Chapter 21

6 0 0
                                    

Trisha's

Anong ginagawa nya dito sa tabi ng girl's comfort room?

"Darwin. Nakalimutan mo na?" Dagdag nito nung nakitang nakatunghay lang ako sa kanya at di nagsalita. Nakakapagtaka naman kasing nandito sya eh nasa kabilang dulo yung cr ng boys. O masyado lang akong judgemental?


"N-Naku hindi." Sya yung lalaking tingin ng tingin kay Drake at sa akin kanina.


"Trisha McKeel right?" tanong nito at tamango ako. "By chance, do you know someone named Troy McKeel?" tanong nito at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na pantalon.


Aaminin ko, gwapo si Darwin. Pero hindi ko feel yung presence nya. Unlike Nate and Warren na palagay ang loob ko. Kay Darwin, hindi ako kumportable. May something sa kanya na hindi ko gusto but I can't tell what is it.


"Kapatid ko sya." I said. Kaibigan din kaya sya ni Kuya Troy?


"Oh?" his mouth formed a perfect O. Parang nagulat sa sinabi ko. "Really? May sin---"


"TRISHA!" mula sa balikat ni Darwin ay sinilip ko ang tumawag sa akin. Hanggang sa nakita ko si Drake na palapit sa amin. Medyo hindi na maayos ang paglalakad nito. Halatang lasing na. "Babe ang tagal mo." sabi nito nang makalapit sa amin at agad pa nitong ipinalibot ang braso sa balikat ko. Inamoy amoy din nito yung buhok ko.


"Drake." saway ko dito. Nakakahiya naman kay Darwin, dito pa kami sa harap nya naglampungan. Jusko.


"Oh Darwin?" baling nito sa nakamatang si Darwin sa amin. "Anong ginagawa mo dito?" bahagya pang lumingon si Drake sa likuran namin at napakunot ang noo nang makitang cr ng girls iyon. Ayun nga yung sinasabi ko kanina. Anong ginagawa nya dito?


"May tiningnan lang." sagot nito pero nasa'kin ang mga mata. Hindi ko talaga sya feel. "Sige. Mauuna na ako." agad itong tumalikod at naglakad palayo sa amin.


Bumalik din agad kami sa table kung nasaan yung mga kasama nya kanina. Pero wala na si Darwin doon ng bumalik kami.



Isang oras pa ding nakipagkwentuhan at inuman si Drake sa mga kaibigan nya bago ko siya niyayang umuwi.


Inalalayan ko sya sa paglalakad dahil talaga namang halos mabuwal na sya kanina nung nag-attempt syang maglakad mag-isa. Tumatawa tawa din sya habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. At ang mas weird pa don, he kept on saying 'don't leave me Trish.' I don't know what's with him at iniisip nyang iiwanan ko sya. Weird.


"Drake, where's your keys?" tanong ko nang makarating kami sa tapat ng kotse nya. Isinandal ko sya sa gilid ng kotse dahil nangangalay na yung balikat ko dahil sa bigat nya.


Pero nalaglag ang panga ko sa sunod nitong ginawa.


Hinila ako nito palapit sa kanya at agad na hinalikan. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya na nakapikit. Dahan-dahang gumagalaw ang mga labi nito sa labi ko. Nagyayaya. Nanghahalina. He cupped my face using his both hands at lalong idiniin yung mukha ko sa kanya. His lips were still moving against mine. Hindi ko alam kung ano nangyari at naramdaman ko nalang na sumasabay na sa paggalaw ng labi niya ang labi ko. Napapikit ako dahil sa sarap na dulot non.


Magkahalong alak at mint ang lasa non. At ngayon ko lang nalaman na masarap pala ang kombinasyon na iyon. Mas masarap lalo pa't nasa bibig ni Drake. Shit. Naramdaman kong ngumisi si Drake sa pagitan ng halikan namin. Lalo akong hinapit nito palapit sa kanya kaya naman automatic na napakapit ang kamay ko sa balikat nito. Hinahagod-hagod ng isang kamay nito ang likod ko. Pataas. Pababa.


When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon