Part 4
Nagising siya sa tilaok ng mga manok na nagmumula sa may bandang bintana ng kwartong tinutuluyan niya.
"Kailan pa nagkaroon ng sabungan sa resthouse?!"
Naiinis na tinakpan niya ng unan ang buong mukha pero dinig pa rin niya ang patuloy na pagtilaok ng mga manok.
"Grrrr!"
Napilitan siyang bumangon. At base sa nakikita niya sa labas, madilim pa. Dinampot niya ang cellphone na nasa headrest ng kama. It's only 4:00am. Kung nasa Manila siya at wala rin lang pasok, pihadong 1pm pa ang bangon niya. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya kinapa ng mga paa niya ang sapin sa paa sa sahig.
Nasa gitna pa siya ng hagdan ay aninag na niya ang nakabukas na Ilaw sa may kusina.
"Naiwang bukas ang ilaw o may tao sa kusina?"
Si Sofia ang nasa kusina. Nakaupo ito sa harap ng dining table at base sa nakikita niya, nag-aaral ito. Agad nag-angat ng mukha si Sofia ng maramdaman na nasa bungad siya ng komedor.
Jasmin: good morning. May exams ka?
Sofia: good morning. Dinu-double check Ko lang yung assignment na ginawa ko kagabi. (Nakangiting sagot)
Dumiretso siya sa fridge at naglabas ng pitsel.
Jasmine: Sipag mo namang mag-aral. ( Aniya habang nagsasalin ng tubig sa baso) Ano bang course mo? (Sabay hila ng silya, paharap sa pinsan)
Sofia: Accountancy
Jasmine: woh! So you're good in numbers?
Nginitian lang siya Ni Sofia. Hmm, humble yung pinsan niya. Nahiyang umamin na magaling nga sa numero. Tama ang Lola Andrea niya, mabait na bata si Sofia!
"Ano kaya ang tingin sa akin ni Lola? Magandang bata?!"Hahaha.
Sofia: nakaalis na nga pala si Tita Mildred. Hindi ka na ginising kasi ang sarap raw ng tulog mo.
Jasmine: ang aga naman niyang umalis? (Ganun ba siya kaatat na iwan ako?)
Sofia: hahabulin niya kasi ang first trip para di raw siya mahuli sa opisina.
Jasmine: whatever! Akyat na ko, naaabala ko pag-aaral mo.
Sofia: Hindi naman. Nakapag-aral na naman ako kagabi. If you need anything, wag kang mahihiyang magsabi sa akin o kay Lola. Kahit Kay manang. Pamilya tayo dito.
"Family! Big word! Tagal na niyang walang pamilya...."
Nginitian niya si Sofia at muling bumalik sa tinutuluyang kwarto. Kanina pa siyang nakahiga sa kama pero di na siya dalawin ng antok.
"Puwede naman niya ako gisingin para nakapagpaalaman kami ng maayos bago siya umalis. She really don't care about me!"
Tumayo siya at lumapit sa may bintana. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang tabing-dagat. Naamoy pa nga niya ang simoy-dagat at naririnig ang mabining paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Kahit paano naibsan yung bigat na nararamdaman niya. Nang may mapansin siyang bulto ng katawan na nakaupo sa may dalampasigan. Dahil madilim, hindi niya masyadong aninag yung hitsura ng taong nakaupo. But since the man is sitting in the same spot kung saan niya dalawang beses nakitang nakaupo si Mr. Sungit, Kaya natitiyak niya na yung bulto ng katawan na naaaninag niya ay pag-aari nito. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Dagli niyang isinuot ang robang nakasabit sa may upuan sa harap ng tokador at nagmamadali na siyang bumaba. Nakasalubong pa niya sa may hagdan si Sofia.
Sofia: Saan ang Punta mo? Parang nagmamadali Ka?
Jasmine: tatagpuin yung Ka-date Ko! (Bahagyang natawa)
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness