Trisha's PoV
♪♪Wala na ang dating tamis
At sa tingin ko'y di ko na maibabalikBakit di ko maaming wala na
Ang dating damdamin
Hindi na ganun
At hindi ko na kayang pilitin
Na muli mong angkinin
Hindi na gan---"Oh." Rica said while handling me a pineapple juice in can and a chicken sandwich.
Napatigil ako sa pagstrum ng gitara ko at pagkanta.
"Thanks." tipid na sabi ko at inabot ang binibigay nito.
"Anong thanks? May bayad yan oy! Ililista ko nalang muna." hindi ko na pinansin ang biro nito at itinabi ang gitara sa gilid ko at nagsimulang kumain. "Hmp!" irap nito nang hindi ko pinansin at padabog na umupo sa damuhan sa tabi ko. "Ikaw Trish ha! Nagiging habit mo na yang pang-i-snob sa akin ha."
Nandito kami ngayon sa mini garden ng university. Maganda dito. Malilim at sariwa ang hangin dahil puro puno at halaman ang nakapalibot dito.
Nilingon ko ito pagkatapos kong lunukin ang kinagat kong sandwich. "Ano bang gusto mong sabihin ko sayo?" mahinahon na tanong oko dito.
"Uh?" tumingin ito sa taas na para bang nag-iisip "Maganda ako?" patanong na sagot nito.
"Okay lang yan. Libre mangarap." pang-aasar ko dito at mahinang tumawa.
"Aagh Trish naman eh!"
"Oh bakit?"
"Ikaw ha! Ganyan ka na simula ng nagbreak kayo ni Mi---" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang makita akong nakayuko. "S-Sorry Trish." nag-aalalang sambit nito.
Nilingon ko ito at pilit na nginitian. "Okay lang." tumayo ako at pinagpagan ang paldang suot ko. Naglakad ako papunta sa malapit na basurahan at itinapon ang pinagkainan ko. Nang makabalik ako kung nasaan kami kanina ay agad kong dinampot ang gitara ko na nasa damuhan. "Una na ko." paalam ko kay Rica at naglakad palayo.
Hangga't maaari ay ayaw ko munang pag-usapan si Mike. Nasasaktan pa rin ako tuwing makakarinig ako ng tungkol sa kanya.
Hindi madaling magmove on. Lalo na pagmahal mo talaga. Pero sa kaso namin ni Mike ay kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na kami pwede.
Mahal mo pa diba?
Oo. Aminado akong mahal ko pa rin si Mike. Mahal na mahal. Pero ayokong magpakatanga. Ako kasi yung tipo ng babae na kapag niloko ay wala ka nang babalikan.
Matigas ba? Hindi. Bakit kapag ba binalikan mo yung taong nanloko sayo ay makakasigurado kang hindi ka na ulit nya lolokohin? Hindi diba? Kaya mas pipiliin ko nang masaktan ngayon kaysa magpaloko ulit.
Nasa tapat na ako ng locker ko kaya naman binuksan ko ito at inilagay ang gitara ko doon.
Kinuha ko ang libro ko para sa susunod na subject ng di sinasadya na malaglag ang isang note pad doon. It's a yellow green note pad.
Pinulot ko ito at ibinalik sa lalagyan.
Mahilig akong maglagay ng note kung saan-saan para di ko nakakalimutan ang mga dapat kong gawin.
"Pare pakopya sa quiz mamaya ha. Di ako nakapagreview kagabi eh."
"Tss."
Quiz? Oo nga pala may quiz kami mamaya sa Chem.
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon. At nakitang si Seth at Drake iyon.
And speaking of Drake, I haven't say thank you to him for saving me last night from Mike.
I sighed.
Ibinalik ko ang tingin ko sa note pad na hawak ko. Eh kung bigyan ko nalang kaya sya ng note? Napangiti ako sa isiping iyon.
Kinuha ko ang ballpen sa locker at agad na nagsulat.
Thank you for saving me last night.
Itinupi ko sa gitna ang papel pagkatapos kong isulat iyon. Ihuhulog ko nalang to sa locker nya. Ayaw ko rin kasing lumalapit kay Drake. Gangster kasi si Drake, kagaya ni Nate. And for once and for most he's the freaking leader.
Kinuha ko ang libro ko habang hawak pa din ang note.
Nagsimula akong maglakad papunta sa locker nya. Hindi naman ito malayo sa locker ko kaya di ako natagalan sa pagpunta dito. Nang nasa tapat na ako nito ay tumingin muna ako sa paligid. Wala naman gaanong estudyante dito kaya agad kong isiningit sa taas ng locker nya iyon at hinulog.
---
Nandito ako sa mall ngayon. Well, hindi dumating yung Prof namin kanina kaya hindi natuloy ang quiz. Wala na kaming klase pagkatapos non kaya naisipan ko nalang magmall tutal ay maaga pa naman para umuwi.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa loob ng coffee shop sa loob ng mall habang hinihintay ang inorder ko.
"Here's your order ma'am." napalingon ako sa waiter na naglapag ng isang slice ng chocolate cake sa table ko at ice coffee.
"Thanks." pagkasabi ko nun ay agad itong tumalikod at umalis.
Agad kong inabot ang tinidor at tinikman ang cake. Napangiti pa ako pagkatapos ko itong lunukin. Ang sarap!
"Guys si Trisha yun diba?"
"Oo nga noh!"
"Eh bakit mag-isa lang sya?"
"Where's Mike?"
"Ang alam ko break na sila eh."
"Grabe ang ganda talaga ni ate Trish!"
"Kung ako kay Mike di ko na pakakawalan yan!"
"Oh bro ba't tahimik ka?"
"Ano ka ba kuya Mark, crush nya si ate Trisha!"
Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang mga iyon. And there I saw three girls and four boys na nakawpwesto sa dalawang table na pinagtabi. Base sa uniform nila ay sa Garfinn university din sila nag-aaral.
Nag-iwas sila ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kanila.
"Narinig ata tayo."
"Ang ingay kasi nito eh!"
"Oh bakit ako?!"
Hindi ko nalang sila pinansin at itinuon nalang ulit sa pagkain ang atensyon.
Nangangalahati na ako sa cake ng may biglang magsalita sa gilid ko.
"Miss can I take a seat here? Wala na kasing bakanteng table eh."
Napataas ang tingin ko sa lalaki at saka inilibot ang tingin sa loob ng coffee shop. All tables are occuppied.
"Sure." I said
"Thanks." sabi nito at umupo sa katapat na upuan ko. Pagkaupo nito ay agad na ininom ang nasa basong dala nito. "By the way I'm Luris Chen. And you are?"
"Did I asked for your name?"
"Nope. But I want you to know my name. And I want to know your name." nakangiting sabi nito.
"For what?" I asked
"I just want a friend. Para naman may kakilala na rin ako pagpasok ko bukas sa Garfinn."
"You're going to Garfinn?"
"Yes. I'm going to transfer there." nakangiting tugon nito. "Now, may I know your name?"
"Trish. Trisha McKeel."
*******

BINABASA MO ANG
When I Fall
Teen FictionHave you ever experienced being cheated by your boyfriend? If not. Well I am. Not once, not twice but thrice. Hindi ako malanding babae, sadyang ipinanganak lang siguro ako para lokohin. Madali akong umibig. Noon. Pero ngayon, I've learned my lesson...