And Thanks to you, Gino..

1 0 0
                                    

Part 6

....And Thanks to You, Gino

Yung plano niyang mag-ikot sa bayan ay di natuloy! Naiwan niya ang wallet, wala siyang pera! At nagugutom na siya. Kung di lang siya napahiya kanina sa confectionary, susundan pa sana niya si Mr. Sungit. Kaso, nabwisit na siya ng kahera kaya nawalan siya ng ganang mag-trip ng lalaking bisugong binabad sa suka😂 Sumakay siya sa motorcycle at nagdesisyong bumalik na lang sa resthouse
____________________________

Nasa may terrace palang siya,naririnig na niya ang boses ng lola niya. At pagbukas niya ng pinto, nakumpirma ang kutob niya: pinapagalitan nito si manang!

Lola Andrea: Bakit mo pinayagan pumunta ng bayan si Jas, at pinagamit mo pa ang motor?! Ikaw ba ay nag-iisip, ha, Chaling!

Manang: Hindi ko naman pinayagan. Kaya lang, tinakot ako na susunugin nya yung pinagpupuyatan kong gatsilyo. Kaya ayun...

Lola Andrea: at nagpasindak ka naman sa apo ko! Kaya nga yan dito dinala ni mildred para madisiplina natin. Pero anong ginawa mo?

Tumikhim siya upang iparamdam ang kanyang presensya.

Lola Andrea: (agad itong lumapit sa kanya) Jas, bakit ka umaalis ng di nagpapaalam sa akin!?Papatayin mo ako sa nerbyos! (May galit sa boses ng lola niya pero mas nahihimigan niya ang pag-aalala nito sa kanya)

Humalik siya sa agwela.

Jasmine: lola, wag na kayong mag-alala, nandito na ko. Walang nangyaring disgrasya.

Lola Andrea: at hihintayin ko pang madisgrasya ka, ganun. Jasmine, ayoko ng mauulit 'to. Kundi mapipilitan akong mag-set ng rules para rin sa ikabubuti mo.

Jasmine: (niyakap ang agwela, naglalambing) la, sorry na. Promise, hindi na mauulit. Nainip lang naman ako kaya medyo pinasukan ng agiw ang utak ko. Pero pangako, magbi-behave na ko. Kaya wag ka ng magalit sa akin, ha. At wag mo po ako isusumbong kay mommy, please.(nagpapaawa ang mukha niya.😂)

Lola Andrea: sige, palalampasin ko muna itong kalokohan ginawa mo. But promise me you will behave and you will obey my rules. Is that clear?

Jasmine: clear as the sun will rise tomorrow! (Hinalikan niya ang agwela. Grateful na pinagbigyan siya sa request niya na wag isumbong sa mommy niya!)

Nang sulyapan niya si manang, humihingi ng paumanhin ang tingin niya dito. Dahil sa pagkamaldita niya, napagalitan ito ng lola niya.

Umingit ang pinto ng maindoor, napasulyap sila kay idro na papasok.

Idro: ma'm, nandito po si Gino.

Laking gulat niya ng makita na papasok ng pinto kasunod ni Manong Idro si Mr. Sungit!

"So, his name is Gino!"

"What is he doing here? Stalking me?! Hahaha Assumera kang babae ka😂😂"

"Putcha, hindi ako mahilig sa tisoy pero exceptional ang kumag na 'to! Kahit mukhang maputla, pogi talaga!"

Awtomatikong napasuklay siya sa buhok. Na-conscious, sumasayaw sa hangin ang buhok niya kaninang nagmu-motor siya. Kaya pihadong sabog ang buhok niya! Naku, bakit pakiramdam niya, nangangapal bigla sa alikabok ang mukha niya. Pasimpleng pinunasan niya ng palad ang mukha!

"Langya, Jas, kumekerengkeng ka! 😂😂

Lola Andrea: what a surprise! Kumusta ka, Gino?

Nagmano si Gino kay Lola Andrea. Nginitian si manang. Pero siya, ni hindi tinapunan ng tingin ng kumag! Kuuuuh!😤😤👊👊

Gino: mabuti naman po, Lola Andrea. Dinala ko lang po itong mga pinamili ng bisita nyo ( bahagya nitong itinaas ang isang supot na puno ng mga ingredients for baking. Kung di siya nagkakamali, ito yung mga pinamili niya kanina na di niya nabayaran!)

Medyo naguguluhan na napasulyap sa kanya ang lola niya.

Jasmine: naiwan ko kasi ang wallet ko, la. Kaya hindi ko nabayaran mga yan.

Lola Andrea: i see. Naku, salamat, Gino. Napakabait mo talagang bata. Nag-abala ka pang bayaran at dalhin dito yan. ( humarap kay manang) Chaling, kunin mo nga ang wallet ko nang mabayaran si Gino.

Gino: naku, hindi na po. Maliit na bagay lang po yan, lola.

"Aba, may kabaitan naman palang taglay ang hudyo!"

Lola Andrea: naku, iho, alam kong galing pa sa allowance mo yang pinambayad mo kaya di maaaring hindi kita babayaran.

Gino: lola, okay lang po talaga. Ako po ay magpapaalam na, dinala ko lang po yang mga pinamili ng bisita nyo. ( hindi pa rin sumusulyap sa kanya!)

Jasmine: (hindi nakatiis) excuse me, hindi ako basta bisita rito. Apo ako ni lola Andrea!

Lola Andrea: oo nga pala, i haven't introduce you properly. Gino, this is my grand daughter, Jasmine. And Jas, this is Gino. Sila yung nakatira sa kabilang resort. Bestfriend ng mommy mo ang mom niya during their highschool days.

Inilahad niya ang kamay kay Gino. Pero alanganin tanggapin ng binata ang kamay niya. Pasimpleng ngumiti lang ito sa kanya, marahil napilitan lang dahil kaharap nila si lola Andrea. Pero pinasok na naman ng agiw ang utak niya. Ayaw niya ng handshake! Baka gusto ng kiss! Hahaha

Nabigla si Gino nang halikan niya ito sa pisngi! Sobrang shock ang gago, napanganga pa nga yata! Hahaha

Jasmine: nice meeting you, Gino! Ang bango mo talaga! (And whisper the latter part)

Natawa si Lola Andrea sa ginawi niya. Hindi ligid sa kaalaman nito ang pagiging maldita niya. But unlike her mom, hindi masyadong masermon at seryoso si lola Andrea. She can tolerate some of her topak! Kagaya ngayon, natawa lang sa kapilyahan niya. At siguro natawa rin ito sa hitsura ni Gino! Putcha, nagba-blush si putla! Hahaha

Lola Andrea: naku, Gino, pagpasensyahan mo na ang apo ko. Mabiro lang talaga yan.

Gino: ako po ay magpapaalam na. Baka hinahanap na ko nina mama.

"Ang kumag, di man lang nag-side comment sa sinabi ni lola! Ang NR talaga!" (NR as in no reactions)

Lola Andrea: salamat iho. Give my regards to your mom and dad.

Gino: i will, lola.

Nang makaalis si Gino, kinurot siya ni Lola Andrea sa tagiliran.

Lola Andrea: anong ibig sabihin ng kiss na yun, ha.

Jasmine: (namimilya ang ngiti) friendly kiss

Lola Anrdrea: friendly kiss, eh kai-introduce ko palang sa inyong dalawa.

Jasmine: lola, ha, wag green minded! It was just a simple kiss. Walang meaning. (Kunyari pa siya! Hahaha)

Lola Andrea: i know you, Jas. Kahit hindi tayo nagkasama ng matagal, lagi ka namang kinukwento sa akin ng mommy mo. Kaya alam ko pag may niluluto kang kalokohan! (She gave her a warning look)

Jasmine: lola, i'm innocent! (Sabay tawa)

Natawa rin ang lola niya. And it feels good, nagkakasundo silang maglola. Sa sandaling pag-i-stay niya sa resthouse, nakakagaanan niya ng loob si lola Andrea at Sofia. Truly, blood is thicker than water.

At si Gino, isa ito sa mga dahilan kung bakit unti-unti nai-enjoy niya ang bakasyon.

"Gino. Gino. What a name? Parang pangalan ng bold star! Hahaha"

Abangan

Happy reading
God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now