"Kapit siya ng kapit sayo, Duke! Kulang na lang isuot niya ang sarili niya sa bulsa mo! For God's sake! He even kissed you on the cheek! May karapatan akong magalit! Hindi mo man lang siya pinigilan!" Narito kami sa office niya. Binisita ko kasi siya para dalhan ng lunch pero lintek ang makikita ko lang ay ang pakikipagharutan niya sa 'kliyente' raw niya. Sino ba naman ang hindi matutuwa?!
"Calm down, Yanna. I didn't know she would kiss me on the cheek. Masiyadong mabilis ang nangyari. If I only knew, I would stop her," kalmado niyang paliwanag.
Palagi naman siyang kalmado sa tuwing may away kami kahit na nagmimistulan na akong dragon.
"Bakit hindi mo siya pinigilan una pa lang?! Duke naman! You always let those bitches do whatever they want to you! Kaya sila nawiwili!" Hindi naman dapat ako magagalit ng ganito, buwisit na babae iyon nakita na ako hinalikan pa si Duke sa pisngi.
"God, love. Hindi ko napansin na masiyado na siyang malapit. I was focused on presenting the project to her," padabog kong ibinaba ang dala kong paper bag sa lamesa.
"Just how important she is?! Bakit kailangan pa na ikaw ang magpresent?! Nariyan naman ang iba mong architect!" Sinubukan niya akong lapitan pero umatras ako kaya napabuntong hininga siya.
"Look, she requested me. You know that I want the firm to be fair to everyone. Come on, love. I'm sorry. Wala naman iyon."
"Hindi iyon wala, Duke! Palagi na lang nangyayari! Ilang beses pa ba natin itong pagtatalunan?!" Kung para sa iba maliit na bagay lang ito, para sa akin hindi.
I don't want other women coming near him. Lalo na iyong hahawak-hawakan siya at hahalikan pa.
Just who the hell are they?!
I'm a jealous girlfriend. Hindi ko itatanggi iyon. I want to protect our relationship by doing the best I can.
"Avyanna," he called me. This time, his voice is so serious.
Hindi ko na nagawang maka-atras nang lapitan niya ako.
"You know I'm trying to distance myself from other women, pero hindi sa lahat magagawa ko iyon. Could you please understand that? Trust me, okay?" Tumitig ako sa mga mata niya.
"I trust you, Duke, but not other women." Sinabi ko ng hindi binabali ang mga mata ko sa kaniya.
Kinuha ko ang bag ko.
"Tsaka na lang tayo mag-usap. You still have clients outside. Huwag mo kakalimutan ang lunch mo." Malamig kong sinabi at mabilis na lumabas sa opisina niya.
Sinubukan pa niya akong tawagin pero hindi ko na siya nilingon.
Naabutan ko sa labas sila Philip na tahimik akong pinanood na umalis. Nasabi nga ni Duke na may ipapatayo na resort si Philip.
Pagsakay ko ng kotse ay tumawag si Patrice at inaaya akong uminom.
I usually ask Duke's permission whenever I'm going to drink, but because I'm irritated at him, I just went to the bar Patrice told me about without informing him.
Pagpasok ko ng bar ay nakita ko siya sa may counter. Making out to an unknown man. Naka-kandong siya sa lalaki habang nakikipaghalikan. His hands are roaming all over her body.
Lalong nag-init ang ulo ko.
Mabilis ko silang nilapitan at hinila siya palayo sa lalaki.
"Istorbo." Hindi ko pinansin ang sinabi ng lalaki at hinarap si Patrice.
"What the hell, Patrice?!" I know she has a lot of problems the past few months, but that's not the reason for her to ruin her life.
"Huwag mo na akong pakialaman, Yanna. Kung sesermonan mo lang naman din ako please lang, hayaan mo na lang akong uminom," bumalik siya sa pagkakaupo sa silya at muling umorder ng liquor sa bartender.
![](https://img.wattpad.com/cover/358783971-288-k112584.jpg)
BINABASA MO ANG
The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)
RomansaAvyanna Marlowe acted as a mother to her siblings when their parents died. She's known for her sassy and dignified aura, which made her reputation irresistible. That is the reason why she was heartbroken when her longtime boyfriend cheated on her. ...