Chapter 23

6.1K 262 36
                                        

Jazmine Allison

"Hindi ganyan anak nakakahiya. Ang tanda tanda mo na hindi mo pa alam ang magkamay." Suway sa akin ni mama Risen.

Paano kasi, lahat ng kanin na nilalagay ko sa kamay ko ay nagsisilaglagan. Sabi kasi ni mommy ay masarap kumain ng nakakamay. Nagkakamay naman ako pero mga junk foods at prutas. Iba pa lang usapan kapag kanin. Mas madali pang gamitin ang chopsticks kung sakali.

Natawa si mommy Allison. "Huwag mo ng suwayin. Ikaw ba marunong?"

"Hindi sweetheart."

"E anong inaangal angal mo diyan? Ang mama hindi alam magkamay, anak pa kaya? Ako lang ang marunong magkamay rito." Pagbibida ni mommy Allison.

"Marunong naman ako sweetheart pero alam mo na. Ikaw lang ang kinamay ko at hinimay- Aray!"

Natawa ako pati si Sofiera habang si Kuya Ri'son sa tabi ko ay napapakamot na lang sa ulo .

Linggo ngayon kaya inaya kong mananghalian ang kasintahan ko sa bahay. I want her to witness the norm we have around here para hindi na ito naiilang sakaling makasal kami. Kailangan na nitong makapag-adjust agad sa kung anong nagagawang kabaliwan ng buong pamilya namin.

"Pero totoo mga anak walang biro." Patuloy ni mama Risen. Pinandilatan ito ni mommy Allison.

"Noong kami pa at nag-aaral pa ako. Dinala ako ng mommy niyo sa isang kainan. Hindi ko alam paano kumain ng sugpo na meron pang shell. Pinaghimay niya ako. Ganun ako kamahal ng mommy niyo." Pagmamayabang pa nito habang si mommy Allison ay banas na banas itong napaikot ang mga mata.

"Hay naku, Rise. Ang kapal kapal talaga ng mukha mo at hindi na iyan ninipis pa, alam ko. Paanong hindi ako sasama. Hilig mo akong takutin, pagbantaan, at ipahiya sa mga kapitbahay ko."

Proud na proud naman si mama Risen at ginalaw galaw pa ang mga balikat nito habang maganang kumakain.

"Kung hindi ako ang nakatuloyan mo sweetheart. Hindi ka na sana maligayang maligaya ngayon. See?" Iminuwestra kami nito ni Kuya Ri'son.

"I gave you Ri'son and Jazmine. Mabubuo ba naman sila kung hindi sa akin? Exquisite parang ako plus! Here's Sofiera, magiging manugang ko. Ako ang puno't dulo sweetheart so suck it."

"Risen nasa hapag tayo. Kumain ka na lang bago pa tumilapon ang mga pagkain dahil sa kahanginan mo."

Natutop ni Sofiera ang bibig gamit ang likuran ng kamay dahil kahit nakasuot kami ng klarong nitrile gloves ay marumi pa rin dahil sa pagkakamay.

"Yabang ng hayop." Bubulong bulong na reklamo ni mommy saka nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko rin alam bakit boodle ang hinanda ni mommy Allison. Kung hindi ba naman kasi sa mga napapanood nito online. Well, she's the boss kaya she can do whatever she wants. Parang sinusubukan rin kasi nito ang kasintahan ko.

"Eat more Sofiera." Si Kuya Ri'son habang binibigyan si Sofiera ng bake oyster rockefeller.

Tinapik ko ng malakas ang oyster sa kamay nito at tumalsik ang laman nito papunta sa mukha ni mama Risen.

"Putang ina naman anak!" Malutong na mura nito.

Napatakip ulit si Sofiera sa bibig nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mama ko.

"Oh shit." Si Kuya.

"Mama!" Napatayo ako at kumuha ng tissue.

Imbes ay kinuha ni mommy Allison sa akin ang tissue at hinawakan ang mukha ni mama Risen at pinaharap dito para punasan.

"O huwag ng madrama. Pupunasan ko na. Ang arte mo parang talaba lang. Mas malaki pa nga ang talabang lagi mong kinakain. Hindi ka naman diring diri doon."

"Abay oo naman sweetheart. Ibang talaba iyon e."

"My ghad mama at mommy! Ano bang pinag-uusapan niyo!" Suway ko sa mga ito bago bumaling kay Kuya Ri'son. "Ikaw naman Kuya! Bakit mo bibigyan si Sofiera ng talaba? Nandito ako. Sa harapan ko pa talaga mag-aabot ka nasa gitna niyo ako." Reklamo ko.

"Chill baby sis." Itinaas pa nito ang mga kamay. "Gusto ko lang siyang bigyan kasi parang gusto pa niya. Nandito sa gawi ko ang mga talaba. Hindi mo naman inaalok. As her soon to be brother in-law. Of course I care for her. Kundi, ibibigay ko ba naman siya sa iyo kung sakali."

"Mabuti ng maliwanag. Nagdidilim ang paningin ko sa iyo kapag ganyan ka Kuya."

Natawa si mommy Allison. "Nakita mo ang ugali mo?" Baling nito kay mama Risen. "Ganyang ganyan ka kateritoryal sa akin noon at ka-possessive. Naririnig kita kay Jazzy ngayon."

"Hayaan mo na sweetheart. Nagmamahal e."

Bumaling ang tingin ni mommy Allison kay Sofiera. "May oras ka pa para mag-isip at iwan ang anak ko-"

"Mommy! My ghad no! Tigilan mo iyang sinasabi mo!"

Natawa silang lahat sa akin.

"Kung kaya mo siyang pagpasensyahan, intindihin, kontrolin. She's all yours."

Mahinhin namang natatawa ang kasintahan ko bago bumaling sa akin.

"Sa akin lang po siya Tita. No exchange. No return."

"Mabuti kung ganun kasi non-refundable ang offer ko kaya kahit may sira ang produkto ko. Tatanggapin mo pa rin ng buo."

Napapikit ako sa prustrasyon. This family will never ever be normal at all. Ang masaklap ay bakit parang ang bilis umangkop ni Sofiera. Mamaya ay makahanap pa si mommy Allison ng kakampi rito at pagkaisahan ako.

Natapos ang tanghalian namin na puro kulitan lang ang mga magulang ko. Kahit may mga nakakahiyang ganap. Siguro na-enjoy naman ng kasintahan ko.

"Thank you Jazzy."

"Para saan love?" Baling ko rito habang naglalakad kaming magkahawak kamay papunta sa sasakyan after naming magpaalam sa pamilya ko. Ihahatid ko na ito sa bahay niya at syempre doon na lang muna ulit ako tatambay.

"Hindi ko pa kasi naranasan ang ganun. All the time seryoso ang usapan sa bahay. I love your parents. Parang ang saya niyo palagi, walang dull moment dahil kay Tita Risen. She's really different. Kapag nasa labas siya hindi mo aakalaing may ganun siyang side. Same thing with your mom. Lumalaban talaga."

Natawa ako sa sinabi nito. "Lumalaban love e nilampaso mo nga noong kumain kami sa restaurant at napagkamalan mong kabit ko. Anong sabi? Wala, napatunganga na lang." Natawa kaming dalawa ng maalala ang bagay na iyon.

"Saka lang nakuhang magalit ng wala ka na. Siya nga may pakana na imbitahan ka, walang ka-alam alam si mama Risen noon. Alam mo naman si mama kahit anong iutos ni mommy kadalasan. Nagpapaguyo." Natawa ulit kami.

"That was really embarrassing kaya huwag mo ng ipaalala. That was a huge mistake na hindi na mauulit. Learned my lesson but thank you love. Naranasan ko lahat ng masasayang araw ngayong nagdaan dahil sa iyo."

Tang ina. Kinikilig ako!

"There will be more to come." Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko. "There you go love."

Pumasok ito sa loob. Umikot ako pagkatapos kong isara ang pintuan nito. Ng makaupo ako ay inayos ko kaagad ang seatbelt bago paandarin ang sasakyan ko.

"Jazzy love."

Pagbaling ko ay sumalubong ang mainit na halik nito. Nagulat pa ako.

"I'm dying to kiss you awhile ago pero ayoko namang halikan ka sa harapan nila. Now drive and please take your time. I want a gentle ride from a gentle chauffeur."

Naapakan ko kaagad ang clutch ng sasakyan ko dahil tumaas ang mga balahibo ko sa klase ng tono nitong parang nang-aakit. O ako lang talaga ang nag-iisip ng hindi maganda?

Huwag kang makinig sa mommy mo. Kung pumayag naman si Sofiera anak. Katokin mo, kapag sumiwang, pasokin mo.

Mama! Naririnig ko pa sa isipan ko ang payo ni mama Risen.

Malilintikan ka sa akin. Nakikita ko ang nagbabantang mukha ni mommy Allison.




Tang ina talaga..

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon