And thanks to you, Gino..

4 1 0
                                    

Part 22

....And Thanks to You, Gino

Sa loob ng ambulance car, habang ina-assists ng mga nurses at attendant ang nobyo, iyak ng iyak si Jasmine habang hawak ang kamay ni Gino. Naka-convo sa kanila ang kotse ni Will. Iyak rin ng iyak si Anne habang nagda-drive ang asawa. Tiim-bagang ang mukha ni Will. Pinakamasakit sa isang lalaki ang makitang sabay na nahihirapan ang asawa at anak sa magkaibang kondisyon.

Nang ibaba sa ambulance car at ihiga sa stretcher si Gino ay umiiyak na umagapay silang tatlo sa pagtutulak ng mga nurses sa stretcher.

Mildred: anak, laban. Huwag muna, please. (Iyak ng iyak)

Jasmine: hon, please, lumaban ka. Hon, laban lang. (Iyak rin siya ng iyak)

Pinigilan na sila ng nurse sumunod ng malapit na sila sa emergency room. Umiiyak na yumakap si Mildred sa asawa. Si Jasmine ay tila wala sa sarili na napaupo sa upuan na nasa gilid ng waiting area. Iyak siya ng iyak. Anong nangyari? Ang saya pa nila kanina? Magbi-bake pa sila ng mga cupcakes...😭😭😭
_________________________

Nasa loob siya ng chapel ng hospital. Kanina pa siya nakikipagtitigan sa imaheng nakapako sa cross. Wala yatang pagtigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Jasmine: Lord, alam ko, hindi ako yung taong paladasal. Salbahe kasi ako. Ang alam ko lang, magsaya at magwalwal. Wala akong paki sa sasabihin Mo at sasabihin ng ibang tao basta ang mahalaga lang sa akin ay yung masaya ako. But this time, hihiling ako. (Di niya napigilan ang pag-agos ng luha) Please, buhayin mo si Gino. Magpapakabait na po ako. Hindi ko na bibigyan ng sakit ng ulo si mommy. Patatawarin ko na si daddy sa mga kasalanan niya sa amin. Aalagaan at mamahalin ko si Gino ng sobra-sobra(Napahagulgol siya ng iyak). Lord, please, ibalato Mo na siya sa akin. Gagawin ko lahat ng gusto mo, basta ibigay mo na lang sa akin si Gino. Wag mo muna siyang kunin. Kahit ito na lang ang maging kauuna-unahan at huling hiling ko sa yo..please, don't let him die...(napayuko siya, sobrang bigat ng nararamdaman niya. Masakit na yung mata niya sa kaiiyak pero walang patid ang pagdaloy ng luha)
______________________

ICU
Ang daming nakakabit na aparato kay Gino. Para siya ang higit na nahihirapan sa kondisyon ng nobyo. Kausap ni Tito Will at tita Anne ang neurologist ni Gino. Wala pa ring malay si Gino. Pero sabi ng doctor sanhi lang yun ng pampatulog na binigay. Sabi ng doctor, mga gamot at aparato na lang ang nagdudugtong sa buhay ni Gino.
____________________

Hawak niya ang kamay ni Gino, pinipigilan wag maiyak. Nasa ICU siya, bawal ang kahit anong virus baka ma-infection ang pasyente kaya nga nag-sanitize muna siya bago pumasok ng unit.

Jasmine: hon, gumising ka na. Ang daya mo naman. Hindi mo tinapos yung pagbi-bake mo. Pano ako maniniwalang ikaw nga yung nag-bake ng cake? Saka di ba may to-do list together pa tayong gagawin. (Huminga siya ng malalim, naiiyak na naman siya. Basag na nga yung boses niya). Di ba may gift ka pa kamong ibibigay sa akin? Babalik pa ko sa school. Ikaw yung maghahatid-sundo sa akin papuntang campus. At sa graduation ko, dapat nandun ka. Ipagyayabang ko sa yo yung diploma ko. (Mapaklang ngumiti). Hon, lalaban tayo, ha. Tiwala lang. Kapit lang...(di niya naiwasan ang pagpatak ng luha. Dinukot ang rosary na nasa bulsa)

Lumapit siya sa ulunan ni Gino at hinalikan ito sa ibabaw ng ulo.

Jasmine: ito yung rosary na bigay mo sa akin. Lagi ko itong dala kasi sabi mo, para lagi akong ligtas. Hon, sa yo muna itong rosary, ha. Para ligtas ka. Para gumising ka na. (Inilagay niya ang rosary sa pagitan ng mga kamay ni Gino.) pagaling ka, honey. Miss ko na yung biruan natin. Yung mga kwento mo. Miss ko na yung pag-aalaga sa yo. Miss na miss na kita..

Pinauwi na muna siya nina tita Mildred at tito will, kailangan rin daw niya ng pahinga. Bukas na lang daw siya ulit bumisita kay Gino. Ayaw niya sanang umalis. Gusto niya paggising ni Gino, siya ang unang mabungaran pero tama si Tita Mildred, she looked haggard. Dapat maganda siya paggising ni Gino. At hindi maitatanggi ng katawan niya ang pagod at puyat niya sa ilang araw na pagbabantay kay Gino.
______________________

Nasa resthouse na siya pero di siya dalawin ng antok. Naiisip niya si Gino. Bumangon siya at nanungaw sa bintana. Tumingala siya sa langit. Ang daming bituin...

"Nakikita mo yung space na yun? Dun ako pupwesto pag nawala ako para madali mo akong makita..."

Iniiwas niya ang tingin sa kalangitan at tinanaw ang dalampasigan. Doon niya unang nakita si Gino. Doon niya nakitang isinulat nito ang mga salitang : i hate this world!. Doon rin niya madalas inisin si Gino nung masungit pa ito. Doon rin sila nagkabati. Sa dalampasigan rin sila nagharutan kasama ang mga batang naglalaro. Ang dami nilang memories sa dalampasigan...

Ayan na naman siya, iyak na naman ng iyak! Pinalis niya ang luha. Babalik siya sa hospital bukas. Baka gising na si Gino. Hindi nito dapat makitang namumugto ang kanyang mga mata....

Huminga siya ng malalim...

"Be strong, Jas. Magiging maayos rin ang lahat...."

Abangan

Enjoy reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now