Trisha's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Medyo nasilaw pa ako kaya naman ipinikit pikit ko pa ito para mai-adjust sa liwanag na nakikita ko at saka muling nagmulat.
Aaaarrgh! Agad akong napapikit ng mariin ng biglang sumakit ang ulo ko. Ano bang nangyari at sumakit ng ganito ang ulo ko.
Pilit kong inalala ang mga nangyari.
Ang alam ko ay nasa bar ako kagabi. Umiinom, sumasayaw hanggang sa may lalaking lumapit sa akin at sinabing iuuwi na ako. Tapos---
Agad akong napabalikwas ng bangon sa kama. Shit! Where am I?
Habang nakaupo ako sa ibabaw ng kama ay inilibot ko ang mata ko sa loob ng kwarto.
Base sa itsura nito ay halatang lalaki ang may-ari nito dahil sa black, white at blue themed nito.
I heard a click. Agad akong napalingon kung saan ito nanggagaling at ganon na lang ang panglalaki ng mata ko ng makitang may lalaking nakahubad at tanging towel lang ang gamit na pantakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"You're awake." he said as he stared at me.
"D-Drake." I said. Tumingin ako sa mukha nito dahil nakakailang naman kung sa katawan ako mismo nito titingin.
Mula dito sa kamang kinauupuan ko ay kitang kita ko tubig na tumutulo galing sa buhok nito patungo sa dibdib--sa tiyan niya na bitak bitak dahil sa hubog ng abs nito--patungo sa---
"Enjoying the view huh?" muling sabi nito kaya agad akong napaiwas ng tingin dito. Damn Trish! Ano bang ginagawa mo?!
"A-Ano bang g-ginagawa ko dito?" kinakabahang tanong ko.
"Don't you remember anything?" tanong nito at unti-unting naglakad palapit sa akin.
I absent mindedly looked at myself. I'm not wearing my clothes last night anymore, instead I wore a long sleve white polo na umabot hanggang sa gitna ng hita ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. "A-Anong ginawa mo sa'kin?"
"Anong ginawa mo?" balik tanong nito
"D-Did we---?" hindi ko na naituloy ang itatanong ko ng bigla itong ngumiti ng nakakaloko. Damn!
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at agad na hinablot ang sling bag ko na nasa side table. Dali-dali akong lumabas sa kwarto at agad na tinungo ang daan palabas ng unit nito.
Tatakbo na sana ulit ako papunta sa unit ko ng matanawan ko ang number ng unit ni Drake. 705. Kapitbahay lang pala kami? Bakit di ko alam.
Naglakad nalang ako ng nakapaa papunta sa tapat ng unit ko at agad na in-enter ang passcode.
----
"Bakit ngayon ka lang pumasok? Nako Trish, kanina ka pa hinahanap ni Mrs. Lopez." bungad ni Rica sa akin pagkadating na pagkadating ko dito sa room.
It's already 10:15 in the morning. Buti nalang at wala pa dito yung next professor namin. And yeah, I skipped my first subject, which is calculus.
"Bakit daw?" I asked. Bakit naman kaya ako hahanapin ni Mrs. Lopez?
Mrs. Regina Lopez is our calculus professor. She's also the head of the math department faculty here in Garfinn. May tatlong anak. Ang dalawa doon ay dito din nag-aaral at ang isa naman ay highschool pa lang.
"Ewan. Hinahanap nga din si Drake eh." bulaslas nito sabay akla ng braso kay Nate na katabi nito.
"Weh?"
BINABASA MO ANG
When I Fall
Teen FictionHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...