Chapter 31- Care

4.4K 59 5
                                    

"Why are you here?" Biglang nawala ang antok ko nang makita ko si Duke na pumasok sa kuwarto ko dala ang isang tray.
 
He roamed his eyes around my room. 
 
Hindi niya ako sinagot bagkus ay inilagay ang tray sa side table. Nakita ko ang lugaw at ilang gamot, gayon na rin ang tea at tubig.
 
Tiningnan niya ang daisy na inilapag ko roon bago maupo sa gilid ng kama at pagmasdan ako.
 
 "Kumain ka muna para makainom ng  gamot bago ka matulog." Napansin ko na hindi siya nagpalit ng damit. Iyon pa rin ang suot niya mula kanina.
 
Hindi ba siya bumalik ng hotel?
 
Inayos ko ang comforter ko para makaupo, pero naging maagap siya para maalalayan ako. 
 
Kumuha siya ng isang unan at nilagay sa likuran ko para hindi ako mahirapan na sumandal.
 
Napatitig ako sa mga mata niya nang ilagay niya ang palad sa noo ko para pakiramdaman ang lagnat ko.
 
"You have a high fever, do you want us to go to the hospital?" He fixed the strand of my hair and the comforter in my lap.
 
Umiling ako.
 
"Hindi na, iinom na lang ako ng gamot," paos at nanghihina na ang boses ko.
 
Paano niya nalaman na may sakit ako?
 
He watched me carefully before nodding and removing his shoes.
 
Duke knows I don't like going to hospitals. It reminds me of losing my parents and Mira.
 
Kinuha niya ang bowl ng lugaw at kutsara bago umayos ng upo sa tabi ko.
 
Doon ko lang napansin na medyo basa pala ang buhok niya.
 
He's wearing a black t-shirt that's why it's hard to see if it's also wet.
 
Umuulan sa labas.
 
Hinawakan ko ang manggas niya.
 
"Basa ka, Duke," mula sa manggas ay ibinaba ko ang kamay ko sa dibdib hanggang torso niya. Basa rin hanggang doon.
 
"Naulanan lang ng bahagya," mabilis na kumunot ang noo ko.
 
"Bakit hindi ka pa nagpalit?" Napatitig siya sa lugaw na sa palagay ko ay niluto rin ng kasambahay namin para sa akin.
 
Sinundan ba niya ako rito?
 
"Take a quick bath. Magpalit ka muna." I have a few oversized t-shirts na kakasya sa kaniya.
 
"Magpapalit na lang muna ako. Mamaya na ako maliligo." Ibinalik niya ang bowl sa side table at tumayo para magpunta ng closet ko.
 
I watched him as he removed his shirt and opened my closet. 
 
Duke's body is muscly. It becomes more mature and manly. Naramdaman ko rin kanina na naging sobrang toned ang mga abs niya. 
 
He took my green t-shirt and wore it. Hapit lang iyon sa katawan niya kahit na oversized na sa akin. Nakita ko na kumuha rin siya ng medyas bago isara ang closet ko.
 
Nagtama ang mga mata namin paglingon niya. 
 
My shirt fits him perfectly. Kahit ano talaga ang isuot niya nadadala ng katawan niya.
 
He sat down near my feet. Tinanggal niya ang pagkakatabing ng comforter sa paa ko.
 
I felt the coldness on my feet, but he cupped them using his hands. 
 
Nagbigay init sa mga paa ko ang mainit niyang palad.
 
He did that for a moment before wearing the socks to me. I want to tell him don't. I want to tell him to keep his hands on my feet more, but I stop myself.
 
Inayos niya ang pagkakakumot ng comforter bago bumalik sa tabi ko.
 
Inabot niyang muli ang bowl ng lugaw.
 
He took a spoonful of porridge and blew it.
 
Palagi siyang nasa tabi ko noon kapag nagkakasakit ako. Ngayon na wala na kami, siya pa rin pala ang magiging kasama ko.
 
He put the spoon in my mouth after blowing it.
 
Napatitig ako sa kutsara. Earlier, when I entered my room, I felt so lonely. Now that he's here, I suddenly don't.
 
Ever since, his presence has been enough for me not to feel alone. I never feel alone when I know he's just there. 
 
I looked into his eyes. Inside those beauty is the anxiousness that keeps bothering his thoughts.
 
Katulad ko ay alam ko na marami rin siyang iniisip ngayon.
 
I open my mouth and eat the porridge on the spoon. 
 
Mas lumala ang sakit ng lalamunan ko. I looked at Duke when he was about to spoon another one.
 
"I-it's a bit salty," napataas siya nang tingin.
 
Sumandok siya ng lugaw at tinikman din iyon.
 
"I'll add water," kinuha niya ang baso ng tubig at nilagyan ng kaunti ang lugaw.
 
Muli niya iyong tinikman at ibinalik ang tubig nang makuha ang hinahanap na lasa.
 
Ipinag-ihip niya ulit ako at sinubuan.
 
"Ayos na ang lasa?" Tumango ako.
 
He knows my taste so well. Madalas kasi niya ako noon na ipagluto kapag may free time siya.
 
Tahimik niya na ipinagpatuloy ako na subuan. I'm eating slowly because my throat hurts.
 
Kapag nalaman ni Jesian na nagkasakit ako sigurado na makakatanggap na naman ako ng sermon. Ganoon na rin sa iba pa naming mga kapatid.
 
"How long?" He stopped midway blowing the porridge.
 
I feel comfortable right now asking him questions. Since I just really want to know a few things that are on my mind.
 
Mas kalmado ako ngayon. Mas bukas ang isip ko.
 
"How long have you and Patrice been seeing each other before I caught you?" Napatitig siya sa mga mata ko.
 
He looks calmer now too. Para ba na pareho na kaming pagod sa paulit-ulit na away.
 
Muli niya akong sinubuan. 
 
Umiling na ako.
 
"I'm full, Duke." Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya akong sagutin.
 
"Last one, Yanna." Nakipagtitigan siya sa akin. 
 
Napabuntong hininga ako at hindi na nakipagtalo. Sinubo ko na ang huling kutsara ng lugaw. 
 
Ibinalik niya ang kutsara sa mangkok at pinunasan ang gilid ng labi ko. His cold fingers give shivers to my hot body.
 
He put the bowl back on the tray and got me medicine.
 
Ibinigay niya sa akin ang tubig para mainom ko ang gamot at sumunod ang tea ko para makatulog ng maayos.
 
Mainit pa ang tea kaya maingat niya iyong ibinigay sa akin. I put the cup plate on my lap and sip a little of the tea.
 
"We never see each other. Hindi naging kami," kalmado niyang sinabi. 
 
I put down the cup and looked at him. Naka-pokus na ang mga mata niya sa akin.
 
"Some of our colleagues have seen you together, Duke. Are they lying?" Gumalaw ang mga panga niya.
 
His stares became deep and void.
 
"They're not," he answered sincerely.
 
I waited to see if he would add more but didn't.
 
Tumango ako. 
 
"How did you like her? Anong nagustuhan mo sa kaniya?" My hands shake even more.
 
Masakit pala talaga kapag nangagaling mismo sayo ang mga tanong na pinipilit mong takasan.
 
Sobrang dami kong tanong pero pinipili ko lang muna ang hindi masiyadong dudurog sa akin.
 
"Wala. I have never liked her, Yanna. You're the only woman I love. Ikaw lang ang laman ng puso ko," pinagmasdan ko siyang mabuti pero purong sinseridad lang ang nakikita ko sa mga mata niya.
 
My stomach was like a field of butterflies before whenever he told me how much he loved me.
 
That feeling gives me so much validation, sweetness, and excitement. I feel like floating in the air. I feel so much loved, but right now, all I can feel is sadness and pain.
 
"You said you didn't cheat, but why do you keep entertaining her? Why do you still have communication, Duke?" Hinawakan niya ang binti ko at lumapit pa sa akin ng kaunti.
 
"I just don't want things to get worse," kinagat ko ang labi ko. He caressed my leg to calm me down.
 
He succeeded.
 
"Why do you want to enter my life again? What's your purpose in telling me that you love me?" I asked more.
 
"You know the reason why, Yanna," kinuha niya sa kamay ko ang tea na hindi ko na nagawang mainom.
 
Oo alam ko, pero gusto ko na manggaling mismo sa kaniya.
 
Diretso niya akong tiningnan sa mga mata.
 
"I want you back," I bit my lip to hold back the threatening tears that could fall at any moment as he took my hands and buried his face in my legs.
 
"Bakit? Dahil ba nakokonsensya ka?" Mapait kong tanong.
 
Naramdaman ko ang sunod-sunod niyang pag-iling sa mga binti ko.
 
"I don't have any reason to feel guilty. My love for you is always from my heart. It's pure, it didn't come from conscience or guilt," I raised my hand to touch his head, but I wasn't able to continue. There's something in me that's stopping me.
 
"Then why is Patrice in your condo that day? Why are you both naked? D-did something happen?" Bawat tanong ko ay parang pagpiga sa puso ko.
 
I washed away the tears that escaped from my eyes.
 
Nagtaas siya ng tingin. Namumula na rin ang mga mata niya.
 
"I-I," humigpit ang kapit niya sa kamay ko.
 
"Nothing happened," tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinunasan ang mga luha ko na patuloy na sa pagpatak.
 
"Why don't you believe me, Yanna? Ganoon ba ako kahirap paniwalaan?" Inayos ko ang pagkakasandal ko sa headboard ng kama at tumingala.
 
Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko.
 
"H-hindi ko na alam, Duke." 
 
Damn tears. Ayaw magpaawat sa pagpatak. 
 
Sandali kaming natahimik.
 
This is one of the reasons why I want to take things slowly. Why do I want to take things one at a time.
 
Sobrang sakit.
 
Nakakadurog.
 
I never thought that loving Duke could give me this pain. 
 
Sa isang iglap nabago ang lahat, nawala ang maraming bagay at gumuho ang mga pangarap ko para sa aming dalawa.
 
Kalaban ko ang sarili ko sa tanong niya kung bakit hindi ko siya mapaniwalaan. Gusto ko man na subukan hindi ko alam kung paano.
 
Trust is a very sensitive topic for me, not only because of my fears but also because of my insecurities. Kahit noong wala pa si Duke sa buhay ko, hirap na ako na magtiwala. Ayokong makaramdam ng paulit-ulit na sakit, kaya gusto ko na kapag nagbigay ako ng tiwala ko sigurado ako.
 
Duke easily gained my trust, he's the only person who did that, that's why it's so hard for me now to believe him. To trust him.
 
Kailangan ko na kalabanin ang sarili ko para magawa iyon.
 
"Yanna," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para paharapin ako sa kaniya.
 
He wiped my tears with his thumb.
 
"Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, puwede ba? Just give me a chance to fix us. Hindi ko kaya na mabuhay ng ganito. It's killing me to see you in pain because of me," hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko kung saan pumatak ang mga luha ko.
 
"Alam ko na mahirap, pero gagawin ko ang lahat para maging magaan. I will give my everything so that the pain in your heart will be healed. Hinintay kita dahil gusto ko na humingi ng pagkakataon, pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataon," patuloy siya sa pagpunas ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko.
 
Ang pagkakataon na hinihingi niya, alam ko at alam niya na puwedeng magbukas pa ng mas malalim na sugat.
 
"K-kapag hindi ako nagtagumpay, a-ako na mismo ang lalayo." Hindi ko na napigilan na mapahikbi. 
 
All I can see is darkness in the thought that he will totally leave my life, katulad nang nagdaang taon kung paano ako nabuhay sa dilim dahil wala ang kulay niya sa buhay ko. 
 
From that moment on, I knew my answer.
 
"Don't cry please, love. Lalong sasasama ang pakiramdam mo," pinagdikit niya ang mga noo namin at tuluyan akong niyakap.
 
Like what he said, my head is throbbing in pain because of the tears I couldn't control.
 
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. His scent that I miss so much lingers in my nose. Ang pinaka-paborito kong tagpo kung saan yayakapin niya ako at hahagurin ang likuran ko para pakalmahin.
 
He gives me small kisses on my temple. Ensuring that my feelings will get lighter.
 
"I want to sleep, Duke. I'm tired." Pinakawalan niya ako at hinarap sa kaniya.
 
"Nandito lang ako." Tinulungan niya ako na humiga. Siya na rin ng nag-ayos ng unan at kumot ko.
 
Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makaayos ako ng pagkakahiga.
 
Pinagmasdan namin ang mga mata ng isa't isa. 
 
All I can see in his eyes right now is hope. Sa kabila ng namumugto niyang mga mata ay naroon ang pag-asa.
 
"Nagdinner ka na?" He's making circles on my palm.
 
Unti-Unting bumibigat ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya.
 
"Mamaya. Dito lang muna ako." He used his free hand to continuously brush the top of my hair using his fingers.
 
I closed my eyes and let him do those.
 
"Duke," I'm on the verge of sleep when I call out his name.
 
"Hmm?" Naramdaman ko pa ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko para tuluyan akong mapatulog.
 
"Duke," my voice is fading. 
 
I just want to call his name. I just want to say his name before sleep embrace me, because it's been too long that I'm able to sleep again comfortably knowing he's beside me.
 
"Hmm." 
 
Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang makatulog.
 
Hindi ko alam kung ilang beses ako na nagising nang gabing iyon dahil sa bigat ng pakiramdam ko. 
 
The first time, I was awakened by the towel dampening my forehead and arms.
 
It was Duke.
 
The second one is when I feel so much coldness. Napakalamig na hindi magawang labanan ng comforter ko. Someone hugs me to give me warmth.
 
It was Duke.
 
The third one is when my throat is so dry that I need to drink water.
 
It was Duke who helped me to drink.
 
The last one is when I saw Duke's sleeping beside me. He's hugging me tightly to protect me from the coldness.
 
Duke took care of me once again.
 
He's there once more to make me feel better.
 
Muli kong naranasan na matulog ng mahimbing sa kabila ng sakit dahil alam ko na nasa tabi ko siya.
 
Kahit anong gawin ko, kahit pigilan ko pa, si Duke lng talaga ang may kakayahan na gawin iyon.
 
Kaya sa tanong niya kung puwede ko ba siyang bigyan ng pagkakataon, alam ko na nakahanda na akong kalabanin ang sarili kong damdamin.
 

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon