Chapter 13

20 1 0
                                    

Trisha's PoV




Three days had past simula nung makapili kami ng kapalit ni Andy sa band.



Well, hindi naging madali ang pagpili dahil talagang magaling yung dalawang natira. Pero sa huli, si Luris ang napili.



Shit lang kasi! Ang ganda-ganda ng boses nya. Kaboses nya si Alex Goot!


Alex Goot is my favorite singer. Although puro revive lang yung mga kanta nya, still, favorite ko pa rin sya. Crush na crush ko din sya! Shit! Kinikilig ata ako! Kapag wala kasi akong ginagawa, lagi akong nagp-play ng music nya.



Tulad ngayon. Habang nagtetextan kami ni Drake, nagp-play yung Love Me Like You Do na version nya.



Drake: Nagrereview ka?

Text ni Drake. Obviously he's pertaining to the upcoming quiz bee. Next week na kasi yon.


Kanina ko pa din sya katext e. At hindi sya nauubusan ng topic!


Ako: Hindi. Ikaw?

Drake: Hindi din. Walang pumapasok sa utak ko e.

Ako: Bakit naman?

Drake: It's because my mind is already occupied by you.

Puro ganyan yang si Drake, bawat text may isinisingit na banat.


Well, nakakakilig naman kasi. Kanina pa nga ako pangiti-ngiti dito sa kwarto ko.

Ako: Corny.

Reply ko. Corny but it makes me smile.

Drake: Kunwari ka pa e nakangiti ka naman.

Ako: Di kaya.

I denied.

Drake: Sabi mo eh. By the way, nagdinner ka na?


Ako: Not yet.

Drake: Why? It's 8:30 already and your not taken a dinner yet?

Ako: I'm lazy getting up.


Hinintay ko yung reply nya pero...


1 minute

3 minutes

5 minutes

10 minutes

30 minutes


Walang reply!


Bakit kaya?


Pipikit na sana ako para matulog na, nang bigla ko namang marinig na may magdoorbell.


Sino naman kaya to? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon e.


Agad akong lumabas ng kwarto ko at nagpunta sa may pinto. Binuksan ko iyon.


"W-What are you doing here?" tanong ko kay Drake. Yes. Sya yung nagdoorbell.


"Hindi ka pa kumakain diba?" tanong nito sabay taas ng dalawang kamay na may bitbit na dalawang paper bag.


Pinapasok ko ito. Agad din kaming dumiretso sa kusina.


Inayos nya yung mga pagkain na dala nya.


Hindi naman ako nagugutom kanina, pero nung makita ko yung mga dala ni Drake ay parang automatic na tumunog yung tiyan ko. Napahawak ako doon. Nakakahiya!



When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon