Chapter 7

27 2 0
                                    

Trisha's POV

*Ding dong*


Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at agad na tinungo ang pinto ng may marinig akong magdoorbell.

Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang Drake Saavedra na naka white t-shirt at denim pants.

"What?" I asked

Naiinis ako sa kanya. Hindi nya man lang ako hinayaang magsalita kanina sa harap ni Mrs. Lopez. At nung humingi ako ng oras kay Mrs. Lopez para kausapin ito ay agad pang sumingit si Drake at sinabing hindi daw sya sasali kung hindi ako sasama. Nakakainis.

Natawa ito sa reaksyon ko. "Ang sungit mo. Oh." sabay abot sa akin ng isang makapal na libro. "I already high lighted the important topics that we need to review there." sabi nito pagkaabot ko ng libro.

"Okay." sabi ko at akmang isasara na ang pinto ng iharang nito ang kamay nya para hindi ito tuluyang sumara.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong nito

"At bakit naman kita papapasukin?" pagtataray ko dito

"Sungit talaga."

Bumulong ito bago tumalikod at pumasok sa unit nya. Ano daw?

Napailing nalang ako at agad na pumasok ulit sa loob ng unit ko. Inilapag ko ang libro sa center table dito sa sala. Bukas ko nalang siguro iyon titingnan.

Naupo ako sa couch at kinuha ang laptop ko na nakapatong din sa table and start opening my facebook account.

56 friend request

13 messages

71 notifications

Inuna kong tingnan ang mga request. Hindi ko naman kilala yung iba sa nag-add sa akin kaya hindi ko din kinonfirm. Siguro ay nasa sampu lang ang inaccept ko.

Sinunod kong buksan ang notif at nakitang puro game request lang iyon at ang iba naman ay likes at comments lang sa mga status ko.

Huli kong tiningnan ang messages. Puro hi at hello sa mga di ko kakilala. Si kuya Troy lang ata ang kilala ko sa messages.



Troy McKeel: How are you Trish? We miss you.

10 minutes ago

Agad kong tiningnan ang chat box at nakitang nakaonline si kuya.


Trisha McKeel: I'm fine kuya. I miss you too. And also mom and dad. Kamusta kayo dyan?

Agad namang nagreply si Kuya.

Troy McKeel: Okay kami dito. How's your studies?

Si kuya ang kasama nila mommy at daddy sa U.S. He's 2 years older than me, same age as Drake and Nate. And speaking of them, kaibigan sila ng kuya ko.

Rereplyan ko na sana si kuya ng biglang tumunog ang cellphone ko. I look at the caller at nikitang si Mike ang tumatawag.

Agad na kumabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Bakit sya tumatawag? Matagal kong tinitigan ang cellphone ko hanggang sa naputol ang tawag at naging miss call.

I sighed and start typing a message.

Trisha McKeel: Okay naman kuya.

Troy McKeel: Good.

Nagulat ako ng magring ulit ang cellphone ko.

It's Mike again.

I know. Hindi ito titigil hanggang hindi ko sinasagot ang tawag nya.

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon