Trisha's
Catch my breath, no one can hold me back,
I ain't got time for that
Catch my breath, won't let them get me down,
It's all so simple nowNandito kami ngayon sa isang bar. Gig. Kumpleto sana kami ngayon kaya lang ay nasa ibang bansa si Luris ngayon kaya kami lang nila Alvin, Stan at Levi.
Nasa isang table naman si Drake kasama si Nate at mga hindi ko kilalang lalaki. Wala si Rica. Ewan, may inaaikaso daw sya.
Marami ding babae dito sa loob ng bar at halos lahat ay sa mga kasama kong lalaki lang dito sa stage nakatingin. Well, hindi ko naman sila masisisi. Talaga naman kasing may ibubuga sa itsura itong mga kasama ko plus talented pa!
Lumingon ako kay Levi, nakatingin sya sa isang sulok dito sa bar. Hindi ko na inalam kung sino ang tinitingnan nya. Lagi naman syang ganyan. Pa-suplado epek. At sanay na kami dun.
Catch my breath, no one can hold me back,
I ain't got time for that
Catch my breath, won't let them get me down,
It's all so simple nowMuli kong ibinalik kay Drake ang tingin ko, nakatitig siya sa akin habang hawak ang isang baso. Hindi ko na kailangang alamin kung ano ang laman non dahil sigurado akong alak iyon. Wala naman kasing nagbar na chuckie ang iniinom. Hayy
Pero halos maningkit ang mata ko sa nakita ko.
Ang pagkakaalam ko ay lalaki ang katabi nya kanina ah? Paanong nangyaring babae na ngayon?
Catch my breath, no one can hold me back,
I ain't got time for that
Catch my breath, won't let them get me down,
It's all so simple nowNang matapos ang kanta ay agad kaming nagpasalamat sa mga nanonood.
Si Levi naman ay agad nang sumibat. Nagmamadali, parang may hinahabol. Samantalang si Stan at Alvin naman ay nahila na nang mga babae sa di kalayuan.
Naglakad ako palapit sa nakatayo nang si Drake. Hindi ganoon kaliwanag ang ilaw dito pero kahit ganun, hindi mo talaga maipagkakailang nakagwapo ng lalaking ito. Grey V-neck shirt, denim pants at white rubber shoes lang suot nya, yet he still manage to look gorgeous.
Konting-konti nalang magkakalapit na kami ni Drake ng may bigla namang sumigaw.
"I LOVE YOU TRISHA McKEEL!!"
"WHAT THE HELL?!" galit na sigaw din ni Drake ng tuluyang makalapit ito sa akin. Agad ako nitong hinila para yakapin. "Damn!" at iginala pa nito yung paningin nya. "Sino yung sumigaw?"
Agad akong yumakap dito nang malaman kong hinahanap nya yung sumigaw kanina.
"Drake hayaan mo na." sanay naman na kasi ako sa mga ganon. Tuwing magp-perform kami ay lagi namang may sumisigaw ng mga ganun. Pero wala lang naman yun, nagandahan lang siguro sa pagkakakanta ko.
"Tss." yun lang ang sinabi nya at hinila na ako papunta kung nasaan sya kanina.
Wala na yung mga babae na nandoon kanina. Tanging si Nate, at yung dalawang lalaki nalang ang nandun.
"Men, this is Trisha, my girlfriend." Drake introduced me to the two men sitting beside Nate. "They are my gangmates." Baling ni Drake sa akin. Pagkasabi nun ni Drake ay agad na tumayo yung dalawang lalaki. "And... she's off limit." At iniakbay pa nito yung braso nya sa balikat ko. Possessive boyfriend! But I like it that way. Feeling ko kasi ay talagang mahal nya ako pag ganun.
BINABASA MO ANG
When I Fall
JugendliteraturHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...