Chapter 10- Hate

3.2K 39 4
                                    

Natapos ko na ang mga designs ko. Nandito ako ngayon sa second floor ng boutique para umpisahan ang pagtatahi.

I'm doing the tailoring with my team, but I mostly do everything because they have their own set of tasks. Karamihan talaga sa mga bago kong designs ay gusto ko na ako mismo ang gumagawa para masiyasat kong mabuti kung ano ang mga technique na dapat gawin, para kapag time na nilang magtahi ay magagabayan ko sila.

Masiyado nga lang marami ang designs na kailangan para sa fashion show kaya kailangan ko ang tulong nila ngayon para hindi kami magahol sa oras.

"Kamusta ang date niyo kahapon ni sir Rupe, senyorita? Na-enjoy mo ba ang pahinga?" Narinig kong tanong ni Grace na katabi ko sa pag-aayos ng mga tela. Malawak ang ngisi niya.

"Oo nga, senyorita Yanna. Friendly si sir kaya sigurado na masaya siyang kasama. Nabihag na ba niya ang masalimuot mong puso?" Dagdag pa ni kuya Gavin na kadarating lang dala ang ironing board na ipinakuha ko sa itaas.

Tiningnan ko sila at nginitian.

"I'm overjoyed, actually. I'm so happy to the point that I can fire you two if you won't stop teasing me," imbis na matakot ay tinawanan lang nila ang pagbabanta ko.

Minsan naiisip ko kung masiyado na bang naaabuso ang kabaitan ko. Totohanin ko kaya ang pagtanggal sa kanila?

"Grabe naman, senyorita. Hindi ka ba nag-enjoy?" Mapanudyo pa rin na tanong ni Grace.

"Baka naman may ibang gustong maka-date." Tumawa si kuya Gavin at nakipag-apir pa kay Grace.

Napahinto ako sa ginagawa ko. Tiningala ko si kuya Gavin at pinanliitan ng mga mata.

"Joke lang, senyorita. Mahal pa po kita at ang trabaho ko rito." He gave me a peace sign.

Napairap ako.

Pagdating sa pang-iinis sa akin ay nangunguna talaga silang dalawa.

When I built the boutique and hired them as my employees, Duke was right there beside me. They always loved teasing us and considered themselves our fan club. So when they found out what happened, I knew they were also affected. When I left the country, I entrusted them with what I left behind.

Akala ko nga pagbalik ko ay mawawala na ang pang-aaasar nila, pero makalipas lang ng ilang linggo ay nanumbalik din ang natural nilang katauhan.

May mga panunukso sila na madalas talaga tinatamaan ako, pero hindi naman sila tumatawid sa linya. They knew when to stop, and the respect was always there.

Sa totoo lang natutuwa nga ako na parang kaibigan ang turing nila sa akin. Malapit din silang lahat sa isa't isa. Those people I've worked with in other countries either find fault in my work or disrespect me, and I hate those kinds of people.

I'm just really annoyed whenever they tease me, especially to Duke. Kung dati ayos lang at kinikilig pa ako, pero iba na ngayon.

Ibang iba na.

"Senyorita, nandito na po si Madame Selma." Tuluyan ko na itinigil ang ginagawa nang dumating si Callie.

Madame Selma has already notified me of her arrival today. She's one of the oldest and most loyal customers of Ma' Ange.

Nagsisimula pa lang ako noon at hindi pa ganoon kakilala ang boutique ay sinusuportahan na niya kami. She introduced the Ma' Ange to her friends and colleagues.

Aside from the strategic plan I made to establish the name of the boutique, customers like her are one of the reasons why the boutique has become widely known within only a year of operation.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba para puntahan siya kasama si Callie.

"Tita Selma," nagmano ako sa kaniya nang makalapit ako at humalik naman siya sa pisngi ko.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon