Part 17
....And Thanks to You Gino
Nagising si Jasmine sa mabining haplos ng mga palad sa kanyang buhok. Nang tingalain niya ay ang nakangiting mukha ni Mildred ang natunghayan niya. Bumangon siya sa pagkakahiga
Jasmine: M-mom? What are you doing here? It's only Thursday, May trabaho ka di ba?
Mildred: (nginitian ang anak) Yeah, but my work can wait. Kailangan ako ng anak ko eh.
She needs me now more than ever.Sukat sa sinabi ng ina, agad nangilid ng luha ang kanyang mga mata. Sinugod niya ng yakap ang ina. Sa balikat nito, umiyak siya ng umiyak. May alitan silang mag-ina pero sa pagkakataong ito, gusto muna niyang isantabi kung anuman yun. Nandito ang ina para damayan siya. Iniwan ang napakahalagang trabaho nito sa maynila para sa kanya. Mahal pa rin pala siya ng mommy niya... At dahil sa isiping yun, napahigpit ang yakap niya sa ina. And her mom was right, she needs her more than ever...
No words. only tears & a tight hugged. Gustong maiyak ni mildred, ang tagal na panahon na pinangarap niya na muling mayakap ang anak. At ngayon nangyari na, ay di niya magawang magsaya. Heartbroken ang anak. Nakatakdang iwan ng lalaking unang nagpatibok sa puso ni Jasmine. Sa higpit ng yakap ng anak at sa tahimik nitong pagluha, ramdam niya ang sakit at hapding nararanasan nito ngayon. Kung puwede lang niyang angkinin ang lahat ng sakit para wag ng masaktan ang anak...kung puwede nga lang. 😭😭
Jasmine: (umalis ng pagkakayakap sa ina at nagpunas ng mga luha) sorry, mom. Ang aga kong nagdrama sa yo. Nabasa ko pa yang blouse nyo. (Bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa ina)
Mildred: ano ka ba? Blouse lang yan. Halika nga rito, anak. Na-miss ko yang yakap mo. ( siya na ang humatak kay Jasmine payakap sa kanya)
"Oh how she misses her daughter!"
_________________________Habang pinagluluto siya ng pancake ng ina ay tahimik niyang pinapanood ang bawat galaw nito. Maganda pa rin ang mommy niya sa kabila ng edad nito. Maraming nagsasabi na magkamukha raw sila ng ina though magkaiba sila ng personality. Ang mommy niya mukhang istrikta, siya bubbly. Pero sabi ni tita Anne, nung kaedaran niya ang mommy niya ay makulit at pilya rin ito. Close sila dati ng mommy niya, nabago lang ang pakikitungo niya dito nung naghiwalay ang mga magulang.
Pagharap ni Mildred upang i-serve ang pancake na niluto para sa anak ay saglit siyang natigilan sa nakitang anyo ng anak. Titig na titig ito sa kanya na para bang ngayon lang siya nito nakita sa napakahabang panahon. Napangiti siya. Nung maliit pa si Jasmine, lagi siya nitong pinapanood kapag nagluluto o nagbi-bake siya. At pag natikman ang luto niya ay pupurihin nito ang gawa niya. Such a sweet daughter! Pero sa hindi niya alam na dahilan, biglang nabago ang pakikitungo nito sa kanya. At hirap siyang sakyan ang mga naging pagbabago ng anak. Kaya madalas nauuwi sila sa away.
Ipinatong niya ang pancake sa mesa at nagsalin ng orange juice sa baso.
Mildred: ubusin mo lahat yan, ha. Sabi ni Kakang Andrea, lately, tamilmil kang kumain.
Jasmine: (nag-slice ng pancake at tinikman) hmmm, di pa rin nagbabago ang pagluluto mo, me. You're really a good cook. Na-miss ko 'tong mga luto mo!
Mildred: (saglit na natigilan) araw-araw kitang pinagluluto nung nasa Manila ka pa. Pero di mo tinitikman.
Si Jasmine naman ang natigilan.
Jasmine: i was mad at you that time, mom.
Mildred: and i wondered why?
Jasmine: ( nakatuon ang tingin sa pancake na nasa plate nang magtanong) bakit kayo naghiwalay ng daddy, mom? Bakit masaya ka pa nung iniwan ka niya? Di ba dapat may "sakit moment", may healing process pero bakit ang bilis mong naka-move on? Is it because from the very start you never loved my dad?
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness