CHAPTER 10

1.4K 19 0
                                    

CARRYING THE SON OF MY COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 10
:PLAN

                   //-AGATHA'S POV-//

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Animo'y kakapusin ako sa paghinga at kirot sa puso ko ng makita kung nasaan ako.

Nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan.

Kitang kita ko ang mga dugo na mula sa sahig.

Ang mga taong nasa isang madilim na parte ng abandonadong gusaling ito ang sumisigaw ng tulong.

"B-bhesy! Bhessyy! Nasaan tayo" sigaw ng kaibigan ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita siya, tulad ko..nakagapos rin ang mga kamay nya, pilit kong inaalala ang lahat.

Pero isa lang ang alam ko, may humarang sa sinasakyan naming taxi pauwi at may kung anong nakakahilong amoy ang pinaamoy sa amin.

Then we woke up...na nandito na!

Sinong may pakana dito.

"H-hindi ko alam" garagal na boses ko.

"Owemji...ayoko pang mamatay" sigaw nito.

"TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!" malakas na sigaw ko, pero tila walang taong nakakarinig nun.

Hanggang sa madiing pagkasa ng baril ang narinig ko mula sa isang madilim na gilid, patuloy na naniningkit ang mata ko sa kaba.

Parang tinatambol ang dibdib ko.

Bakas na bakas ang paglalakad ng kung sinong lalaki ang nasa harapan ko, pero tila umawang ang labi ko sa gulat.

"T-tay!" Usal ko.

Pagak itong tumawa ng mariing hinablot nito ang buhok ko.

"Buntis ka?at yung lalaking 'yon ang ama" asik nitong tanong.

"T-tay...a-ano ba nasasaktan ako" sigaw na usal ko.

"Kilala mo ba sya ha!"

"Si Xander" sabi ko ng nanlilisik na mata ako nitong sininghalan.

"Ipalaglag mo ang batang dinadala mo" utos nito na nagpakunot noo sa akin.

"Ipalaglag? Anong pinagsasabi nyo?at pwede ba pakawalan nyo kami dito" sigaw ko ng umiling siya.

"Papakawalan lang kita kapag wala na ang batang yan sa tiyan mo. Hindi dapat na mabahiran ng dugo natin ng lalaking yon" asik nito ng napasinghap ako ng hangin.

Bakit?

Bakit tila sobrang lalim ng galit niya kay Xander?

At bakit galit na galit rin si Xa~.

"Araaay!! Bitawan nyo ako ano ba" sigaw ko ng bigla nila akong sapilitang itinayo.

"Sumunod ka nalang para hindi ka masaktan" sabi ng isang lalaki.

"Wala kaba talagang kwentang ama? Pati ako na anak mo ginaganito mo?" Asik na tanong ko ng walang emosyon nya akong nginisian.

"Alam ko ginagawa ko, kaya sundin mo ako." Sabi nito.

"Bhessyy!!" Sigaw ng kaibigan ko ng busalan nila ang bibig nya.

Sapilitang isinakay ako sa isang kotse, nagmamakaawa at kunot na kunot ang noo kung saan papunta.

Mas naging doble ang kaba sa dibdib ko ng huminto ang humaharurot na kotseng sinasakyan namin sa isang clinic....a illegal clinic.

"Anong gagawin nyo? Tay ano ba! Walang kasalanan yung bata dito" sigaw ko ng hindi ito nagpatinag.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon