Chapter 16

9 0 0
                                    

Trisha's



Festival day. Ito ang araw kung saan magpe-perform kami ng banda ko at ito rin ang araw na eksaktong isang buwan simula ng magsimula ang deal namin ni Drake. The end of our deal.


Simula nang masabi ko kay Drake ang feelings ko ay umiwas ako sa kanya. Kinulit nya ako nang masabi ko yun, pero hindi ako nagsalita.


Tuwing may klase kami ay dumidistansya ako sa kanya. Sa cafeteria naman, pagdumadating siya kasama si Nate at Warren ay agad akong nagpapaalam kay Rica na aalis na ako. Halos hindi na nga ako nakakakain ng maayos dahil sa pag-iwas ko sa kanya.



Nahihiya ako. Yun ang eksaktong nararamdaman ko. Wala pang isang buwan nun, pero napaamin na ako agad kay Drake. Ayokong isipin nya na madali akong babae. Easy to get. Ayokong pag-isipan nya ako ng ganun. Nahihiya ako sa sarili ko. Ang bilis kong bumigay.


Hindi ko pa sya kayang kausapin sa ngayon.


Ngayon, tumutulong ako kila Luris na magset-uo ng stage dito sa university ground para mamayang gabi sa performance namin. Ayaw pa nga nila akong patulungin pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin.


May mga ilang itinayong booth. Maliit na library for bookworm students, café booth, horror hause, and socks puppet booth.


Mayayaman ang mga estudyante dito sa Garfinn kaya ayus lang sa kanila ang gumastos ng malaki para sa mga booth nila.



"Tapos na, tara dun sa café. Magmiryenda muna tayo." si Stan na nakapamaywang pa.



Nagsisang-ayunan ang lahat kaya sumama na din ako.



Nang makarating kami sa cafe ay agad na humanap kami ng pwesto at agad ding umorder si Stan ng miryenda. Black forest cake at milk tea. Jusmiyo. Hindi kaya kumulo ang mga tyan naman dito?



"Excited na ko para mamaya!" Stan said cheerfully.


Si Stan ang pinakamadaldal sa banda. Moodmaker kumbaga.


"Ako din!" si Alvin pagkatapos uminom ng milktea. "Damn excited!"


"Kinakabahan ako." napalingon kaming apat kay Luris ng bigla itong magsalita. "What if magkamali ako?" tanong pa nito.


"Ano ka ba dude?" si Stan, sabay akbay kay Luris na katabi nito. "Para kang di lalake e." nagbibirong dugtong nito. "Nandyan si Trish, di ka pababayaan nyan." sabi pa nito at kumindat sa akin.



Napangiti lang ako. Loko talaga.


Nasabi kasi sa amin ni Luris na ito ang unang beses na kakanta sya sa harap ng maraming tao.



"You have a great voice man, so you had nothing to worry about." sabi ni Levi na nakaupo sa tabi ko. Tama naman sya, Luris have a really great voice, and I like his voice.



"You think so?" tanong ulit ni Luris. Napansin ko, Luris had a low self-steem.


"Yes." tumatangong sagot ni Levi.



"Tama si Lev---wait! Is that Drake?" gulat na tanong ni Stan at napalingon sa isang banda ng cafe. "Akalain mo yun, nagpupunta pala sa ganitong lugar yan." dagdag pa nito. Hindi na lingid sa akin ang pagkadisgusto nila kay Drake. Suplado daw kasi at mayabang.



"I thought he's courting you?" nakakunot ang noong tanong si Alvin sa akin. Tumango ako. "Then why he's with another girl?" halata sa mukha nito ang pagtataka.


When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon