Chapter 5

26 2 0
                                    

Trisha's POV

After that weird lunch ay napagkasunduan na din namin nila Rica, Nate at Warren na bumalik ng room. Hindi pa rin tumigil si Warren nun sa pangungulit sa akin na idinadaan ko nalang sa ngiti.

Ngayon nga ay halos mag-aalas otso na ng gabi at ngayon pa lang ako uuwi dahil sa pinaiwan ako ni Professor Samson kanina para tapusin yung mga papers na pinapagawa nya sa akin. May kalabuan na kasi ang mata nun kaya hindi na din minsan makayanan ang magtype sa computer dahil daw sumasakit ang mata.

Naglalakad ako ngayon papunta sa parking lot, gusto ko ng umwi. Sumasakit kasi ang likod ko. Nangawit siguro kanina.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone. I took it out off my bag.

From Mike:
          Trish, I'm sorry. I still love you. Please forgive me.

Si  Mike. Lagi sya nagtetext ng ganyan after the incident between me, him and Drake.

Gusto ko sanang magreply ng mahal pa rin kita Mike dahil iyon ang nararamdaman ko kaso lang ay wala akong lakas ng loob para sumugal ulit.

Ibinalik ko nalang ulit sa bulsa ko ang cellphone at nagsimulang maglakad.

Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa parking lot at agad na sumakay sa driver seat ng kotse ko.

I started the engine of my car at agad na tinahak ang daan palabas ng university.

Sabi nung president kanina ng student counsil ay magkakaroon daw next week ng activities ang school, hindi ko lang masyado naintindihan dahil bigla nalang ako tinawag ni Prof Samson kanina.

Napahinto ako sa pagdadrive ng biglang magkulay pula ang ilaw dito sa highway. Lumingon lingon ako sa paligid dahil nakaugalian ko na itong gawin sa tuwing magkukulay red and streetlight. Hindi naman sinasadya na mahagip ng mata ko ang isang itim na kotse na bukas ang bintana. Mula dito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang babaeng nakakandong sa lalaki na nakaupo sa driver seat. They are hungrily kissing each other. Ano ba yan? Hindi ko na sana sila papansinin ng biglang mag-angat ng tingin yung babae. Nagulat pa ako ng makilala kung sino iyon. Nicole Chua.

Hindi ko alam, pero parang kinabahan ako. Parang natatakot akong malaman kung sino yung lalaki.

Umalis ito sa kandungan ng lalaki at umupo ulit sa passenger seat. Tiningnan ko ang ilaw at nakitang kulay berde na iyon. Bago ko patakbuhin ang sasakyan ko ay sumulyap pa akong muli sa kotse kanina na sana ay hindi ko nalang ginawa. Si Mike yung lalaking kahalikan ni Nicole.

Itinuon ko nalang sa daan ang atensyon ko and I continue driving. Masakit pala talaga kahit ilang beses mo nang makitang may kahalikan syang iba. Damn you Mike! Bakit ba lagi mo nalang ako sinasaktan?

Trish, I'm sorry. I still love you. Please forgive me.


Para saan yang text na yan? Para paasahin ako? Napakagaling mo Mike! Napakagaling mo!

Naramdaman ko na unti-unti ng tumutulo ang luha ko. Marahas ko itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

Sa halip na tahakin ko ang daan pauwi ng condo ay tinahak ko ang daan papunta sa isang sikat na bar.

I'd rather drink than to isolate myself alone in that freaking condo unit.

It didn't take long for me to reach the bar. I immediately park my car and get off.

Agad akong pumasok sa bar at nagdiretso sa bar counter.

"Hard drinks." agad na sabi ko sa lalaking barista pagkaupo ko. Ngumiti ito bago ibigay sa akin ang isang baso ng alak.

Pagkababang-pagkababa pa lamang nito ay agad ko itong ininom. "One more please." I demanded.

Mike is really a jerk. Paano nya ako nagawa pang itext ng ganoon kung kasama naman pala nya si Nicole? Ano bang gusto nya mangyari? Oo mahal ko pa siya, hindi naman kasi ganoon kadali mawala itong nararamdaman ko sa kanya. Pero sana naman ay tulungan nya akong mag-move on.

Bakit alam ba nya na makikita mo syang may kahalikan?

Kahit na! Doesn't he know the word respect? Sana naman ay naghintay muna sya ng konting panahon bago nya itinuloy ang kung anong mayroon sila ni Nicole.

Nakakainis!


Hindi ko na namalayang nakakarami na pala ako ng naiinom. Well, mabuti nga iyon para kahit papano ay makalimot ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpunta sa dance floor. Nakisiksik ako sa mga taong nagsasayawan doon.

Nagsimula akong gumiling sa ritmo ng musika. I closed my eyes at dinama ang musikang aking naririnig.

Sa pagmulat ng mata ko ay tumambad sa paningin ko ang isang lalaki at babae na naghahalikan. Na naman? Ilang beses ba ngayong araw ako dapat makakita nang ganito?

Isa?

Dalawa?


O baka naman tatlo?

Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba tong naiisip ko?

Muli ay ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula ulit sumayaw.

Nakakatawang isipin na eto ako ngayon, naglalasing, nagpapakagaga ng dahil sa kanya. Samantalang sya.ay mukhang gustong gusto ang mga pinaggagawa nila ni Nicole.

Napatawa ako ng mahina dahil sa naisip kong iyon. Tangna lang!

Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya naman agad akong napamulat. At sa pagmulat kong iyon ay isang hindi inaasahang lalaki ang nakita ko.

I smiled at him. Kumunot lang ang noo nya sa ginawa kong pagngiti sa kanya. Kaya natawa ako. Ang gwapo nya pag ginagawa nya iyon.

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok nito at nagsalita. "It's you again." nakangiting sabi ko at mabagal na hinaplos ang pisngi nito.

"You're drunk. Let's go. Iuuwi na kita." sabi nito at marahan akong hinila.

"No! Ayokong umuwi!" I said

"Come on Trish. You're wasted!"

I'm wasted? "Yeah. I am." sabi ko at ngumiti ulit. Medyo pumipikit pikit na rin ang mata ko. Ganun ba kadami ang nainom ko?

"Iuuwi na kita." sabi pa nito

"Wait! Let's dance first. After this, uuwi na ko." wala na itong nagawa kundi ang samahan akong sumayaw. At sakto namang nag-iba ang tugtog.

When you're feeling lost in the
night,
When you feel your world just ain't
right
Call on me, I will be waiting
Count on me, I will be there

I put my hands around his nape and we started to sway our body.


Anytime the times get too tough,
Anytime your best ain't enough
I'll be the one to make it better,
I'll be there to protect you,
See you through,
I'll be there and there is nothing
I won't do

I just stared at his eyes. Ganun din naman ang ginawa nya.

Nakakaakit ang ginagawa nyang pagtitig sa akin. Pakiramdam ko ay hinahatak ako palapit sa kanya ng mga tinging iyon.

And I don't know what happened to me. Nakita ko nalang ang sarili ko na hinahalikan ang lalaking kaharap ko.


*******

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon