Chapter 8

26 1 0
                                    

Trisha's POV



Ang gusto ko sana ngayong gabi ay mapag-isa. Gusto ko ng tahimik na gabi para makapag-isip-isip. Gusto ko ng magmove-on kay Mike. Ayoko nang maging bitter. Ayoko ng pakiramdam ng para bang laging galit sa mundo. Pero dahil sa magaling kong bestfriend na si Rica at sa siraulong boyfriend nyang si Nate ay eto, ang ingay sa unit ko. Ang ingay ng gabi ko. Not to mention na nagsama pa sila ng isang retard sa ngalan ni Drake Saavedra.

"Baby see? They look cute together right?"

"Yes. Awesome."

"Bakit di nalang kaya kayong dalawa ang maging magboyfriend at girlfriend? Tutal wala naman nang balak balikan ni Trish si Mike at wala din naman ikaw girlfriend Drake. Ano sa tingin mo?" dire-diretsong sabi ni Rica kay Drake.

Iyan ang sinasabi ko. Kanina pa sila ganyang dalawa ni Nate. Halos silang dalawa na nga lang uminom ng beer na pinadeliver nila e.

At ang mas kinaiinis ko ay ang mga pinagsasasabi nitong katabi ko. Akala mo naman close kami. Tsk

"Okay lang sa akin yun. Ano payag ka ba?" baling ni Drake sa akin sabay ngisi at patong ng kamay sa balikat ko.



See? Feeling close.


Padabog ko itong tinanggal. "Tigilan mo nga ako Saavedra!" inis na sabi ko dito

"Aww baby! Nag-aaway ang new couple." pang-aasar ni Rica habang nakaturo sa amin kaya bumaling ako dito.

"At ikaw babae ka! Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong palabasin kita ng unit ko!"

"Ayy galit nga. Eh bagay naman kasi talaga kay---"

"EWAN KO SAYO!!!" inis na sigaw ko dito sabay tayo mula sa pagkakaupo at nagpunta sa kusina.



Ang kulit ni Rica.



Pagkadating na pagkadating ko sa kusina ay agad akong nagtungo sa refrigerator. Binuksan ko iyon at agad na kumuha ng isang bote ng mineral water. Dire-diretso kong ininum iyon hanggang sa maubos ang laman.

Naiinis ako kay Rica. Bakit sya ganon?

Ano bang ikinagagalit mo dyan Trish?

Sinabi ko bang galit ako? Bakit naman ako magagalit? Dahil binubugaw ako ni Rica kay Drake? Si Drake na sinasang-ayunan pa ang kabaliwan ni Rica? O si Nate na tatawa-tawa lang?

I sighed.


Lasing lang sila. Lasing si Rica. Lasing si Nate. At lasing si Drake.

I put the empty bottled water in the sink and rested my back on the refrigerator beside it.

I closed my eyes. Bakit ba masyado kong siniseryoso ang mga pinagsasabi ni Rica? Ganoon na ba ako kasensitive para di i-consider na lasing lang sila kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi nila?

Binuksan ko ang mga mata ko ng may naramdaman akong ibang presensiya dito sa kusina. At di nga ako nagkamali. Hindi ako nag-iisa dito. Nandito din si Drake. At hindi lang siya nandito, he is freaking standing right in front of me.



"W-What are you doing here?" I stuttered.

He take a step forward kaya naman ngayon ay magkalapit na kami.

"What are you doing here?" he asked back. Nakakatanga din palang kausap itong isang to. Palagi nyang inuulit ang tanong ko. Is that his hobby? Well, hindi nakakatuwa. "Ayaw mo ba doon sa living room? Masaya don." he added.

Yeah right! Masaya nga. Note the sarcasm here.

"Bakit umalis ka don?" I asked instead. He just shrugged his shoulders. At humakbang pa palapit sa akin kaya naman halos hindi na ako makahinga dahil halos magdikit na ang mukha namin sa sobrang lapit. Then he grin. Nakakailang naman!


When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon