Trisha's PoV
It's tuesday already at sa wakas ay natapos na kami sa quiz bee. And guess what? Nasungkit namin ni Drake ang title. Akalain mong ganun katalino si Drake? Bakit? Kasi yung score namin tsaka yung score ng kalaban ay magkamukha lang tapos yung last problem sa quiz ay hindi pa naituturo samin, tapos si Drake alam na? Galing diba?!
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway mag-isa. Si Drake? Umuwi sa bahay nila kaya di sya makakapasok ngayon. May problema ata sa company nila.
"TRISH!!!" sigaw ni Rica na patakbong lumapit pa sa'kin. Akala mo naman ang tagal di nagkita. Jusmiyo! Eh lahat ng madaanan nya napapatingin sa kanya! Wala talagang hiya sa katawan!
"Oh?" tanong ko nang makalapit ito sa akin. At agad pa itong kumapit sa braso ko.
"Congrats!" nakangiting bati pa nito. At agad na bumitaw at dinukot yung cellphone sa bulsa ng skirt nya. "Sikat ka na Trish!" sigaw nito na may kasama pang talon.
"Pwede ba! Wag kang sumigaw? Ang sakit sa tenga. Eto lang ako sa harap mo oh!" saway ko dito.
"Eh kasi---"
"Isa pa Rica!"
"Eto tingnan mo na nga lang oh." sabi nito sabay abot sa akin ng cellphone nya.
At ganun nalang ang gulat ko sa nakita ko.
"Paanong? Ano--?"
"Sikat ka na Trisha McKeel!" nakangiting sabi ulit nito.
Alam nyo ba kung ano yung nakita ko?
Ako! Ako habang kumakanta ng Love on Top. May nag-upload ng video sa youtube nung nagpunta kami ni Drake sa mall. Yung pinakanta nya ako sa may videokehan doon. Tanda nyo?
"Grabe. Two days pa lang naa-upload, 6 million views na agad! Ikaw na!"
Pinanood ko ulit yung nasa video, and yes. Over 6 million na nga ang views. I can't believe this!
"Sinong nag-upload?" tanong ko dito sabay bigay pabalik sa kanya nung cp nya.
"I didn't know either."
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at agad na tinap ang youtube.
Pinanood ko ulit yon. Madaming mga nagcomment at wala ni isa sa mga comments ang pangit o nang-iinsulto.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Iba sa pakiramdam eh. Kapag naman kasi may mga gig kami ay wala namang kumukuha ng video at ini-a-upload sa youtube. Kaya bago ito sa akin.
"Yiiieee! Trish, baka naman sa susunod, sa tv na kita mapanood ha!" nakangising sabi pa ni Rica.
"Nako! Malabo yon!" agad pang sagot ko. "Teka nga!" itinago ko pa yung cellphone ko sa bulsa ko. "Bakit nandito ka pa? Nagditch ka ng class?" eh kasi naman, time na kaya! Tapos sya, nandito sa hallway, chumichika?!
"Hoy ditch ka dyan! Hindi noh!"
"Eh ano pala?"
"Wala si Sir Panot." sagot nito at nagsimula na ding maglakad.
"Baliw." yung sir Panot na sinasabi ni Rica ay si Sir Abuta. Matanda na yun at medyo wala nang buhok sa tuktok kaya ayun, panot daw. Ewan ko ba dyan kay Rica. Ang daming alam.
Nagpunta lang kami ni Rics sa cafeteria. Dito nalang daw kami tumambay. Bumili din sya ng dalawang frappe.
"Si Drake nga pala?" tanong nito sakin.
BINABASA MO ANG
When I Fall
Teen FictionHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...