And Thanks to you, Gino..

3 1 0
                                    

Part 14

....And Thanks to You, Gino

Pang-limang araw na niyang pabalik-balik sa resort nina Gino pero lagi siyang bigong makita ang binata. Nakapinid pa rin ang buong kabahayan. Nung nadatnan naman niya ang tagapaglinis ng mga ito, eh wala siyang makuhang impormasyon.

Napu-frustrate na napaupo si Jasmine sa mababang hagdan na nakanugnog sa may bakod ng resort nina Gino.

"Shit, Gino, asan ka ba?"

"Nami-miss na kita. As in miss na talaga kita"😭😭😭

Pinagmasdan niya ang malinis na dagat. The last time na nakasama niya si Gino ay nung araw na nabwisit siya kay Sofia kaya sa inis niya nakaligo siya sa dagat ng wala sa oras. Gumawa pa sila ni Gino ng sand castle... Hell, why am i missing you this much?!

"Mahal na ba kita, Gino?"

"Ako ba ang nahulog sa sarili kong laro?"

"God, what is this happening to me?! Bakit gusto ko siyang makita? Bakit nasasaktan ako sa tuwing pupunta ako rito na wala siya?"

Naiinis na naiiyak siya. Never na nangyari sa kanya ang ganito. Kapag may boyfriend siya at hindi na nagparamdam sa kanya, wala lang sa kanya. Mas gusto nga niya yun para makahanap na ulit ng iba!😂👊 Men may come and go...

Hindi niya boyfriend si Gino. Pero bakit para siyang girlfriend na mamatay pag hindi nakikita ang kasintahan. Ipilit man niya sa sarili na nami-miss lang niya ang panti-trip kay Gino, alam niya na nagsisinungaling siya. 'Cause in her heart of hearts, she knows that she missed him... His smile, his gestures, his handsome face, the color of his skin... He missed everything about him...all of him!

"Shit! I'm inlove!" Isang realisasyon ang kanyang napagtanto.

"Inlove ako kay bisugong binabad sa suka!? Kay Mr. Sungit!? Sa lalaking pinagti-tripan ko?!"

Para siyang tanga na naiiling na natatawa sa napagtanto. For the first time in her life, ngayon lang nangyari na in-acknowledge niya na love yung nararamdaman niya! Hello, ikaw ba talaga si Jasmine!?

Napasulyap siya sa mga batang naglalaro ng tumbang preso. Ang saya nilang tingnan. May kung anong pagka-aning ang pumasok sa utak niya. Nilapitan niya ang mga bata at nakangiting kinausap ang mga ito.

Jasmine: mga bata, pasali.

Batang kulot ang buhok: ay di po kayo puwede. Matanda na kayo eh.

Ouch! Matanda na raw ako?! Hello, nineteen lang ako?!

Batang maliit: maghanap po kayo ng kaedad ninyo na makakalaro.

Batang pilyo: eh de, gumawa ang mga yan ng baby!

Tawanan ang mga bata. Pero siya di natawa!

Batang pilyo: galit po kayo?

Jasmine: hindi maganda ang biro mo. Hindi bagay sa edad mo ang mga ganyang biro. ( panenermon niya)

Batang pilyo: ang KJ ni ate. (Tatawa-tawa)

Jasmine: hamo ng Kj, basta maituro ko lang sa inyo ang tama.

Batang medyo mahiyain: oi, wag nyo nga niloloko si ate. Mukha naman siyang mabait!

Jasmine: ay, dahil sa sinabi mong yan, may prize ka sa akin.

Batang medyo mahiyain: ano po?

Jasmine: ito...! (Bigla niyang binuhat ang bata at iniikot sa ere! Tawa ng tawa ang bata ng ibinababa niya)

Batang pilyo: ako rin! Ako rin! Gusto ko yan!

Jasmine: gusto mo, ha! ( binuhat rin niya ito at iniikot. Hanggang lahat na lang ng bata gustong magbabuhat at magpaikot sa kanya!😂😂😂)

She had fun. Kahit papano naibsan ang lungkot at pagka-miss niya kay Gino. Thanks to the kids😀😀

"Pati ba naman mga bata pinagti-tripan mo?"

Kilala niya ang boses na yun, hindi siya puwedeng magkamali. She miss that voice! Parang slow-mo na nilingon niya ang nagsalita. Yung mukhang gustong-gusto mong makita tapos nakangiti pa sa yo, ay sus, pag di naman dumugudog-dugudog ang puso mo! Hahaha

Jasmine: Gino! (Nagtatakbong lumapit siya sa binata. Ang daming inipon niyang pagpipigil na wag itong yakapin! Mukha siyang tanga na ngiting-ngiti! Hahaha)

Gino: hi! Missed me?

Jasmine: (sinuntok ang binata sa may balikat) loko ka, inindyan mo ko! (Kunyari nagtatampo na naupo sa buhangin)

Gino: (ginaya ang ginawa niya, umupo rin sa buhangin) sorry na. Biglaan kasi ang naging pagluwas namin sa manila.

Jasmine: ano bang ginawa nyo ron? Ang tagal nyo rin nawala, ha? Five days to be exact!

Gino: wow! Bilang na bilang! Na-miss mo talaga ako (bahagyang dinunggol ng balikat ang balikat ni Jasmine)

Jasmine: ang feelingero mo na ngayon, ha! (Kunyari naiinis) mamaya niyan, isipin ko, sasagutin mo na ko!

Gino: ( ang lakas ng tawa) yan ang na-miss ko sa yo! Yang panti-trip mo!

Saglit natigilan si Jasmine. Hindi na siya nangti-trip! Totoong gusto na niya si Gino. Mahal na nga niya eh!

Jasmine: (in a serious tone) what if di na ko nangti-trip? What if i really like you? What if...

Gino: (pinutol ang sasabihin niya) Jas, don't me! (Natawa kasi yung pagsasalita niya ginaya sa mga nakikita niya sa fb) I know your kind.

Jasmine: bakit? Ano ba ang uri ko? (Medyo hurt)

Gino: wag ka ngang magdrama dyan. (Nakangiti ang mokong! Shit, pano ka ba naman di mai-inlove, eh may killer smile!) teka, may pasalubong ako sa 'yo.

Dumukot sa bulsa sa suot na shorts at iniabot kay Jasmine ang maliit na kahon.

"Oh my, parang kahon ng alahas😂"

"What is it? A ring? Bracelet? Necklace?"

Ay nai-excite siya!

Jasmine: (kunyari pa-cool, di super excited! Hahaha) ano naman 'to, ha?

Gino: open it!

"Ay, wag mo akong ngitian ng ganyan, lumuluwang ang panty ko!"hahaha

Nang iangat ni Jasmin ang top cover ng box, natambad sa kanya ang isang rosary. Sumama sa hangin ang scent na pinang-spray sa rosary.

Jasmine: r-rosary? Why are you giving me this? Ganun na ba ako kasama sa paningin mo para regaluhan nito. (Disappointment were all-written on her face)

Gino: no, no! I am giving you a rosary as my way of saying: mag-iingat ka lagi.

Jasmine: i don't understand...

Gino: sabi kasi nila, kapag may rosary ka sa katawan, malalayo ka sa disgrasya. At gusto ko lagi mo yang dala kasi gusto ko lagi kang ligtas...safe, ganun.

Ramdam ni Jasmine yung sinseridad sa bawat salitang binibigkas ni Gino. At ewan ba niya, parang gusto niyang maiyak. Wala pang lalaki ang naghangad ng kanyang kaligtasan. Yung mga ex'es niya at kahit male friends, ang gusto lagi ay maka-score sa kanya!

"He respects me. He cares for me."

"Kaya pala ganun na lang ang pagpapahalaga sa kanya ni Sofia."

"Decency. Respect. Yun ang meron kami ni Gino sa isa't isa Hindi kailangan magkagusto ka sa lalaki para magmalasakit..." ngayon naiintindihan na niya si Sofia.

Gino: hey, why the tears? (natatawa sa kanya)

Jasmine: h-ha? (Hindi niya namalayan na naluha pala siya. Pinahid niya ng palad ang luha sa pisngi.) ikaw kasi, pinapaiyak mo ko. (Parang batang sabi niya)

Gino: uh-uh what a cry baby! (Kinabig siya ni Gino at inihilig naman niya ang ulo sa balikat)

That's the move! Kunyari love birds sila watching the sunset.😂😂😂✌️✌

Abangan.

Happy Reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now