak ako sa dibdib niya, kagaya ko...sobrang lakas ng kabog ng dibdib nito.

"I like you!" salita nito na ikinaawang ng labi ko.

Napaiwas ako ng tingin, dahil para akong malulusaw sa mga titig niya.

Hanggang sa pakawalan niya ako at muli itong bumuga ng hangin.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon