Chapter 4

24 1 0
                                        

Trisha's POV

Another day, another life.


I'm here at the corridor walking, heading my way to my english class.

Minsan pala nakakasawa na din mag-aral. Yung tipong gigising ka ng maaga para gumayak. Kahit inaantok ka pa ay kailangan mo nang bumangon dahil nga sa may pasok kayo.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng room. Pagpasok ko ay didiretso na sana ako sa usual seat ko ng makitang nakaupo si Mike sa katabi non. And he's seriously staring at me as if he's waiting for me.He was my seatmate.

Sa halip ay naglakad ako sa ikatlong row sa gawing kaliwa nitong silid at doon naupo sa walang katabing upuan.

Kung ayaw kong pag-usapan si Mike ay ganoon din ang pagkaayaw kong makatabi ito sa upuan.

Nakatingin lang ako sa pinto hanggang sa pumasok doon sina Rica at Nate kasama si Drake at Warren.

Ngumiti sa akin si Rica ganoon din si Nate. Well, they are seatmates. Samantalang si Drake naman ay dire-diretso lang. That's fine. We're not that close anyway.

"Hi Trish!" masayang bati sa akin ni Warren. I just gave him a smile.

Simula nang maging boyfriend ni Rica si Nate ay napalapit na rin sa akin si Warren. Even he's one of them he's kinda approachable and talkative kaya nakasundo ko din.

Hindi nagtagal ay pumasok na din ang prof namin.

"Good morning class. Before we start I want all of you know that we have a new student here." pambungad nito at tumingin sa labas ng pinto. "You may come in." pagkasabi nya noon ay may pumasok na isang lalaking matangkad, matangos ang ilong at may singkit na mata. He also had a fair skin na bumagay sa mukha nito. "Introduced yourself." muling wika ng may katandaang prof.

"Good morning everyone. I'm Luris Chen." pagkasabi nito ay iniikot nito ang paningin na para bang may hinahanap. So hindi pala sya nagbibiro nung sinabi nito kahapon na magtatransfer sya dito sa Garfinn?

Hanggang sa magtama ang mga mata namin at agad itong ngumiti kaya halos maging guhit nalang ang mga mata nito.

"You may take your seat Mr. Chen." the prof said

"Can I sit beside to Ms. McKeel?" Luris asked

"Of course. I---wait! Why your not on your usual chair Ms. McKeel?"

"Uh--I just uh---" naputol nalang ang sasabihin ko nang muli itong magsalita.

"Okay lets drop that. Mr. Chen sit beside Ms. McKeel so we can start to our discussion."

"Thank you sir." he said and walk towards my direction. "Good morning Trish." he said as he sat beside me.

"Good morning." I replied. Bahagya pa akong sumulyap kay Mike, only to find out that he is looking at us.

-----

"Ako nang bibili. Maupo ka na dyan." Luris said and headed his way to the counter.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. It's lunch time and Luris invited me to join him in his lunch. That exlplains why I'm with him.

Naupo na ako sa bakanteng upuan dito sa loob ng caf medyo wala na ding vacant space dito, buti at may naabutan pa kami ni Luris.

"Trish!" that's Rica. She's with Nate, Drake and Warren.

"Bakit?" tanong ko pagkalapit nila sa pwesto ko.

"Kilala mo pala yung transferee?" sabi nito at naupo sa katapat na upuan ko. Naupo din si Drake at Warren sa tabi nito. "Gwapo ha!" dagdag pa nito at ngumiti ng nakakaloko.

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon