"Shouldn't we need a light adjustment?" Umiling si Duke.
"No need. There's a special effect that I'm thinking of adding in." Tumango si Patrice.
Nakaupo ako sa silya na nasa likuran nila habang pinapanood kung paano sila magtrabaho.
Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita silang magkasama. Everything that happened in the past, from meeting both of them, being their friend, being Duke's girlfriend, and their betrayal.
Hindi ko sukat akalain na mabibiktima ako ng ganitong kapalaran.
Hindi ko magawang huminga ng maluwag habang nakikita sila. Kanina ko pa pinipigilan ang galit ko. I am being professional because we are in the middle of the shooting. Ayokong gumawa ng eksena dahil nakikita ko ang hirap ng mga staffs.
Mukhang kahit na anong gawin ko at kahit anong subok ko, hindi ko magagawa ang gustong mangyari ni Duke na ituring siya na parang walang nangyari sa amin.
"Senyorita para kang kakain ng buhay." Ibinaba ni Grace at kuya Gavin ang pinakuha ko na mga hats para sa mga model.
Sinamaan ko ng tingin si Grace kaya nagtago siya sa likuran ni kuya Gavin.
"Mabuti pa magpahinga ka muna, senyorita." Napatawa si kuya Gavin.
Ibinaba ko ang dokumento na hawak ko at tumayo para harapin ang mga hats.
Pareho silang natahimik nang hindi ako sumagot.
I've been feeling mixed emotions for a while now. If I speak up, I might end up lashing out at them.
"Gusto mo ba ikuha ka namin ng juice, senyorita Yanna?" Tiningnan ko ang mga hats at shades.
"Senyorita Yanna! Narito na po sila sir Adriel!"
Kasunod ng sigaw ni Callie ay narinig ko ang sunod-sunod na takbo ng mga kabayo.
Nakita ko si Adriel na isa sa mga sakay nito at kung hindi ako nagkakamali ay mga tauhan niya ang iba.
Tatlo lang ang kabayo namin dito sa farm, sampu ang kailangan namin kaya nakisuyo ako kay Adriel na hiramin ang mga kabayo niya.
Napatingin ako kila Duke at nakita ko na nakatingin na rin siya sa gawi namin.
Sumenyas ako na lumapit sila. Ipinatawag ko na rin ang mga models.
Adriel dismounted from his black horse. If I'm not mistaken, it's a Lusitano. He has three different horse breeds, Anglo Arab, Lusitano, and Friesian.
"Nice run, Rafael. We're not late, aren't we, senyorita?" Pinahawakan niya si Rafael sa isa sa mga tauhan namin dito sa farm at lumapit sa akin. Pareho sila ni Jesian, nagpapangalan sa mga pag-aari nila.
He kissed my hand when he reached my place. Napangiti ako at yumakap sa kaniya.
"Just in time. Sayang at hindi available si London, sigurado na matutuwa iyon kapag nakita si Abel." It's one of her female white Friesian horses. London is so fond of her. Puro lalaki kasi ang kabayo namin dito sa farm.
Sina Uno, Dos, at Tres. Si Jesian din ang nagpangalan.
"Abel misses her too." Hinagod niya ang likuran ko bago ako pakawalan at harapin sila Duke.
"Long time no see, Dukiel," he greeted him at nakipagkamay. Unlike kuya Cassian, mas magaan ang trato ni Adriel kay Duke.
"It's been a while. How have you been? I heard what happened. I'm sorry for your loss." Duke hugged him and tapped his shoulder.
"Thank you. I'm surviving, that's what life is." Adriel found out that his lost sibling was already dead.
Sobra rin ang hirap na pinagdaanan niya para hanapin ang kapatid kaya alam namin kung gaano siya nasaktan nang malaman na patay na ito.
BINABASA MO ANG
The Broken Heart's Beauty (Salguero Siblings Series #3)
RomanceAvyanna Marlowe acted as a mother to her siblings when their parents died. She's known for her sassy and dignified aura, which made her reputation irresistible. That is the reason why she was heartbroken when her longtime boyfriend cheated on her. ...