Chapter 24- Fear

5.7K 65 9
                                    

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Patrice nang makita ko siya sa sala ng mansiyon. Ang kapal ng mukha niya na magpunta rito.

"Ang kapal naman yata ng mukha mo na magpakita sa akin?" Napahawak siya sa pisngi niya pero nanatiling nakataas ang noo.

"Iyan ang hirap sayo. Alam mo kung bakit ka iniwan ni Duke? Dahil sa ugali mo. Masiyado mo siyang sinasakal," lalong tumaas ang galit ko.

Sasampalin ko na sana siya muli nang mapigilan niya ang kamay ko.

"Wala kang karapatan na sampalin ako, Yanna. Ginusto namin ni Duke ang nangyari kaya wala kang karapatan," naramdaman ko ang pagkadurog ng puso ko.

Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Tingnan mo ang sarili mo," she looked at me from head to toe.

Ilang araw na akong walang kain at walang maayos na tulog. I know I look wasted, pero wala na akong pakialam.

"Lalaki si Duke, Yanna. Alam mo na may mga pangangailangan siya, pero anong ginagawa mo? Sinasakal mo siya sa relasyon niyo. Masiyado kang mahirap basahin, ang hirap mo rin pakisamahan, sa tingin mo ba may makakatagal sayo?" Nanginginig ang buong katawan ko sa galit, sa sakit.

I know any moment soon I will break out of weakness.

"I trusted you. P-paano mo nagawa sa akin ito? I-I thought you still loved Austin?" Lumapit siya sa akin at hindi ko na nagawang makaatras dahil sa panghihina.

"Hindi lahat ng tao mapagkakatiwalaan mo, Yanna. Lalo na kung ganiyan ka. I did love Austin, pero alam mo ba na may gusto na ako noon pa man kay Duke? Hindi ko na lang sinabi dahil alam ko na nagkakamabutihan na kayo. Sabagay, paano mo nga naman malalaman gayong sarili mo lang palagi ang iniisip mo? Duke has been so tired dealing with you. Pagod na pagod na siyang pakisamahan ka." Matagal na siyang may gusto kay Duke?

"K-kung gayon lahat ng ipinakita mo, peke? Everything you did was full pretentious?" Pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa sakit na nararamdaman ko.

I treated her like a real sister.

"Hindi naman lahat. Believe it or not, I supported your relationship with him, but you're the one who ruined it, Yanna." Mariin akong napapikit.

Napagod ka ba talaga sa akin, Duke? Ako ba talaga ang sumira sa atin?

"Duke did everything to understand you. Ginawa niya ang lahat para pakisamahan ka, pero hindi mo magawang maging maluwag sa kaniya. Masiyado mo siyang kinukulong sa relasyon ninyo," umiling ko.

"Wala kang alam!"

"Alam ko! Alam ko, Yanna. Hindi mangyayari ito kung hindi ko alam! Sa tingin mo bakit ka pilit na pinapakisamahan ni Duke kahit na ganiyan ka?" Ngumisi siya.

"Dahil nanghihinayang siya sa tagal ng pagtitiis niya sayo. All this time he wants to stay away from you. Ako ang palagi niyang takbuhan sa tuwing napapagod siya. Nagpaplano na nga siya na iwanan ka, pero maganda na rin siguro na nangyari ito para nalaman mo ang totoo. Duke doesn't love you anymore," parang pinupunit ang puso ko.

"I-I don't believe you."

"Then why don't you ask Duke? Bakit ayaw mo siyang kausapin?" Wala sa sarili na napatitig ako sa kaniya.

Paano niya nalaman na ayaw kong kausapin si Duke? He's been coming here, pero hindi ko siya hinaharap.

Nagsasama pa rin sila sa kabila ng nangyari? Nagkikita pa rin sila sa kabila ng panloloko na ginawa nila sa akin?

"Dahil sa puso mo alam mo ang totoo, Yanna. Walang rason para isisi mo sa amin lahat dahil ikaw ang naging dahilan kung bakit nangyari ito," tuluyan akong napaupo sa sahig.

The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon