And Thanks to you, Gino..

1 1 0
                                    

Part 15

....And Thanks to You Gino

Napangiti si Gino ng mapagmasdan ang imahe na nasa canvass. Konti na lang at matatapos na niya ang kanyang pinipinta. Napasulyap siya sa may gawi ng mga orchids ng mommy niya at ang nakangiting mukha ni Jasmine ang tumambad sa kanya. Agad niyang kinuha ang puting tela at pinantakip sa ibabaw ng canvass. Saktong naitakip na niya ang tela ng makalapit sa kanya ang dalaga.

Jasmine: oh bakit mo tinakpan? Patingin nga.

Gino: (agad pinigilan ang kamay niya na mag-aalis ng tela) Saka na. Hindi pa tapos yan.

Jasmine: eh ano naman. Titingnan ko lang naman kung anong subject mo...

Gino: wag makulit. Saka na, pag tapos na. Ikaw ang unang makakakita niyan.

Jasmine: promise?

Gino: (itinaas pa ang kanang palad) promise.

Jasmine: sige na nga, di na kita kukulitin dyan. (Inginuso ang canvass)

Humila ng silya sa garden set si Jasmine at naupo. Dumampot naman ng malinis na basahan si Gino at pinunasan ang mga kamay na may pintura.

Gino: (nilinga si Jasmine habang naglilinis ng mga kamay) ang aga mo naman yatang mangapitbahay?

Jasmine: na-miss kita eh.

Gino: para namang di tayo nagkita kahapon.

Jasmine: tagal mong nawala kaya inu-offset ko yung mga araw na di tayo nagkita.

Gino: (natawa) ang baliw mo rin talaga ano?

Jasmine: yes, crazy inlove with you..

Gino: here we go again. Kelan mo ba tatapusin yang panti-trip mo sa akin. ( humila ng silya paharap kay Jasmine at naupo)

Jasmine: yung panti-trip, 6days ago pa natapos. Yung ngayon, totoo na. Kasi totoo na yung feelings ko para sa yo.

Gino: (pabirong inihilamos ang palad sa mukha ni Jasmine) wag ka ngang ganyan, mamaya maniwala na ko na seryoso ka talaga.

Jasmine: seryoso naman talaga ako. Gusto kita. Mahal na nga kita!

Gino: Jasmine, don't me. (Nakatawa)

Jasmine: (feeling irritated na) wag mo nga ako ma-don't me-don't me, hindi bagay sa yo! Alam ko naman na alam mo at napi-feel mo na seryoso na ako sa yo. Na totoong may gusto ako sa yo. At napi-feel ko na nagkakagusto ka na rin sa akin! (Kapal! Hahaha) i just can't understand what is holding you to admit that you also like me.

Gino: (natigilan sa biglang outburst ng emotion niya.) Jas, hindi tayo puwede.

Jasmine: (napatayo na sa inis) Bakit hindi puwede? Wala ka namang girlfriend di ba? At wala rin akong sabit! So why we can't be lovers?

Gino: kalimutan mo na ko, Jas. Hindi tayo puwede!

Bumuga ng hangin si Jasmine, nag-aalis ng galit. Humakbang palayo kay Gino at muling humarap sa binata.

Jasmine: bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit hindi tayo puwede? Kung sasabihin mo sa akin na wala kang nararamdaman para sa akin, sabihin mo ng diretso sa aking mga mata! Say you don't love me... Say it!

Gino: (hirap ang kalooban na tumitig kay Jasmine) Jas, wag ako. Masasaktan ka lang.

Jasmine: (sarcastic smile) ako, masasaktan? Bakit? May plano kang paglaruan ang feelings ko?

Gino: no-no, no, Jas. Pero Mas mabuting maging magkaibigan na lang tayo.

Jasmine: (galit na talaga) Sofia number two ba ako?! Yung babaeng puwede mo sana maging love interest pero mas pinipili mong maging kaibigan! Pwes, hindi kita gustong maging kaibigan! Gusto ko maging "tayo"!

Gino: (akmang hahawakan sa balikat ang dalaga para pahinahunin pero umiwas ito) Jas, makinig ka sa akin.(in a very calm tone) Kahit gusto mo ako at gusto kita, hindi talaga puwede na magkaroon ng "tayo". Masasaktan lang tayo pareho.

Jasmine: eh bakit nga!?! Sabihin mo kasi sa akin kung bakit hindi puwedeng maging tayo kung pareho naman pala nating gusto ang isa't isa! (Medyo sumisigaw na siya sa galit) Ang labo kasi..

Gino: (napatingala sa langit habang hawak-hawak ang batok) iiwan lang kita eh...

Jasmine: magma-migrate family mo sa abroad? (Bigla siyang nakaramdam ng kaba)

Gino: no...

Jasmine: then why?

Hindi nagsalita si Gino. Nakatitig lang ito kay Jasmine, parang hirap na hirap ang kalooban.

Jasmine: hindi ko maintindihan. Bakit mo ako iiwan? Saan ka pupunta? (Naguguluhan na talaga siya sa itinatakbo ng usapan nila ni Gino) Sumagot ka, bakit mo ko iiwan? (Pasigaw na pagtatanong niya)

Gino: Jas, i am dying. (Pinili ng sabihin ang totoo) i have barely 4months to live. Brain cancer.

Jasmine: (pilit ang tawa) ginu-goodtime mo ba ako? Is this some of a joke?

Gino: (tinitigan sa mga mata si Jasmine) how i wish i was just joking... That i am just having a nighmare! But it's true...mamatay na ko. Sooner or later, maiiwan kita. At ayokong iwan kang nasasaktan. Kaya kahit mahal kita, pipigilan ko ang sarili ko na mahalin ka because you deserve someone better than me... Yung malakas, yung mahaba ang buhay...yung di ka iiwan...

Si Jasmine, tulala. Tumutulo yung mga luha. Ayaw niyang i-sink in sa utak yung mga sinasabi ni Gino pero malinaw lahat ng naririnig niya. Gino is dying! He has barely 4months to live! He will leave her soon... Shit!

Jasmine: no! No! Nooooo!

Umiiyak, umiiling, naguguluhan at nasasaktan na tumakbo palayo kay Gino si Jasmine. Nakasalubong pa niya sa may bungad ng pinto ang mommy ng binata pero hindi na niya ito pinansin. Dire-diretso siyang tumakbo palabas ng resort nina Gino. Parang kailangan niyang makalabas agad sa bahay na yun para makahinga. Pakiramdam niya, mauuna pa siyang mamatay kay Gino.

Ang sakit! Ngayon lang siya nagmahal, pero sa maling tao pa! Bakit kung kelan nagseseryoso na siya saka naman nagbiro ang tadhana. Life is so unfair!😭😭😭
__________________________

Nang makarating siya sa resthouse, nadatnan niyang nakaupo si Sofia sa one seater sofa, may binabasang libro. Nagtataka ang hitsura nito kung bakit siya luhaan. Pero hindi magawang magtanong dahil may hidwaan pa silang magpinsan.

Jasmine: Sofia...(sinugod niya ng yakap ang pinsan.)

Nanghihina siya sa nalaman, kailangan niya ng lakas kaya ganun na lang ang higpit ng yakap niya sa pinsan

Sofia: bakit? Anong nangyari?

Lalong humigpit ang yakap niya sa pinsan. Hindi niya kayang sagutin ang tanong nito. Tanging mga hikbi at iyak ang naging sagot niya sa tanong ni Sofia. Hindi na muli nagtanong si Sofia. Hinahaplos-haplos niya ang likod ng pinsan as if saying: tahan na. Kung anuman yan, maayos rin...

Abangan

Enjoy reading. God bless

And Thanks to You, Gino...Where stories live. Discover now