Trisha's
Ngayon ko napatunayan na tama yung sinasabi nila na mabilis lumipas ang panahon lalo na't masaya ka at nag-eenjoy sa buhay mo. Yung tipong wala kang ibang pinoproblema, kaya hindi mo namamalayan na lumilipas na pala yung panahon.
Kagaya ko, halos hindi ko maisip na umabot na kami ni Drake ng anim na buwan. Parang kelan lang nung naging kami. Parang kelan lang nung nag-alok sya sa akin ng tulong.
April na ngayon at sa madaling sabi, bakasyon na. Sa susunod na pasukan ay 5th year na ako sa engineering, same as Drake.
Si Drake, tine-train na sya ng daddy nya sa company nila. Pero kahit ganun, hindi sya nawawalan ng oras sa akin. I woner, bakit engineering pa yung kinuha nya kung pagmamanage din naman sa kumpanya ang gagawin nya in the near future.
Ngayon, nandito ako sa unit ni Drake. May pupuntahan daw kasi kami.
"Let's go?" tanong nito nang makarating sa harapan ko. He's wearing a checkerd polo and a denim pants with his black shoes on.
Tumango ako at magkahawak kamay pa kaming lumabas ng unit nya. Nang makarating kami sa tapat ng kotse nya ay agad akong pinagbuksan ng pinto nito bago sya umikot pakabila. He is really a gentleman.
"Saan ba tayo pupunta?" kanina ko pa kasi tinatanong sa kanya kung saan kami pupunta pero kanina pa rin nya ako hindi sinasagot. Nakakaintriga tuloy.
"You'll see." nakangiting sagot nito at kinuha yung kamay ko na nakapatong sa lap ko.
"Baka mabangga tayo." kasi naman isang kamay lang nya yung ginagamit nya sa pagdadrive at kaliwa pa yun.
"I won't let that happen, babe." he said and kissed the back of my hand. And I blushed.
Babe. Endearment ni Drake sa'kin pero kahit minsan, hindi ko sya tinawag na babe. Ewan. Nahihiya kasi ako tawagin syang ganun. Hindi naman sa ikinahihiya ko sya ha, sadyang ganun lang talaga ako. Pero kahit na hindi ko sya matawag na babe o kahit na anong sweet endearments, mahal ko sya. I love him so much.
Halos 30 minutes din yung naging byahe hanggang sa huminto yung sasakyan ni Drake sa isang malaking bahay, or should I say mansyon? Na napapalibutan ng may kataasang gate. I can't see clearly what the gate looks like because it's already evening. The dark is everywhere.
May pinindot siya na remote at bigla nalang bumukas yung mataas na gate. Teka, don't tell me---
"D-Drake bakit...anong? B-Bahay nyo?" Hindi ako magkaintindihan sa pagtatanong. Eto ba yung 'you'll see' na sinasabi nya?
"Yes babe. Ipapakilala na kita kay mom and dad. And you can't do anything about it. You can't scape from it now."
"P-Pero---"
"Please?" he said with those puppy eyes. He really wants me to meet his parents, I know. May magagawa pa ba ako ngayong ganitong humihiling na sya? Syempre wala!
Matagal na kasi akong niyayaya ni Drake na pumunta sa bahay nila para ipakilala ako sa parents nya. Pero, no. Hindi ako pumapayag everytime he opened that topic to me.
It's not that I don't like to meet his parents, ayoko lang na kaagad akong ipakilala ni Drake sa magulang nya ng ganun-ganun lang. Like, what if maging close ako sa parents nya tapos bigla naman kaming magbreak, edi parang nakipagbreak na din ako sa mga magulang nya. Hindi ko sinasabi na maghihiwalay kami ni Drake o makikipaghiwalay ako sa kanya kaya ayaw kong ipakilala nya ako. Ang sa akin lang---I don't assume in such things, that theres a forever, that we're gonna be together forever. Let's just faced the reality na maari o pwedeng magkahiwalay nga kami.
Pumasok kami sa loob ng mansyon nila and wow! Just wow! Napaka ganda nung loob ng mansyon. May staircase. The chandelier na puno ng crystals, I wonder magkano kaya yun kung ibebenta ko? The elegant sala set. Kumikinang na sahig at feeling ko ay masisilipan ako dahil nakasuot lang ako ng royal blue dress na above the knee ang haba. The antique vases. The big portrait of a woman na sa tingin ko ay nasa mid-forties na. Pero nandoon pa rin ang ganda nito.
Is Drake this rich?!
"Gaano kayo kayaman?" Hindi ko na naiwasang itanong. Nakakamangha kasi.
"Huh?" Then he chuckled at nagkibit-balikat.
"Son!" Mula sa magarbong staircase ay bumabang ang isang magandang babae na kamukang-kamuka nung nasa portrait kanina. She had lips that same with Drake.
"Mom." Drake said then immediately hug his mother. "I miss you mom."
"Miss? Pero ngayon ka lang umuwi? Ano bang pinagkakaabalahan mo anak?" Nagkibitbalikat lang si Drake at bahagyang lumingon sa'kin kaya maging yung mommy nya ay napatingin din sa akin. Bigla akong nahiya. Shit! "Oh? You must be Trisha?" tanong nito. Mygad? Doesn't she like me? "Ikaw pala ang pinagkakaabalahan nitong anak ko." Napayuko ako. Ano? Ayaw nya sa'kin? Bakit naman kasi dinala pa ak---
Nagulat ako ng may bigla nalang yumakap sa akin. "Finally! Nameet na din kita. Alam mo bang ang tagal-tagal ko ng kinukulit tong si Drake na ipakilala ka sa'min?"
"Mom naman..." napakamot pa ito sa batok nya.
"What? Totoo naman ah! Ang damot mo naman kasi. Pati itong si Trisha ay pinagdadamot mo sa amin ng daddy mo."
"Mom---"
"Tse!" pagsusungit nito sa anak. "Come on ija. The dinner is ready." At hinila na nga ako ng mommy nito kung saan.
Ano bang nangyayari?
Pagdating namin sa dinning room nila ay may mga pagkain nang nakahain sa hapag. There are also maids on the other side of the dinning table that were silently standing.
Pinaghila ni Drake ng upuan yung mommy nito bago ako ipaghila ng upuan ko.
"Thanks." I said and smile sweetly.
"You're welcome babe." Isa sa mga napapansin ko kay Drake nitong mga nakaraang buwan ay ang pagiging madaldal nya. Hindi naman kasi sya pala kibo dati before maging kami. Kapag may bumabati sa kanya, he would just ignore that and then walked out. Ngayon, nakikita ko na may improvement sa attitude nya. And I'll be very happy if I'm one of the reasons of his development.
"Am I late?" napalingon ako sa biglang pumasok sa dinning room at bigla ding nagsalita. At para lang akong nakakita ng isang matured na Drake Saavedra. Parang photocopy. Halos lahat ng features nya ay nakuha ni Drake except on the lips because he got his lips in his mother. Are they this perpect? Parang nakakahiyang maging kapamilya nila!
"No honey. You're just in time." nakangiting sabi ng mommy ni Drake na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.
Lumapit ang bagong dating at humalik sa labi ng babae. I blushed. Shit! Parang ako ang nahiya sa paghalik na'yon though it's only a peck on the lips.
"Dad." Tumayo ito at lumapit sa tinawag nyang Dad bago yumakap. Hindi naman maipagkakailang mag-ama sila.
"Son. How are you?"
"I'm good Dad. And Dad, this is my girlfriend, Trisha McKeel."
*****
BINABASA MO ANG
When I Fall
Teen FictionHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...