CHAPTER 9

1K 15 0
                                    

CARRYING THE SON OF MY COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-

:CHAPTER 9
:JEALOUSY

                   //-AGATHA'S POV-//

KINABUKASAN.

"M-manang sigurado po ba kayo na paborito ni Xander lahat ng nakahanda at niluto ko?" Kinakabahan kong tanong sa isang kasambahay, bahagya itong tumango sa harapan ko. Napangisi akong napatingin mula sa hagdan ng marinig ang ilang yapak na pababa mula dito.

I already saw him.

Nakataas ang kilay nitong naglalakad pababa ng nagtama ang mata naming dalawa, isang ngisi ang iginawad ko akmang sasalubungin siya ng tila umawang ang labi kong walang pakundangan ako nitong nilagpasan na parang hangin.

"Sir hindi po ba kayo kakain?" rinig kong tanong ni Manang.

Nangunot ang noo ko ng umiling si Xander na ikinanlumo ko.

"X-xander k-kumain ka kaya muna? Pinaghanda kita ng pag~" hindi ko nagawang ituloy ng walang emosyon ako nitong tinitigan.

Nanlilisik ang mga mata niya ng pagak ako nitong tinawanan.

"Then who are you to say that?! At sino kaba para sundin ko?" Asik na tanong nito ng umiling ako.

"G-gusto ko lang....m-magka~" hindi ko natuloy ng umupo ito sa sofa.

"First of all...hindi kita gusto! Okay? Wala akong gusto sayo. Tsk, anak ko lang naman na nasa sinapupunan mo ang gusto kong angkinin" sabi niya saka ako sinamaan ng titig na ikinalunok ko ng mariin.

Tila hindi ko magawang tagalan na titigan siya dahil sobrang sakit na animo'y pinipira piraso ang dibdib ko.

Sa mga masasakit na salita nya, sa bawat pisikal na pananakit nya...nakakadala, bakit ba ganito nalang ang galit nya?.

Imposibleng trip nya lang?

Animo'y may isang mabigat na bagay na hindi ko alam, pero bakit nga ba Xander.

Patango tango akong tinalikuran siya, nawalan ako ng pag asa na kakainin nya yung mga pagkain na hinanda ko para sa kaniya.

"Hindi ko naman din kase sinabi na maghanda ka ng pagkain diba? Nagsasayang ka lang! Tsk...pwede ba itapon mo na yan. O kaya ipakain mo sa aso" usal nito ng tinignan ko siya.

"P-pero para say~"

"Tingin mo interesado akong tikman yang luto mo?" tanong nito ng umiling akong napakunot noo ng bigla syang tumayo at walang anumalyang kinuha ang isang klase ng ulam at walang pakundangan na itinapon sa isang basurahan na ikinaawang ng labi ko, tila mabilis na lumandas ang luha sa mga mata ko ng makita kung paano nya iyon ginawa.

Pinaghirapan at pinagpaguran ko.
Namanhid ang buo kong katawan ng manlisik ang matang nginisian nya ako.

"Now get me a coffee" utos nito sa madiing boses.

"O-opo si~" hindi natuloy ni Manang iyon.

"Opsss..sinabi ko bang ikaw manang?!..ano pabang silbi mo Agatha kung hindi ikaw ang gagawa? Now get me a coffee" utos nito ng dahan dahan akong tumango.

Nanginginig ang kamay kong kaagad na tumakbo papunta sa kusina para magtimpla...at ng 0kay na bumalik ako sa kinaroroonan nya, pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko sa gulat ng biglang nadulas ako sa sahig at naitapon ang kape.

"Tsk. Lampa" usal nya saka tinalikuran ako.

Mas naging masakit at tila lumakas ang impit na hagulgol ko ng maramdaman ang init sa braso ko, walang awa nya akong tinatawanan ng umalis na ito.

CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon