Chapter 7- Hurt

4K 55 6
                                    

"Nakalista na po lahat ng kailangang bilhin, senyorita Yanna." I shut down my computer and stood up when I heard Grace.

"Let's go. I'll leave things to you, Callie." Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng kotse ko.

I'm going to buy gifts for the twins. Tomorrow is their birthday and when it comes to giving them gifts, I want to be the one buying and choosing them personally. Pinalista ko na rin kay Grace ang mga kulang namin na gamit dito sa boutique para maidamay na namin sa pagbili.

"Update ko na lang po kayo kapag dumating na ang mga tela."

I nodded at Callie and wore my Bottega sunglasses before walking outside with Grace who would accompany me.

"Ang bilis pong gumalaw ng distribution ng mga magazines para sa bago niyong collection, senyorita." Grace told me while looking at the tablet she's holding.

"Many have been waiting." That's the reason why I don't want to make any delay if it's not for a serious matter.

Alam ko naman na magagawan ng paraan ng publishing house ang naging problema, at nagawan naman nila. If their other clients tolerate it, then I won't. They must be responsible and committed.

Malaking kasiraan sa mga kliyente kung ang isang organisasyon ay walang isang salita at hindi dedikado sa trabaho nila. Kung magkaroon man ng problema, dapat nakahanda sila, lalo pa at matagal na silang nasa operasyon.


Pagkarating namin ng parking ay dumiretso kami sa kotse ko. May ginagawa sina kuya Gavin at kuya Noah kaya ako na lang muna ang magda-drive.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na kotse.

Napalingon ako at hindi nga nagkamali nang makita ko ang red Mercedes-Benz ni Duke.

Why is he here?

"Didn't Callie email him?" I look at Grace for assurance because as far as I know Callie told me earlier that she already emailed him.

Ang sabi ko kasi sa kaniya ay i-email si Duke na wala muna kaming documentation ngayong araw.

"Ang pagkakaalam ko po nag-email si Callie." Kunot din ang noo ni Grace.

Hindi ko itinuloy ang pagpasok sa kotse at hinintay siyang makababa.

Pagbukas ng pintuan ng kotse niya ay nagtama ang mga mata namin. I can also see a big question mark on his face.

"Where are you going?" Nagtataka rin niyang tanong.

"Didn't you receive Callie's email? We don't need to have documentation today. I'm going to buy gifts for the twins and some materials for the boutique," napatingin ako sa hawak niyang phone at susi.

"When did she send it?" Hinarap niya ako nang makalapit siya.

"Kaninang madaling araw?" Hindi ko rin sigurado na sagot dahil late ko nang nasabihan si Callie.

"You know I check emails at night because I have no time to check them during daylight. Hindi rin ako gaanong nakakapag-check sa madaling araw dahil wala na akong masiyadong oras. You didn't send me the schedule yesterday, so I thought you're free all day," napahawak ako sa noo ko.

Oo nga pala. Habit niya na sa gabi na magcheck ng emails dahil masiyadong puno ang schedule niya. Lalo pa siguro ngayon dahil inuumpisahan na niya ang bagong project sa estate.

"You should've texted or called me. Iyon pa rin naman ang number ko, hindi pa ako nagpapalit," lumapit na rin sa amin si Grace.

"Malay ko ba," pinigilan ko ang mapa-irap. Maybe that's the number he's also using to contact that bitch.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon