Chapter 13- Misinterpret

4.2K 61 7
                                    

Mom and dad's biggest fight is still clear in my memory. The estate was facing a crisis because of market saturation, and dad wants to sell the land in Isla Novena for us to recover from our continuous debt, but mom doesn't want to because there are a lot of people living there that can be affected.

Mabilis ang paglubog noon ng estate pero nagmatigas si mom na hindi niya gustong pumayag. Kaharap kami noong sinabi niya na iiwan niya si dad at isasama kami kapag ibinenta niya ang lupain.

We know how hard the situation is for both of them. Dad wants to save not only the company but also us, his family. Alam niya ang naging hirap nila lolo at ang mga sinundan nilang henerasyon para mapalago ang estate.

Samantalang ayaw naman ni mom na maraming pamilya ang magdusa. Para sa kaniya makakapamuhay naman kami ng simple at makakaahon basta sama-sama kami. He understands dad's side, but ayaw niyang lumaki kami dala ang patuloy na karangyaan dahil marami kaming tao na tinapakan.

Until one day, we found out that mom was pregnant. She was pregnant with our guardian angel, Miracle.

Masaya kami noon, pero dala namin ang bigat ng sitwasyon. When mom announced it in front of us, I could see in her eyes that her mind was so disturbed. Habang lumalaki ako napagtanto ko na marahil ay iniisip niya na mas magpupumilit si dad na ibenta ang lupain, natatakot siya dahil buhay na ang pinag-uusapan.

Pero hindi ganoon ang nangyari.

Dad suddenly kneeled in front of mom and asked for forgiveness. Hindi lang kay mom kung hindi maging sa amin din na magkakapatid kahit na wala naman talaga siyang kasalanan at iniisip lang ang kabutihan namin.

They forgave each other, and the family's relationship became even stronger.

Despite uncertainties, dad tried every solution he could think of to save the estate from losing. Wala akong ideya kung paano niya nagawa, pero ilang buwan matapos nilang magkaayos ni mom ay unti-unti rin na naibalik sa dating estado ang lagay ng Estate at mas lalo pa itong umunlad.

Sa pagkakatanda ko nalaman ng mga magulang ni Isabella ang lagay noon ng kumpanya kaya nag-offer sila ng tulong. They bought the 100-square-mile land of Isla Novena letting the people living there stay in their homes.

Throughout my relationship with Duke, I made my parents my greatest inspiration. They face uncountable challenges, but they didn't let them take them apart.

Palaging may takot sa puso ko noon dahil ayoko na mawala si Duke sa buhay ko. I've been with him half of my life, and I'm scared to lose him. I did everything I could to make our relationship strong and build a firm foundation, but he still managed to break it.

Ganoon pala talaga ano? Kahit anong gawin mong hawak sa isang tao, kahit anong higpit ng kapit mo, kapag gusto nilang bumitaw, hindi mo sila mapipigilan.

"May I have a dance too?" He looked at me intently.

Narinig ko ang pagtikhim ni Rupert kaya bigla akong natauhan.

"Do you want to dance with him?" Tanong niya at nakipagsukatan ng tingin kay Duke.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko na nakuha na namin ang atensyon ng mga tao.

I held Rupert's arm. Napalingon siya sa akin.

"It's alright, Rupe. I can manage." He scrutinized my eyes before taking a deep breath and nodding.

"I'm just at our table." Tumango ako bago siya naglakad paalis ng dance floor.

Ibinalik ko ang tingin kay Duke na malalamig pa rin ang mga mata.

Nauna niyang kuhanin ang kamay ko.

A field of electricity ran through my body when he touched me.

I can smell his perfume, which makes him more attractive. Paborito kong past time noon ang pag-cuddle niya at pag-amoy ko sa kaniya.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon