Chapter 11

20 0 0
                                    

Trisha's POV



Naging maayos naman ang pagpili namin sa magiging bagong vocalist ng band namin. Halos umabot nga sa fifty students ang nag-audition. Nakakatuwang isipin na napaka dami palang interesado maging bandmate namin.





Sa almost fifty students na nag-audition ay pumili lang kami ng ten students na babalik bukas. Hindi na kasi namin kayang tapusin ngayon, gabi na kasi.



Ngayon ay nag-aayos na kami ng mga gamit dito sa loob ng auditorium para makauwi na rin kami.



"Maganda pala boses ni Nicole, hanu Trish. Akalain mo yon? Akala ko kasi puro landi lang ang alam nun eh." Rica said while arranging the chairs.



Oo maganda nga pala ang boses nya, ngayon ko lang din nalaman. Tsaka sa sampung napili namin, si Nicole lang ang nag-iisang babae.



"Oo nga." I replied



Ilang sandali pa ay natapos na din kami sa pag-aayos kaya naman napagkasunduan namin na lumabas na.


Paglabas na paglabas namin ay nagulat pa ako nang makita ko si Drake sa tapat ng pinto ng auditorium.

Anong ginagawa nya dito?


Hinihintay nya ba ako?

Assuming teh? Kaya ka nasasaktan eh!


He's with Nate. I'm not surprised to see Nate, of course, he's waiting for Rica.



"Baby." tawag ni Rica sabay lapit kay Nate. Nang makalapit ito ay bumaling ito sa akin. "Una na kami." she mouthed and I nodded.


"Uh---Let's go?" Drake said while scratching the back of his head.


"S-sige." pagsang-ayon ko dito at nagsimula nang maglakad. Nagulat pa ako ng bigla nitong kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ko. "D-Drake?" what is he doing? Bakit nya kinuha yung bag ko?

He smiled at me. "Let me carry this. We're dating right?"


We're dating right?


Oo nga pala, pumayag na ako sa inaalok nya.

We're dating.

"Pero di mo naman kailangan dalhin pa yan."


"But I want to."


"Drake."


"Let's go. I'm hungry already." nakangiting sabi nito sabay hila sa kamay ko.



Napatigil ako ng may maramdaman akong kakaiba pagkahawak nya sa kamay ko.
Kuryente?


"Trish."



"Ah o-oo."


Hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya ay hindi nito pinakawalan ang kamay ko. At ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganito ba talaga? Parang iba. Iba 'to!

Hindi ako nakaramdam ng ganitong pagkabog ng dibdib dati kay Mike. We held hands. Hugged. But I never felt this kind of feelings towards him.





"Kamusta yung audition?" tanong nito habang nagda-drive.


"Ayus lang."


"Nakahanap na kayo ng kapalit ni Andy?" he asked again


I shook my head. "No. Bukas palang siguro. Di kasi natapos kanina, wala ng time."


Hindi ito sumagot. Bagkus ay tumango lang ito.


When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon