Trisha's
After that dinner ay nagkakwentuhan pa kami ng mommy ni Drake dahil bigla siyang tinawag ng daddy nya. May pag-uusapan yatang tungkol sa company.
I learned from his mother that he is really smart. Gradeschool pa lang pala ay talagang lagi siyang number one sa class at madami din itong natatanggap na awards.
And the most shocking things I knew was, he really never had a girlfriend. Ako ang una. Kahit pa sinabi na ito sa akin ni Rica ay nakakagulat pa din pala talaga. Lalo na at ang mommy nya pa mismo ang nagsabi.
"I bet you need to stay here until tomorrow." naalis ang atensyon ko sa photo album na hawak ko at napalingon sa mommy ni Drake.
"Bakit po tita?" Tita. Sabi nya kasi sa akin kanina ay yun nalang daw ang itawag ko sa kanya.
Napakabait ni tita. And I really can't believe it! Yung iba kasi kapag ganito na kayaman, nawawala na yung magandang pag-uugali eh, pero sa mga Saavedra... wala akong maipintas.
They are ideal family."It's rainning outside." Napatingin naman ako sa labas and tadahh! Umuulan nga. Ang galing naman tumiming ng ulan na iyan! Talagang itinapat pa kung kelan wala kami sa condo.
"Hi." biglang sumulpot si Drake sa gilid ko at agad pang humalik sa pisngi ko. Sinapak ko nga. Nakakahiya sa mommy nya na nasa harap namin.
"Anu ka ba?!" bulong ko dito. Narinig ko namang tumawa yung mommy nya kaya napalingon ako dito.
Nakakahiya!
"Mom, tinatawag ka na nga pala ni dad sa taas. Matulog na daw kayo."
"Oh yeah! Maiwan ko na kayo. Son, you escort her to her room. A'ryt?" Lumapit si tita kay Drake at humalik sa pisngi ng anak pagkatapos ay sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi bago maglakad papunta sa hagdan at umakyat sa taas.
Namiss ko tuloy si mommy ko. Lagi din nya ako hinahalikan sa pisngi bago ako matulog. I sighed. I missed mom. I missed dad. I missed my brother. I think I should pay them a visit.
"Hey what's wrong?" hinawakan ni Drake ang mukha ko at agad ulit akong hinalikan. Just a peck.
Sinapak ko ulit.
"Nakakarami ka na ha!" reklamo ko at tinawanan lang ako.
"What?" natatawang sabi nito "You're mine baby. I can kiss you whenever I want." sagot nito at humalik ulit.
"Drake!" uminit yung pisngi ko kaya alam kong nagbablush ako. Napalingon ako sa buong kabahayan. Baka kasi may makakita sa amin na mga maids nila. Nakakahiya yun.
"Come. I'll take you to your room." hinila ako ni Drake papunta sa 2nd foor ng bahay nila.
Pagpasok namin sa room na sinasabi nya ay talagang namangha ako.
"May kapatid kang babae?" I blurted out habang iniikot ang mata sa kabuuan ng kwarto.
"Only child ako, babe." From my back, he wrapped around his arms on my waist. Inaamoy amoy pa nito yung buhok ko.
"Bakit pang babae itong kwarto na ito?"
Kulay dilaw ang mga curtains na tumatabing sa malaking sliding window papunta sa balcony. Lumakad ako papunta sa walk-in closet habang nakapalupot pa din sa akin ang mga braso ni Drake. I opened it. And my jaw dropped on the floor.
BINABASA MO ANG
When I Fall
Teen FictionHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...