Chapter 29- Rain

5K 71 4
                                    

"Heyah! Grabe parang tinakas ng isang prince charming! Kaya nga ba sa nag-iisang architect Juan Dukiel Alatorre lang ako!" Narinig ko si Grace habang sinusuot ang sandals ko.

"Eh paano naman si sir Rupe? Sa kaniya ako para palaging good mood ang senyorita at hindi tayo nabubugahan ng naglalagablab na apoy! Bukod sa pogi na, ang sexy pa mag-english!" Balik naman ni Callie.

Napakunot ang noo ko.

"Pogi rin naman si sir Duke ah? Napakatikas pa ng katawan. Tsaka ang gusto ng senyorita ang sariling atin, sobrang matipuno ni architect kapag nagtatagalog." Pagpaparinig pa ni kuya Gavin.

"Pero nakita niyo ba iyong itsura nung Patrice noong itakas ni architect ang senyorita? Hindi makapaniwala. Tulalang-tulala eh." Napatawa silang tatlo.

Tumayo ako at tinaasan sila ng kilay.

"You really talking about that in front of me?" Kinuha ko ang mga gamit ko sa sofa.

"There are available positions here on the farm, and I think those will suit the three of you. I'll talk to the-"

"Senyorita!" Mabilis na lumapit sa akin si Grace at kinuha sa kamay ko ang mga gamit ko.

"Ano ka ba naman, senyorita. Opinyon lang naman namin iyon. Kilala mo naman kami, sobra naming pinapahalagahan ang mahaba mong buhok!" Sumang-ayon sina Callie at kuya Gavin. Kinuha na rin ang iba pa naming gagamitin para sa shoot ngayong araw.

Tiningnan ko sila isa-isa na painosente akong binibigyan ng tingin.

Napairap ako bago isuot ang sunglasses ko at tumalikod para lumabas ng kuwarto.

Buwisit na Dukiel!

Nanggigigil talaga ako!

Dahil sa ginawa niya kahapon wala akong ibang natanggap kung hindi mga panunukso. My heart is still beating erratically whenever I remember his words.

I find myself instinctively reaching for my neck. Even now, I still feel the warmth of his embraces coursing through my body.

Kahit noon pa talaga sobra ang epekto na naidudulot niya sa akin.

Tsk.

Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo kapag ginagawa niya ang mga ganitong bagay.

There's an effect on his action that restrains me. That even though I created a thick barrier, he can still break it.




Pagbaba namin ng lobby ay nakita ko na nasa dalampasigan na sila.

Nandito kami sa hotel dahil sa dagat ang sunod na shooting, bukas naman huling araw ay sa plantation ni Isabella.

"Good morning," halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko si Duke sa gilid namin.

Bitbit niya ang camera at ilan pa niyang mga gamit.

May kung anong kuryente na umakyat sa mga pisngi ko.

"Good morning, archi!" Bati nila Callie.

Kung gaano kabilis na umakyat ang kuryente ay ganoon din ito kabilis na napalitan ng inis nang makita ko si Patrice na nakasunod sa likuran niya.

Magkasabay sila ah?

Baka nagtabi na naman.

Gumuhit ang sakit sa puso ko. All the striking emotion I have towards him fades away whenever I see them together. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang inis, sakit, at galit.

My feelings are negligible.

Inirapan ko si Duke na nakatingin sa akin at hindi bumati pabalik.

I continue my way to the sea, where the models and staff are.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon