And thanks to you, Gino..

7 1 0
                                    

Part 25

....And Thanks to You, Gino

Pini-fill up-an niya ang form na binigay ni Gino para sa susunod na pasukan sa living room nang maramdaman niya na may nakatunghay sa harapan niya. Nang tingalain niya, talagang napanganga siya. It was unexpected! She didn't expect to see him now.

Jasmine: d-daddy?

Daddy: oh, hindi mo ba yayakapin si daddy mo? (Nakangiting naka-spread ang mga braso nito sa kanya)

Agad niyang sinugod ng yakap ang ama. It feels good to be in his arms again. Hindi niya napigilan ang mapaluha.

Daddy: hey, hey, why the tears? Until now, crybaby ka pa rin?

Jasmine: i'm just happy to see you, dad. Why are you here? (Nagpunas siya ng luha) May business transaction ka ba dito sa Manila? Kelan balik mo sa cebu?

Natawa ang daddy niya sa mga tanong niya.

Daddy: ang dami mo namang tanong. Masama bang bisitahin ko ang prinsesa ko?Miss ko na kasi yung iyakin na makulit pero magandang prinsesa ko.

Lumabi si Jasmine.

Jasmine: yung totoo, dad? Why are you here?

Daddy: (itinaas ang dalawang kamay as if saying: i surrender) okay, the truth is, tinawagan ako ng mommy mo. Kailangan raw ako ng prinsesa ko kasi malungkot siya ngayon at kailangan pasayahin ng hari.

Jasmine: iniwan mo ang trabaho mo at ang pamilya mo dahil lang malungkot ako? (Halos di makapaniwala. Naupo siya sa sofa)

Daddy: (naupo sa tabi ni Jasmine) oh, bakit gulat na gulat ka? Yung trabaho ko, puwede ko pang pasukan ulit. After all, i'm the boss. About my family in Cebu, they knew that you're also part of my family. Ikaw yata ang una kong prinsesa kaya di puwedeng balewalain. (Biro nito then nagseryoso) So, how are you? Nabalitaan ko yung nangyari kay Gino.

Jasmine: (hearing Gino's name still hurts) Okay lang ako, dad. Planning to go back to school next sem. Yun kasi ang gusto ni Gino. Siyempre, gusto ko rin. Dami kong dapat ayusin sa buhay ko. Goodbye na sa Jasmine na partygoer at pasaway. I'm not getting any younger, kailangan nang magkaroon ng direksyon sa buhay. Isa sa mga natutunan ko kay Gino is to value life. Life is too short, so make the most out of it.

Daddy: (ginagap ang palad ng anak) Nagma-mature na talaga ang baby ko. Dapat ko sigurong pasalamatan si Gino sa mga pagbabago mo.

Jasmine: (malungkot na ngumiti) yeah, thanks to Gino. He made me a better person. A strong one.

Daddy: (any minute mukhang iiyak ang anak kaya pasimple niya itong inaya) nami-miss ko ng mag-ice cream kasama ka. Halika, punta tayo sa ice cream parlor.

Jasmine: that would be great! (Nangislap ang mga mata) magbibihis lang ako, dad.

Daddy: (pinigilan ang anak) wag na. Okay na yang suot mo. Mag-sneaker ka na lang.

Jasmine: ang iksi ng short ko, dad.

Daddy: (natawa) sus, mahaba pa yan! Nung araw, kung mag-short ka , kita na yang kuyukot mo kasi sabi mo nga, wow legs ka naman!

Jasmine: (natawa rin) nung araw yun, dad! Mabilis lang ako. Give me 3minutes to change, ok?

Tinanguhan niya ang anak at sinundan ng tingin ang paakyat na si Jasmine patungo sa kwarto nito. His princess have changed. Naging responsable at cautious na ito ngayon sa mga sasabihin ng mga tao sa paligid niya. Unlike before, wala itong pakialam sa sasabihin ng mga tao, basta gagawin ang maibigan. Dati, hindi nito iniisip kung makakasakit ba ng damdamin ng iba, ang importante lang ay nag-i-enjoy siya. Dapat talaga niyang pasalamatan si Gino. Sayang at di siya nagkaroon ng pagkakataon kilalanin ang binata. Ito ang dahilan kung bakit tama na ang direksyon tinatahak ng anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now