Chapter 19

13 0 0
                                    

Trisha's

One week had past simula nang mangyari yun. And after nga namin magkaaminan ni Drake ay nagkaroon na rin kami ng label.

Nung una medyo naiilang pa ako sa kanya. Masyado kasing PDA. Laging nakaakbay, nakahawak ng kamay, o di naman kaya laging nakapalupot sa'kin ang braso. Naiilang ako kasi hindi naman ganun ka-PDA yung mga naging boyfriend ko at si Drake lang talaga ang bukod tanging ganoon. Siguro nga ay talagang nature na niya yun kaya sinasanay ko na rin yung sarili ko.

Ngayon, nandito kami ni Drake sa mall. Wala na naman kasi akong stocks sa condo ko.


"Here." nakangiting sabi pa nito sabay lagay sa pushcart ng anim na box ng fresh milk. Ang dami naman ata?

"Drake okay na yung tatlong box lang." I said pertaining to the milk. Masyadong madami yung anim. Hindi naman ako ganun kalakas uminom ng gatas.


"Kulang pa sa'kin to." napakunot ang noo ko. Kulang pa? Isinasabay nya na din bilin yung kanya?


"Okay." sagot ko nalang. Mas maganda nga na sabay na kami bumili ng stocks para naman makatipid kami sa oras.


Naglakad-lakad pa kami at naghanap ng mga kailangan namin. At natutuwa talaga ako kay Drake. Paano ba naman kasing hindi? Talagang binabasa pa nya bawat details sa lahat ng kinukuha nya at nilalagay sa pushcart. Sobrang mabusisi!


Nagpatuloy lang kami hanggang sa may bigla nalang tumawag kay Drake kaya naman napalingon kami doon.


"Drake!" at may lumapit sa amin na babaeng nakasuot ng fitted ripped jeans at white t-shirt. Sya yung babae sa cafe.

Napanganga ako ng bigla nalang iyon umangkla sa braso ni Drake!

"Bea." bati ni Drake sa babae at agad na tinanggal ang kamay sa braso nya bago alanganing tumingin sa akin.


Dapat lang. Alam na alam naman kasi nya na hindi ko gusto ang isang Beatrice Samson. Yes. I am very vocal to him on what I like and what I hate. Kinabukasan nun, nung maging kami ay sinabi ko sa kanya ang lahat ng ayaw at gusto ko. Okay hindi pala lahat. Basta sinabi ko sa kanya. At isa na dun itong babaeng nasa harapan namin.

Hindi naman sa punaghihigpitan ko na si Drake o anu pa man, nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Nasa sa kanya nalang yun kung lalayo ba sya sa mga bagay o tao na ayaw ko.

"Hi. Dito ka din pala namimili?" tanong pa nito at talaga namang kay Drake lang nakatingin.

"Uhm yeah." sagot lang nito at agad pang bumaling sa akin. "By the way Bea, this is Trisha, my girlfriend." pakilala nito at umakbay sa akin.

"Oh?" noon na lang napalingon ito sa akin, pero agad din nitong ibinalik kay Drake ang tingin.

Nako! Mukhang tama nga talaga yata yung sinasabi ni Rica na deads na deads itong Bea na'to sa boyfriend ko.

"Hi. I'm Beatrice Samson." pakilala nito sa sarili nya at nakipagkamay. Take note. Kay Drake pa rin ang tingin nya nung sinasabi nya yan. At kahit labag sa loob ko, inabot ko naman yung kamay nya, baka kasi sabihing ang suplada ko.

"Hi." I replied. Yes. Wala talagang Nice to meet you dahil wala namang ka-nice-nice doon.

"Sige. I'd have to go. May imi-meet pa kasi ako eh." agad itong tumalikod at hindi na kami hunintay pang magsalita ni Drake.

"Come on. Bayaran na natin ito." aya sa akin ni Drake at sya na din yung nagtulak ng pushcart papunta sa cashier.


-----



When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon