Chapter 22- Future

2.6K 48 3
                                    

I walk down to the stage while holding my diploma. Nakita ko sila na naghihintay sa baba kaya itinaas ko ang diploma ko at ipinakita sa kanila.

I made it! I'm now a fashion designer!

"Congratulations, love! I'm so proud of you." Duke gave me a bouquet and kissed me on the cheek.

"Thank you!" Yumakap ako sa kaniya at ganoon na rin kila kuya.

Napakasaya siguro kung kasama namin ngayon sina mom and dad, and si Mira. I made this possible because of them. While they left early, they became the reason why I dreamed and continued doing my best.

"Paano ba iyan, I will be in the industry, and you will stay as a university boy," pang-aalaska ko kay Duke at nginisian siya.

"Well, at least I'm still older than you," kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"Isang taon lang, love. Kaya mo ba akong hintayin ng isang taon?" Kunwari ay nag-isip ako.

"Matagal din ang isang taon Dukiel ah," biro ko pa.

"Come on, Yanna," napatawa ako. He pouted and made a sullen face.

"Hindi kita mababantayan sa mga unggoy na lalapit sayo," lalo tuloy akong napatawa.

"Aba, Juan. Dapat nga ako ang mag-alala dahil hindi ko na makikita kung sino ang mga babaeng lalapit sayo," hindi ko na siya maaaway. Huwag lang siyang magpapahuli sa akin kung hindi naku, ewan ko lang.

"Anong gagawin ko sa kanila? You're the only woman I want coming near to me. Ikaw lang ang gusto kong palaging nasa tabi ko," napangiti ako.

"Sige, para hindi ka na mag-alala," matagal ko ng gustong gawin ito.

I have no reason anymore to stop myself. I've made my promise to dad, and now I will make the promise I made to myself.

"Gawin mo na lang ako na girlfriend mo," nanlaki ang mga mata niya. Lumawak ang ngiti ko nang mapakurap pa siya na animong tinitimbang kung tama ba ang narinig.

"D-do you m-mean?" Tinaasan ko siya ng kilay at ngumuso.

"Parang ayaw mo yata," mabilis siyang napailing at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Paano ko aayawan ang isang bagay na higit ko pang gustong makuha kaysa sa pangarap ko?" His eyes are shining. Naramdaman ko tuloy ang pag-iinit ng mga mata ko.

"God, Yanna. Sabihin mo na hindi ka nagbibiro, please," muli akong napatawa nang makita ko na paiyak na rin siya.

"Hindi ako nagbibiro, Duke. Gusto ko nang maging girlfriend mo. Matagal na," napatili ako nang buhatin niya ako at iikot sa ere.

"Jesus!" He has done so much for me. Palagi niyang ipinapakita kung gaano niya ako kamahal, at gusto ko na masuklian din iyon.

I don't want to hide anymore how much I love this man.

"Thank you! Thank you, love. Mahal na mahal kita, Avyanna. Tandaan mo na pagmamay-ari mo na ang puso ko." Pinagdikit niya ang mga noo namin.

I look into his eyes.

"I love you too, Juan Dukiel." Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit at tiningnan ang mga kapatid ko na masaya rin para sa amin.

"Congratulations, you two." They greeted.

"Bes!!" Napalingon naman kami nang marinig namin si Patrice na palapit sa amin kasama sila tito

She throws herself at me.

"Congrats sa atin, Yanna! Oh my God, I can't believe na gagraduate ako kasabay niyo." Napatawa ako at humalik sa pisngi niya.

"Sabi ko naman sayo kaya mo iyan." Ilang buwan kasi siyang nagmukmok sa breakup nila ni Austin. Halos mapabayaan na niya ang pag-aaral.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon