And Thanks to You, Gino..

5 1 0
                                    


Part 2

....And Thanks to You, Gino!

Nakakabagot na nga ang mahigit dalawang oras na byahe from Manila to Batangas, tapos kinailangan pa nilang sumakay ng bangka para makarating sa mismong lugar nina Lola Andrea! Nakakainis, sumisigid sa balat niya ang init ng araw!😤

"Ano kaya at tumalon na lang ako dito sa gitna ng dagat para pag nalunod ako tapos ang problema ko!"

"No! Hindi magandang idea, lalapain ng mga pating ang maganda kong mukha! Yaks!"

" I really hate this! Hindi naman kailangan magbakasyon sa Batangas. School days pa 'no?"

"Pumapasok ka pa ba!? Yun nga lang, Hindi Na! Hahaha"

Mildred: Jas, I'm sure mag-I-enjoy ka dito sa Batangas. Mababait mga pinsan mo dito.

She just rolled her eyes.

"Wala akong paki sa mga pinsan Ko! Di ko naman sila Ka-close."

Pero pinili niyang manahimik na Lang.

Mildred: (nahalata Na nagtatampo pa rin siya) Jas, I'm doing this for your own good. Believe me, you will like it here.

Jasmine: whatever! Two months, mom. Pagkatapos, papayagan mo na akong mag-stay kay daddy.

Mildred: (napabuntunghininga at iniiwas ang tingin sa kanya) you really hate me that much. Pumayag kang magbakasyon dito sa Batangas in exchange na papayag akong tumira ka sa daddy mo at iwan ako.

Jasmine: mom, I just want to be with my dad, masama ba yun?

Mildred: No! But it hurts me.

Napatingin siya sa Ina. Mapaklang ngumiti ito sa kanya.

Mildred: What happened to us? Why all of a sudden we became strangers...

Jasmine: what happened to you, mom? (Balik-tanong niya sa Ina) Bakit hindi mo Na ako pinagkakatiwalaan ngayon?

Mildred: no! I trusts you. It just that...

Jasmine: okay lang, mom. Wag ka ng mag-isip ng magandang sasabihin. Alam ko namang Walang maganda sa akin!

Mildred: Jas...

Jasmine: (mapaklang ngumiti) okay Lang! Hindi natin kailangan magplastikan, mom. ( ibinaba niya ang shades na nasa ulo at inilagay sa mata. End of discussion, yun ang ipinahihiwatig niya)

She wanted to cry. Ang dami niyang tanong. Ang dami niyang gustong sabihin sa ina. Pero bakit parang ang hirap magsalita? Ang lapit lang ng Ina sa kanya pero bakit parang napakalayo nito sa kanya?

Naalala niya nung bata pa siya, pagkakadating niya galing eskwela, Ang dami niyang kwento sa Ina. And her mom will listen to her stories attentively. Magtatawanan sila sa mga kakulitan niya. At Ang mommy naman niya Ang magkukwento, sa mga nangyari sa maghapon nito. Plain housewife lang ang mommy niya noon pero kahit ganun, masaya sila. Masaya nilang hihintayin ang pagdating ng daddy niya na pagod sa trabaho. Her mom will massage her dad's forehead. At natutuwa siyang pagmasdan ang dalawa sa ganung scenario. Sabi pa niya noon sa sarili niya; one day she will be like her mother. Mabait, mapagmahal, maasikaso at mahal na mahal ang daddy niya. Pero hindi lahat ng gusto nating mangyari ay natutupad. Nagising na lang siya isang araw na wala na ang daddy niya sa buhay nilang mag-ina... And it changed everything...as in everything!😭😭

Nagulat pa siya nang mapansin na huminto na ang sinasakyan nilang bangka. Tanaw niya ang Lola Andrea niya at ang pinsang si Sofia na kumakaway sa kanila malapit sa dalampasigan. Nakangiting gumanti ng kaway ang ina. Inalalayan sila ng bangkero na makababa sa bangka. Habang naglalakad palapit kina Lola Andrea at Sofia, inilibot niya ng tingin ang buong paligid.

"Wow! An isolated island! Oh well, OA lang ako, hindi ganun Ka-isolated. Pero Sa isang katulad Ko na nasanay sa city life, I don't think I will like it here"

"Para siguro sa iba, maganda ang lugar. But I find it boring!"

"Gosh, anong gagawin ko dito, magpupulot ng mga bato buong araw?!"

Hindi sinasadyang natanaw niya ang isang lalaki na marahil kaedad niya or a year older than her, na nakasalampak ng upo sa buhanginan malapit sa seashore. Parang malalim ang iniisip nito, malayo ang tingin eh. Nang pumaling ito sa direksyon niya, Hindi siya sigurado kung nakatingin ito sa kanila pero nginitian pa rin niya ito. Hindi gumanti ng ngiti sa kanya ang lalaki at muling ibinalik ang tingin sa kalawakan ng dagat.

"Hindi siguro Kami Nakita."

"He looks yummy!" (Natawa siya ng lihim sa naging description niya sa binata)

"Oh well, staying here is not bad at all! Thanks to you, pogi!"

Lola Andrea: ( agad humalik at yumakap sa kanya) Ito na ba si Jasmine, Aba'y napakalaki na at ang Ganda!

Tipid na ngiti lang ang itinugon niya.

Mildred: (nagmano Sa tiyahin) kumusta na, kaka. (Kaka ang tawag sa tiyahin Sa Batangas) Ito na ba si Sofia na anak ni Insang Isabel?

Lola Andrea: siya na nga. Bilis ng panahon 'no? Naku, napakabait ng batang are. (Masayang pagbibida ng tiyahin)

Mildred: at maganda, ha. ( bumaling sa anak) Jas, Mukhang magkakasundo kayo nitong si Sofia. Halos magkaedad siguro kayo.

Sofia: Hi, Insan Jas. Ang Ganda mo!

Jasmine: (tipid Na Ngumiti) thank you. Hindi pa ba tayo papasok sa loob, ang init dito.

Lola Andrea: Oo nga pala, nagkwentuhan na tayo dito sa labas. Halina kayo Sa loob at nagpahanda ako ng konting mapapagsaluhan natin.

Nagpatiuna ng humakbang patungo sa resthouse nila si Lola Andrea, kasunod ang ina. Akmang kukunin ni Sofia ang kamay niya, yung tipong close na maglalakad sila ng hawak kamay, pero bago pa mangyari yun, iniiwas na kaagad niya ang kamay. Upang di naman mapahiya ang pinsan, tipid Na nginitian niya Ito. Mabait nga siguro Itong si Sofia, Hindi man lang minasama ang ginawa niya. In fact, ang daming kwento habang naglalakad sila Na di naman niya naiintindihan dahil ang utak niya Ay okupado ng lalaking nakita niya sa dalampasigan.

"He's really cute!"

" hmmm, Mukhang magkaka-boyfriend Ako Ng probinsyano!" 😂😂😂

" Hindi naman pala masyadong masasayang ang bakasyon ko dito!"

" Humanda ka sa akin, pogi! Mabibighani Ka Sa ganda Ko!"

Hahaha!

Abangan

Enjoy reading
God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now