Chapter 1

47 3 0
                                    

"Trish, that's Mike right?" sabi ni Rica sabay turo sa isang kotse sa parking lot. Sinundan ko ng tingin ang sinasabi nito at hindi nga ito nagkakamali, si Mike nga iyon kasama ang classmate naming si Nicole.

Mike Salvador was my boyfriend. He's already 4th year college student here in Garfinn University while I'm on my 3rd year here. Suplado si Mike sa lahat, well except sa akin, dahil kahit kelan ay hindi nya ako sinungitan...noon. Handsome? Yes of course! Halos lahat ng girls dito sa university ay may gusto sa kanya. Hot? Definitely yes! He has a body every man well dreamt to have of, and every woman will drool of. He has the height, matalino din sya. Top 1 sya sa buong management department. Sa totoo lang ay wala ka nang hahanapin pa sa kanya dahil he has everything. At ang swerte ko dahil naging boyfriend ko sya. Pero noon 'yon!

"I don't care." I said and walk towards my car. Sinundan lang ako ni Rica.

Nagbreak kami ni Mike dahil kay Nicole. Mahabang istorya yon, tsaka ko nalang ikukwento dahil kailan ko ng umuwi.

"Bitter lang teh?!" si Rica.

"Hindi." tipid na sagot ko. Bitter? Nagpapatawa ba sya? Ano ako ampalaya? Two weeks pa lang kaming break tapos lumalandi na sya agad? Di ba nya alam ang salitang move on? Tangna lang diba? Ano yan? Walang pahinga?

Baka naman kasi di ka kamove-on move-on teh! Sigaw ng utak ko. Ano yon? Umabot kami ng one year tapos walang move on na magaganap sa side nya? Ano?! Isang taon nya akong ginagago, ganon ba? Aba matinde!

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Rica. Tss. Naglakad lang kami ng magkasunod ni Rica, hanggang sa malapit na kami sa dalawang butiki na nag-uusap dito sa parking lot. Pag ex, butiki na ang tawag?

"Babe so---" I heard Nicole says. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Nicole dahil nagdire-diretso lang ako sa paglakad. Isa pa wala akong balak pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na agad ako dito sa tapat ng kotse ko. Pumasok na ako sa driver seat ng mapansin kong hindi man lang gumagalaw sa pwesto nya si Rica.

"Get in already. Hindi mo naman siguro iniisip na pagbubuksan kita ng pinto diba?" tanong ko dito

"Nah. Kay Nate ako sasabay." sabi nito sabay irap. Kundi ko lang kaibigan tong Rica Falcon na to ay matagal ko ng binulag yan.

"Okay. Ayoko pa ng inaanak ha!" natatawang sabi ko dito

"Gaga!" ganti nito at ambang pupulot ng bato kaya naman pinaandar ko nang agad ang kotse ko.

Nakangiti akong nagmamaneho palabas ng university. Nakakatawa kasi si Rica. Nate is her boyfriend. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari at pinatulan nya si Nate. Hindi ko naman sinasabing walang kapatol-patol kay Nate ha, kasi naman Nate is a gangster. Although hindi naman sya talaga ang leader ng gang nila. Pero diba? Isn't it hard to have a boyfriend like him? Gangster?

By the way I'm Trisha McKeel. 20. 3rd year HRM student.

Napalalim yata ang pag-iisip ko at di ko na namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng condominium building na tinutuluyan ko.

------

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko. Nandito na ako sa loob ng condo ko. Well, hindi talaga ako ang bumili nito kundi si Daddy, regalo nya sa akin nung 20th birthday ko. Si Mommy at Daddy? Nasa U.S. nandoon kasi ang business ni Daddy kaya ayun, mag-isa ako dito sa Pilipinas. Ayaw sana sumama ni Mommy kay Daddy non dahil wala daw akong kasama dito, but I said na mas kailangan nyang sumama kay Dad kasi baka maghanap ng iba si Dad at iwan sya. Ayun natakot ata sa sinabi ko kaya sumama. Tiwala naman ako kay Daddy na hindi nya iiwan si Mommy, sinabi ko lang yon dahil ayokong magkalayo sila. Tumatanda na sila haller?! Mag-enjoy naman sila nang sila lang.

But honestly I really missed them. Mom, Dad and of course my Kuya.

I shook my head to clear my thoughts. Tumagilid ako nang pagkakahiga hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang picture frame.

It's me and Mike.

Umupo ako at kinuha ko iyon. I looked at the picture seriously. Eto yung picture namin nung birthday nya. We're both smiling there. Kitang kita sa mukha namin na masaya kami. Walang problema. He's hugging me from behind na para bang ayaw nya akong pakawalan. I miss him damn much.

Perfect na sana ang lahat e, kundi lang sya nagloko!

Hanggang sa maramdaman ko nalang na may tumutulo na palang luha sa mukha ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

Sa harap ng lahat ay nakangiti ako na para bang wala lang sa akin ang nangyari. Pero pag ako lang mag-isa ay tsaka ko nararamdaman ang sakit na ginawa nya sa puso ko. He's a jerk. Pero kahit ganun, I still love him.

It's two weeks since we broke up. At sobrang sakit pa din.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa harap ng life-sized mirror dito sa kwarto ko.

I looked at myself. I'm wearing a white fitted sando and foral short shorts. Nakalugay ang mahaba kong buhok. Maganda naman ako. Matalino. May kabaitan din naman ako kahit hindi ganun kalaki. Ano bang mali sa akin at niloko nya pa ako? Ano pa bang kulang?

I sighed.

Siguro nagsawa na sya?

Diretso lang akong nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin hanggang sa may madinig akong nagdoorbell.

Who would that be? Wala naman akong inaasahang bisita.

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa pintuan para pagbuksan kung sino man iyon.

Habang naglalakad ay sinilip ko ang wrist watch na suot ko. It's already 10:00 in the evening.

Siguro ay si Rica iyon. Sya lang naman ang madalas manggulo ng ganitong oras eh.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay agad kong binuksan iyon at nagulat pa ako sa taong bumungad sa akin.

He's hair is messed. Nakabukas ang unang butones ng white long sleeve polo na suot nito. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"M-Mike." nahihirapang sabi ko.

*******

A/N: Another story :) Sana suportahan nyo :) CjaeSalujah

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon