Part 18
....And Thanks to You, Gino
Nakapanungaw sa may bintana ng kwartong tinutuluyan niya si Jasmine. Napansin niya ang bulto ni Gino na nakaupo sa favorite spot nito sa may dalampasigan. As usual, nakatitig na naman ang binata sa harap ng dagat na para bang naghihintay sa paglubog ng araw.
"Pumayat siya..."
"I missed him...pero pag nilapitan ko siya, anong sasabihin ko?"
"Dapat ko pa ba siyang kausapin? Di ba tama lang na umiwas na ko...?"
Bigla siyang napakubli sa gilid ng bintana ng mapunang papaling ang ulo ni Gino sa gawi niya. Ang lakas ng tahip ng dibdib niya. Nakita kaya siya ni Gino?
Ang mommy ni Jasmine na nakatuon sa screen ng laptop nito, busy sa iniuwing trabaho ay napasulyap sa kanya. Inalis ang reading glasses sa mata at nakangiting nagtanong sa anak.
Mildred: Ba't ka nagtatago dyan sa may bintana? You looked nervous. (Medyo iniangat ang pagkakaupo sa may kama para mabistahan sa labas ang pinagkakaganun ng anak)
Jasmine: mom, no! (Pigil niya sa ina nang akma itong tatayo para sumilip sa labas ng bintana. Medyo napalakas ang boses niya at agad na tinakpan ang sariling bibig😂😂) Andyan sa may dalampasigan si Gino. (Mahina niyang sabi habang minumustra ang dalampasigan ng kamay)
Mildred: (napangiti) eh ano kung andyan siya? Bakit hindi mo puntahan?Mag-usap kayo.
Jasmine: (dahan-dahang lumapit sa kama na akala mo masisilip siya ni Gino! Hahaha. Naupo siya paharap sa ina) Dapat ko pa ba siyang kausapin? Hindi ba tama lang na iwasan ko na siya para masanay ako na wala siya sa tabi ko.Para...(parang may bikig ang lalamunan niya ng muli nagsalita) para pag umalis na siya, hindi na ko masyadong masasaktan kasi nasanay na ko na hindi siya nakakasama. Hindi ko na siya masyadong mami-miss?
Mildred: kaya..? Paano kung sa pag-alis niya, mas lalo kang masaktan kasi may panghihinayang at pagsisisi kang mararamdaman?
Hindi nagsalita si Jasmine. Iniiwas ang tingin sa ina.
Mildred: Ano ba ang mas gusto mo yung umalis si Gino na hindi kayo nagpaalamanan? Na parang hindi kayo nagkakilala at naging magkaibigan. O yung aalis siya na baon yung mga ala-ala na magkasama kayo? Aalis siyang masaya kasi kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, hindi mo siya iniwan.
Tahimik pa rin si Jasmine. Parang isinasapuso ang mga sinasabi ng ina. Ginagap ni Mildred ang palad ng anak.
Mildred: Alam mo, anak, nung mawala si Loida at nag-aral sa abroad, nagdalawang-isip ako kung lalayo na lang ba ako sa daddy mo o ilalaban ko yung pag-ibig ko sa kanya? Tapos, sabi ko, baka may chance na maging kami. So inilaban ko...
Jasmine: and look what happened? Nagkahiwalay kayo..
Mildred: (nginitian ang anak) at least, nasagot yung mga tanong ko.
Jasmine: like....?
Mildred: na hindi talaga ako ang true love ng daddy mo! (Medyo natawa)
Jasmine: nagagawa mo ng tawanan ang nangyari sa inyo ni daddy, my.
Mildred: that's acceptance, anak. Tingnan mo, kung hindi ko inilaban yung feelings ko sa daddy mo, e de, sana wala akong Jasmine na anak ngayon. And besides, my relationship with your dad was not bad at all. Mabait naman ang daddy mo, maalaga, mapagmahal...yun nga lang di umabot sa pagmamahal na nais ko. Jas, pag binabalikan ko yung mga nangyari sa amin, naiisip ko, buti na lang talaga inilaban ko yung pag-ibig ko sa dad mo kasi kahit anuman ang kinahitnan, wala akong paghihinayang o pagsisisi kasi lumaban naman ako. Ginawa ko naman yung sa tingin ko na dapat at tama. kung at the end, talo pa rin ako. At least natalo ako na lumalaban. Walang what ifs na naka-hang sa utak ko. At saka may mga happy memories kami ng dad mo na nagpapangiti sa akin pag nami-miss ko siya.
YOU ARE READING
And Thanks to You, Gino...
RomanceAbout love, life, sacrifices,acceptance, and forgiveness