CHAPTER 22

1.1K 14 0
                                    

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 22

                    //-XANDER'S POV-//

THREE YEARS LATER

"Ilang beses kitang pinigilan tol....ilang beses kong sinabi na darating yung isang araw na pagsisisihan mo lahat, pero mas pinilit mong lumaki ang galit sa dibdib mo" sambit ni Marcus ng dahan dahan na umawang ang labi kong kumagat labi.

Pinipilit na alisin ang luha sa mga mata ko ng hindi ko iyon nagawang pigilan.

Tuluyang dumausdos ang mainit na likido nito sa pisngi ko.

Sinabayan ng isang musikang mas nakakadurog sa puso.

"G-gusto ko lang n-naman magkaroon ng hustisya si Trixie e! A-alam mo naman kung gaano ko siya minahal diba" nanginginig ang boses kong sambit ng tinapik nito ang balikat ko.

"Pero hindi si Agatha ang pumatay sa kaniya." Sabi nito ng napatango tango akong napatitig mula sa isang papel na hawak ko.

Kung saan iyon ay larawan ng petus.

Eto na lamang ang natitirang larawan at alaala ng batang ginusto kong mabuhay...pero ngayon? He's gone.

At kasalanan ko iyon.

Sinaktan ko si Agatha.

Ginawa kong miserable ang buhay nya.

Ginawa ko siyang parang hay*p...habang dinadala nito ang anak ko sa sinapupunan nya.

Naging malakas ang pagtugtog ng musika na iyon na sinabayan ng hindi mapigilang impit na pag iyak ko.

Im.f*cking hurt.

At hindi ko na alam kung paano ako babangon sa sakit na nasa dibdib ko.

Sobrang nagsisisi ako....kasi....pinangarap ko na sana magiging mabuting ama ako...

But now?

Nakatitig lang ako sa ginawa kong libing nya, para manlang magkaroon siya ng payapang pagkawala.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng biglang malakas na bumuhos ang ulan.

Naramdaman ko ang malamig na pagdaloy ng tubig nito sa ulo ko pababa sa katawan ko, isang malakas na pag ihip pa ng hangin ang sumabay.

"I-im sorry...im sorry" tuluyang hindi ko na napigilan iyon ng bumagsak ang katawan kong napayakap sa lapida.

"Tol, tara na...umuulan na" anyaya ni Marcus ng hindi ako nagpatinag.

"G-gusto kong mapag isa" sambit ko ng umalis sila sa paligid ko.

Nagawa kong ngumisi ng mapait na paulit ulit sinasaktan ang sarili ko.

"Hindi dapat ikaw yung nandyan eh...dapat ako! Wala akong kwentang tao...wala akong kwentang ama" sigaw ko pa ng tila mas naging malakas ang pagbuhos ng ulan na animo'y dinadamayan ako nito.

Unti unti akong napayakap sa sarili ko.
Pero ramdam ko na rin ang panghihina sa katawan ko.

Lalo na...in this past few days...
Isang balita pa ang hindi ko kailanman inaasahan, ang pakikibagbalikan ni Agatha kay Kio.

___

One day passed.

Wala ako sa mood, parang lutang lang akong nakatitig sa kawalan.

Wala akong ibang ginusto ķundi ang lumaklak alak, magmukmok at umiyak.

Sobrang sakit na ng ibabaw ng mga mata ko, ramdam na ramdam ko na ang panghihina sa katawan ko.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon