Part 1
It was late midnight, nasa loob sila ng kotse ni Bim. Inihatid siya nito matapos magkakilala sa club. Nag-click sila bigla. Masarap kausap ang gago eh. Pero hindi siya nasasarapan sa ginagawa nito. Nung halikan siya nito, hindi siya pumalag pero yung gawing piano ang katawan niya, ibang usapan na yun! Langya, sarap putulin mga kamay nito.
Jasmine: stop it!
Bim: (patuloy sa pagkapa sa kanya!) hmmm, aren't you enjoying it, baby?
Jasmine: don't baby me! Kanina lang tayo nagkakilala (iritableng sabi niya)
Natawa si Bim.
Bim: so what? What matter most is that we enjoy what we are doing.
Jasmine: well, I don't enjoy it. It sucks!
Bim: Liar! You moaned & groaned!
Jasmine: (made a sarcastic smile) I'm a good actress, you know. Gotta go, Bam! (Inayos muna niya ang sarili at saka umaktong bubuksan ang pinto ng sasakyan)
Bim: shit, it's Bim!
Jasmine: (nilingon si Bim) Bim or Bam or Bom...whatsoever! Thanks for the ride. (Tuluyan na siyang nakababa ng sasakyan nito)
Di pa siya nakakahakbang ay narining niyang tinawag Ni Bim ang pangalan niya. Paglingon niya, nakita niyang nag-dirty finger sa kanya ang binata! Oh well, she understands. Nasaktan ang ego nito sa sinabi niyang di siya nag-enjoy sa pagkamanyak nito. Totoo naman!😂😂😂Ewan kung anong pumasok sa utak niya at benilatan niya si Bim! So childish of her! Hahaha
Galit Na pinaharurot ni Bim ang kotse nito. Napikon ang gago! Ang yabang kasi! Feeling super gwapo. Okay, gwapo naman talaga kaya nga nung nakipagkilala at nilandi siya sa club ay nakipaglandian agad siya dito. Ang kaso naging, abusado. Gusto yatang mag-do sila sa loob ng kotse nito and worst, sa tapat pa mismo ng bahay nila! Heller! She's not out of her mind! Kahit baliw siya ay di naman siya pakawala! 👊👊
Hindi niya binuksan ang gate nila, magdudulot lang yun ng ingay kaya inakyat niya ang di kataasang gate. Mahirap na, baka magising ang mommy niya. Malalagot siya! Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa main door ng bahay. Nag-sign of the cross pa siya bago maingat na pinihit ang seradura ng pinto. Madilim ang kabahayan pero wala siyang planong magbukas ng Ilaw. Isinara niya ang pinto ng buong ingat. Hinubad at binitbit ang sapatos ng mga kamay. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa hagdan. Konti Na Lang makakarating na siya sa kwarto niya. Lusot na siya! Yun ang buong akala niya, dahil hindi pa siya sumasapit sa unang baitang ng hagdan ay biglang nagliwanag ang buong sala. Napahinto siya sa paghakbang.Napakagat siya sa labi.
Patay! Buking si ako!
Mom: where the hell have you been?! (Galit si mother dear)
Paglingon niya sa ina, mas galit ang mukha nito. Parang Leon Na gustong manlapa ng tupa! Hahaha
Jasmine: hi mom! Ba't gising ka pa?
Mom: wag mo akong artehan na parang wala kang ginawang kasalanan, Jas! Alam mong grounded ka but still you disobey me!
Jasmine: mom, bukas na lang tayo mag-usap. I'm tired!
Mom: Napagod ka sa pakikipaghalikan sa animal na ka-date mo?!
So nakita sila ng mommy niya! Good!😂😂
Jasmine: mom, he's not my date!
Mom: my God! And you're proud of it! He's not your date but you two kissed so hard! Shit!
Galit at pagkamangha ang nakarehistro sa mukha ng mommy niya. Gusto niyang matawa Pero pinigilan niya😂😂✌️✌
Jasmine: mom, please. I'm tired and sleepy...
Mom: (she sigh) mabuti pa, ipatapon kita sa Lola mo sa Batangas! Baka-sakali magtino ka dun!
Jasmine: (biglang nawala ang Antok! Hahaha) NO! Wag kang magbiro ng ganyan, mom. Hindi nakakatawa! (Pero nagsisimula Na siyang kabahan)
Mom: Sinong may sabi na nagpapatawa Ako? Bukas Na Bukas ihahatid kita kina Lola Andrea mo.
Jasmine: Paano ang pag-aaral Ko? At saka ano naman gagawin ko Sa Batangas? Magbibilang ng mga alon sa dagat! (Sarcastic tone)
Mom: (mas sarcastic) don't use your studies to stop me, my dear! Akala mo ba di ko alam na matagal ka ng nag-drop out! (Dinukot Sa bulsa ang letter na pinadala sa kanya ng unibersidad na pinapasukan ni Jasmine na nagpapatunay na di na pumapasok sa eskwelahan ang anak) Paano mo ito nagawa sa akin, Jas? ( pain was all-written on her face) Paano mo nagawang lokohin ako?!
For a second, nakaramdam siya ng awa sa ina pero pinatatag niya ang sarili. Wala siyang dapat ika-guilty. Kasalanan nito kung bakit patapon ang buhay niya! Ang ina ang dapat sisihin kung bakit siya miserable!
Jasmine: inaantok na ko. Gudnayt, mom. (Malamig na sabi niya sa Ina at nagsimula na siyang humakbang paakyat sa hagdan.)
Mom: Sige matulog ka na. Maaga pa byahe mo bukas.
Nilinga niya ang ina at matalim ang tingin ang ipinukol niya rito.
Jasmine: Hindi mo ako mapipilit na pumunta sa Batangas, mom. Over my dead body!
Mom: (nakipagsukatan ng tingin sa anak) let's see who's gonna win!
Padabog na umakyat siya ng hagdan at pabagsak na isinara ang pinto ng kanyang kwarto!
Napapikit si Mildred! Saan siya nagkulang? Bakit nagkaganun si Jasmine? They used to be close. They're like bestfriends. But now, they're like strangers. Hindi na niya kilala ang anak at siguro, hindi na ina ang turing sa kanya ni Jasmine. Kasi hindi na Ito sumusunod sa mga rules and regulations niya! Hindi na siya nito kinukonsulta sa mga nangyayari sa buhay nito. What went wrong....?!
_________________________Samantalang sa loob ng kwarto ni Jasmine, nakadapang umiiyak siya ng paimpit sa ibabaw ng kama niya. Hindi na niya maintindihan ang Ina. Lahat na lang ng makakapagpasaya sa kanya ay inilalayo nito sa kanya... Just like what she did to her dad!
Damn! Damn! Damn! I hate her! 😤😤😤
Abangan...
Happy Reading.
God bless...
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness