CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
-written by- angelica-aira writes-
:CHAPTER 14
:CLOSURE?
//-XANDER'S POV-//
"What are you staring at me like that?" asik na tanong ko.
Hindi siya nagsalita at bahagyang umiwas ng tingin sa akin.
Kitang kita ko kung paano niya ako tignan na ikinakainis ko.
Ano bang meron sa mukha ko? Pinagtritripan ba ako ng babaeng toh.
"Sir tumawag po kanina si Sir Jewel" usal ni Manang na tinanguan ko lang.
Wala ako sa mood na makipag usap, parang sobrang init ng ulo ko.
Idagdag mo pa itong kakaibang tingin ni Agatha, parang taong handang kumain ng buhay.
Mariin kong binitawan ang kutsara at dahan dahan na binagalan ang pagnguya ko.
Tsk ano bang nangyari kagabi?
I was drunk.
Tapos?!..hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari, pero etong tinginan nya the hell!
Dapat ba meron akong maalala?
"Agatha!" tawag ko sa pangalan niya ng ngumuso itong tinaasan ako ng kilay.
Parang may kung ano na naman sa dibdib ko ang malakas na pumipintig ng magtama ang mata naming dalawa.
May umaakit na hindi ko alam para tagalan ang titig mula sa labi niya.
F*ck.
"Can i...." putol na sabi ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.
Para akong nababakla na hindi ko alam.
Trip ko lang naman lahat ng toh pero bakit tila nahihiya ako na ewan.
Pasinghal akong kumagat ng labi ng makita ang pagkakunot noo niya sa akin.
"Ano? Can i what?" tanong niya ng tumingin ako bigla kay Manang.
"Maam/sir may tao po sa labas. At nanggugulo na gusto pong makapasok" sabi ni Manang na ikina kunot noo ko.
"Who's that?" malamig na tanong ko.
"Lalaki sir...at gusto raw pong kausapin si Maam Agatha" sabi nito na ikinaigting ng panga ko sa inis.
Mariin na iniyukom ko ang kamao at mabilis na tumayo ng maramdaman ang paghawak ni Agatha sa braso ko.
"X-xander ako na kakausap sa kan~" hindi nito natuloy ng pagak akong tumawa.
"Linting linti na akong banatan sya! Anong akala niya na babalik kapa? F*ck no way" sabi ko saka mabilis na lumabas.
Kitang kita ko ang pagsigaw ni Kio, para siyang hibang na baliw na makausap ni Agatha.
Madiing nanlisik ang mga mata ko ng walang pakundangan na tinulak ito.
Tsk lampa!
"WHAT DO YOU NEED HA! ANO BANG KATARANTADUHAN ANG KAILANGAN MO KAY AGATHA!" sigaw na tanong ko ng mayabang niya akong nginisian.
"Babawiin ko lang ang akin!" usal nito ng pailing iling akong kumagat labi.
"Hindi mo pagmamay ari si Agatha! Because she is f*cking mine" sabi ko ng malakas na suntok ang ginawad nito sa mukha ko.
"Alam ko kagag*gan mo Xander! Kaya akin si Agatha" sigaw nito ng akmang itutulak ko siya at susuntukin ng biglang namanhid ang katawan ko.
Humarang sa harapan ko si Agatha, yumakap kay Kio ng mariin akong napahilamos sa mukha kong hinila siya.
BINABASA MO ANG
CARRYING THE SON OF COLD CEO BOSS
Romanceikaw, kakayanin mo bang alagaan at dalhin ang anak ng isang heartless CEO? na walang ibang ginawa kundi ang saktan ka habang pinagbubuntis mo ang anak niya
