Chapter 15

15 0 0
                                    

Trisha's



Halos dalawang oras at kalahati din ang iginugol namin sa pagpapractice. Kaya naman medyo hapo na ako nang matapos iyon. Ihahatid pa sana ako ni Luris pero tumanggi ako. Masyado kasi syang mapapalayo pag ganun. Magkaiba kasi ang way namin.


9:50pm na nang makarating ako sa condo na tinutuluyan ko. Nang nasa tapat na ako ng unit ko, ay itatype ko na sana yung passcode ko nang makita kong bukas iyon.


Inilock ko to kaninang umaga nung umalis ako. Bakit biglang bukas na ngayon? Di kaya may nakapasok na magnanakaw sa loob? Pero imposible naman yun dahil mahigpit ang security dito.


Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Kinakabahan ako. What if saktan ako ng magnanakaw?


Sarado ang ilaw.


"You're too late."


"AY LATE!!!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat. Noon nalang din bumukas yung mga ilaw, dahilan para magliwanag sa buong paligid. Agad ko ding nasalubong ang seryosong tingin ni Drake na nakatayo sa may gilid ng couch. "W-What are you doing here?" tanong ko dito at agad naman syang lumapit sa akin at kinuha yung bag ko.

Sya ang nagbukas ng unit ko?

"Obviously, I'm waiting for you." sagot nito matapos ipatong yung bag ko sa couch.


Lumapit ako dito. "How did you get in?" I asked


"I used the door." ngumiti pa ito. Nakuha pang magloko.


"You knew my passcode."


"Well..." napakamot pa ito sa ulo at parang nag-aalangan kung sasabihin ba sa akin o hindi.


"Drake!" I warned

"Okay." nagtaas pa ito ng dalawang kamay "Sumimple ako ng tingin nung nagtatype ka ng passcode."


"Pasaway." sagot ko at nagtanggal na ng sapatos. "Anong oras ka pa nandito?" I asked


"Exactly 6:15." kung ganon ay halos apat na oras na syang naghihintay sa akin?


"Bakit hinintay mo pa ko?"


"I want to see you. I missed you." bahagya pa itong namula kaya napangiti ako. Nagbablush sya! "C-Can I hug you?" alangan pang tanong nito at napatango nalang ako ng sunod-sunod. Agad itong lumapit sa akin at tsaka ako niyakap ng mahigpit. Isa ito sa mga nagustuhan ko kay Drake. He is really sweet to me. "Fvck! I really missed you." bulong pa nito.


Gumanti ako ng yakap. "Namiss din kita." hindi ko na kailangan pang itago yun sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

Humiwalay ito ng kaunti sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.


"I'm hungry already. Let's eat. I cooked." nakangiting sabi nito at hinalikan pa ako sa noo. Sweet noh? Pero ano daw? Hungry?


"Hindi ka pa nagdidinner?" tanong ko at tinitigan ang mukha nya.


Bahagya itong umiling. "Not yet. I want to eat dinner with you, that's why."


"You should eat by yourself. Hindi mo na sana ako hinintay. I already at---"


"Nakapaghapunan ka na?" medyo lumungkot yung mukha nito. Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya dito.


"Oo. Pero nagugutom ulit ako, kaya kakain ako." hinimas ko pa ang tiyan ko at bahagyang nginitian ito.


Totoo iyon. Hindi naman kasi ako nakakain ng maayos kila Alvin dahil wala akong gana.


Ngumiti ito pabalik sa akin at niyaya na akong magpunta sa kusina.


Nang makarating kami doon ay feeling ko nagningning ang mga mata ko sa nakita ko.


Lasagna, pizza, mushroom soup, chicken afritada, rice at iced tea.


"Ang dami naman nito." I voiced out as I sat on the chair. Chicken afritada is one of my favorite food. Naalala ko pa noon, laging nagluluto si mommy ng ganito. Nagagalit nga si kuya Troy, bakit daw puro ganun ang niluluto ni mommy.

Bigla kong namiss si mommy.


He just shrugged his shoulders at kumuha na ng kanin. At kagaya ng nakagawian, ipinaglagay ako nito ng pagkain sa plato ko.


"Paabot ng soup please." sabi ko dito pagkatapos nyang lagyan ng kanin at ulam yung plato ko.


Inabot nito sa akin yung mushroom soup na may bahagyang ngiti sa labi. Ang gwapo talaga!


"Here 'ya go babe." and the way he speaks, damn sexy!


Babe?


"Thanks." I said. I feel the heat on my cheeks. Lagi nalang ganito.


"You are really beautiful at hindi ako magsasawang pagsilbihan ka, Trish." he said sincerly.


At kinikilig ako dahil doon!


"Ah...eh..." I tried to speak pero walang lumabas sa bibig ko. I didn't know what the right words to say!


"Ano? Inlove ka na rin ba sakin, babe?" nakakaloko pang tanong nito. Napamaang ako.


"W-What?"


Ngumiti ito. That boyish smile. "Nothing. Kumain ka na." sabi nito na hindi inaalis ang ngiti sa labi nya.


Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain. At talaga namang busog na busog ako. Ang dami kong nakain. Masarap kasi magluto si Drake.


Ngayon ay nandito na kami sa living room at nanonood ng movie.


Maganda yung movie. Horror-comedy-romance. Sa tuwing may lalabas na nakakatakot sa screen ay talaga namang napapatili at napapaatras ako sa kinauupuan ko. At ang lokong Drake, tawa ng tawa sa mga reaksyon ko. Lokong to!


"Sinadya mong ito yung panoorin hano?" I accused him


Natigilan ito. I knew it!


"H-Hindi ah."


Inirapan ko ito. "Ewan ko sayo!" sabi ko.



Hindi naman sa matatakutin ako, kaya lang ay sobrang nakakagulat naman itong pinanonood namin ni Drake. Tapos ang nakakainis pa, pinagkakatuwaan nya ako. Hmp.


Pero ganun nalang ang gulat ko nang bigla akong hinila nito papunta sa kanya, kaya ngayon ay nakaupo na ako sa kandungan nya.


"Wag ka ng magalit hmm?" sabi nito at tsaka ako niyakap ng mahigpit. I froze, at the same time, I felt safe in his arms. Masyadong comforting ang yakap nya. Feeling ko ay hinihila nito paalis ang inis ko sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya. I hugged him back. Naramdaman kong natensed yung katawan ni Drake, siguro ay hindi nya inaasahan na yayakapin ko sya pabalik. Pero ilang sandali lang ay narelax din iyon.


Hinaplos haplos nito ang buhok ko. I closed my eyes. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.


"I love you, Trish." he whispered in my ears. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko. At ganun din ang kay Drake, I almost heard his heartbeat. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Iba talaga ang dating sa akin ng salitang iyon ni Drake.


Siguro ay tama nga si Rica, talagang gusto ako ni Drake. Nararamdaman ko naman kasi iyon. Babae ako, at malakas ang pakiramdam ng mga babae.


Siguro ay tama rin siya sa sinabi nya. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Wala akong mararating kung wala akong gagawin.


Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ulit, hindi ba? Hindi naman siguro katulad ni Mike si Drake. Hindi naman siguro ako sasaktan ni Drake.



"I love you, Drake."



*******

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon