Chapter 12

10 1 0
                                    

Trisha's PoV








Sasagutin ko na sana yung tanong ni Rica nang bigla namang pumasok yung professor namin.


"Good morning class."


Saved by the prof!



Nginitian ko nalang ang nakakunot noo na si Rica at naupo na. Drake sit beside me.



Tumingin ako sa harapan nang makita ko si Luris sa harapan na upuan namin ni Drake. Nandito na pala sya. Hindi ko manlang napansin agad.



Kinulbit ko ito kaya napalingon ito sa akin.


"Good morning." I greeted.



Luris smiled at me. "Good morning." he greeted back.




Nagsimula nang magdiscuss yung professor sa harap kaya naman umayos na ako ng upo at nag-umpisang makinig.


Literature. Yan yung subject namin ngayon. Aesop. I wonder. Anong kinalaman ni Aesop sa engineering? Pamparami lang nang units to eh.



Sa kalagitnaan ng pakikinig ay naramdaman ko nalang na may kamay na humawak sa kamay ko na nakapatong sa lap ko.

Drake Saavedra.


Napalingon ako kay Drake.



He just smiled at me and interwined our hands. Hinila nya ito at ipinailalim sa desk ng upuan.



Napayuko ako.



I flushed. Ano bang ginagawa nya?



At heto na naman ako. Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may mga kulisap na nagwawala sa tiyan ko dahil sa simpleng paghawak nya.



I stared at him. He's wearing a checkered polo and a green shirt inside it. Simple yet adorable. He is really the definition of handsome.



-----




"Now Trisha Mckeel, answer me! Are you two dating?"



Yan agad ang bungad ni Rica pagkaupong-pagkaupo namin dito sa usual seat namin sa cafeteria.



"Oo nga! Trish, akala ko ba ako lang ha?" tanong din ni Warren na malungkot ang mukha.



"Ikaw lalaking panget! Tumigil ka ha! Ako muna magtatanong! Mamaya ka na!" asik ni Rica kay Warren.


Grabe! Parang nanay lang si Rica. Kung makasigaw, akala mo naman na kami lang ang tao dito sa cafeteria.


"Okay." Warren answered sabay ayos ng upo.


"Ano Trish? Aba sagot na." baling nito sa akin.

Napaayos ako ng upo.


"Ah a-ano...uhm kasi---"



"Yes. We're dating." putol ni Drake sa anu pa mang sasabihin ko sabay akbay sa akin.



*Cough* *Cough*



Napalingon kami kay Warren na naubo. Ano bang nangyari dito?


Ibinaba nito yung bote ng mineral water at pinunasan yung ilong nya. Namumula din yung mata nya at nanggigilid ang luha.



Inabutan ko ito ng panyo.


"Here."


"T-Thanks." sabi nito sabay punas sa ilong. Nasamid ba to? "D-Date? Kayong dalawa?" pagkuwan ay tanong nito



When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon