Ibinaba ko ang mga bulaklak sa puntod nila mom. Madalas akong magpunta rito kapag naguguluhan ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kuya Cassian lit the candles as Isabella helped me with the flowers.
Pupunta rin pala sila dito kaya nagkasabay-sabay na kami.
I stared at their tomb and couldn't believe how long it had been. Their memories are still fresh in my mind, like everything that happened was just yesterday.
Paulit-ulit ko kasi na binabalikan ang mga memorya nila. Gusto ko na maalala ang lahat ng iyon. Ayaw ko na may makalimutan, maganda man o hindi, gusto ko na lagi iyong buhay sa isip ko.
We sat down after kuya Cassian lit all the candles.
Sa tuwing masaya ako, malungkot o nasasaktan, palagi akong nagpupunta rito para sabihin lahat sa kanila. Although they can't talk to me back, it lightened my feeling knowing that they have listened.
"Mama and papa are great people," Napangiti ako sa sinabi ni Sabel. Mukhang nakuwento na sa kaniya lahat ni kuya Cassian.
"They are. Lalong-lalo na sa amin na mga anak nila," sumandal ako sa balikat ni kuya Cassian. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.
Napapagitnaan nila ako ni Sabel.
"Kung nabubuhay pa sila sigurado na masaya sila na malaman na nabuhay ka, Sabel. They will be grateful to know that you and kuya Cassian made it," kumapit ako sa braso niya. Hinimas niya ang likuran ko.
Do I really look broken?
Damn.
"Siguro ginabayan din nila kami. They guide our way towards each other." That's for sure.
"Their love story has been my favorite romance all my life, you know?" Napalingon siya sa akin.
"Would you mind telling it to me? Hindi pa nakukuwento ni Cassian." Nagkatinginan kami ni kuya at sabay na napatawa.
"It's mom who actually confessed to dad that she loves him," gulat na napatingin sa mga puntod si Sabel.
"Really?!" Napahalakhak si kuya Cassian.
"You and mom have the same vibe, baby." Nakita ko na pinamulahan si Sabel kaya napangiti ako.
Naalala ko noong mga bata pa kami na siya rin ang unang umamin kay kuya Cassian.
"Yes. Sobrang torpe raw kasi ni dad. High school friends si lolo Fred at lolo Pedro, mom's papa. Napagkasunduan nila na ipakasal sina mom and dad pagkatapos nilang grumaduate ng college. Tubong Palawan sila mom at noong mag-high school siya ay lumipat siya rito sa Manila para mag-aral, kaya lang, mom is a year ahead of dad. They went to the same school, but they weren't classmates because mom was a year above him,"
"Palagi raw noon iniinis ni mom si dad dahil napansin niya na sobrang tahimik nito. She wants to be close to dad, she wants to enter his life. Kahit na ipinapakita raw ni dad na galit siya kay mom dahil sa pang-iinis nito, sobra naman daw itong mag-alala. Lalo na kapag ginagabi siya ng uwi kasama ang mga classmates niya noong mag-college siya. Higit pa, lalo kapag hinahatid siya ng lalaki o manliligaw. Galit na galit daw noon si dad dahil nagpapaligaw pa raw ito gayong nakatakda na silang ipakasal," this is my favorite bedtime story during my youth.
"Alam iyon ng marami kaya ayaw ni dad na sumama ang tingin ng iba kay mom, lalo na at mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. Simula nang may lalaking maghatid kay mom, naging hatid-sundo na siya ni dad. Noong huli napagtanto ni mom na nagugustuhan na niya si dad. Kasi kahit sinong lalaki pa ang pumasok sa buhay niya, si dad at si dad lang ang naiisip niya. Nahulog siya kay dad dahil nakita niya ang kabutihan sa loob ng tahimik nitong katauhan. Nakikita niya na may gusto na rin si dad sa kaniya kaya naghintay siya na magtapat ito, pero hanggang umabot si mom sa last year niya, hindi pa rin umaamin si dad,"
![](https://img.wattpad.com/cover/358783971-288-k112584.jpg)
BINABASA MO ANG
The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)
RomanceAvyanna Marlowe acted as a mother to her siblings when their parents died. She's known for her sassy and dignified aura, which made her reputation irresistible. That is the reason why she was heartbroken when her longtime boyfriend cheated on her. ...